BALL - Chapter XI

232 6 15
                                    

A/N: Maguupdate ako ngayon kasi 1 month na ang "I wanted YOU" I wanna thank everybody for fanning voting and commenting. Super na-aapreciate ko talaga. More than 1392 views in one month to be exact. Thank youuuu po! ^.^


So eto na, Tristan's POV. So may mga scenes po ulit na mauulit. The next two chapters would be the boy's POV pa rin po para maintindihan nyo rin yung ibang characters.


Tristan po ulit sa side---->


Chapter XI

Tristan's POV


July 3,2008 - Thursday


Pagkatapos ng class ko ngayon ay kaylangan kong pumunta ng gym para i-check ang mga dapat pang asikasuhin para sa Pep Rally, bukas na kasi yun. Hindi na naman tuloy ako makakasama kayna Unique mamaya. Tsk. >_<


Nung nasa gym na ko naabutan ko pa sina coach at ang growling tigers. Oo nga pala at 1-4pm lagi ang practice nila dito sa gym.


"Tristan hijo!!! Napadaan ka ata. Makukuha ko na ba ang inaasam asam kong point guard??" Tanong sakin ni coach.


Alam kong ang ibig sabihin ni coach ay kung sasali na ba ko sa team nila. Sa totoo lang ay gustong gusto ko na sana dahil bata pa lang ako ay passion ko na talaga ang basketball kaso lang gaya ng basketball ay pangarap ko din maging isang doctor kaya naman pinili ko na mag-focus muna dito sa pre-med course ko.


"Coach naman ^_^ Napadaan lang po ako para sa SOCC. May mga ichecheck lang po ako saglit." Paliwanag ko.


"Akala ko naman hijo ngayon na ang magiging pinakamasayang araw ng buhay ko dahil ibibigay mo na sakin ang matamis mong oo." Biro ni coach.


Nakokonsensya naman tuloy ako dahil simula high school pa lang ay kinukulit na ko ni Coach Andy. Kahit alam kong pa-biro sinabi sakin yun ni coach ay seryoso pa rin sya deep inside. Sabi nga nila "Jokes are half meant".


"Coach talaga. Pinagiisipan ko po talaga ang offer nyo pero hindi ko pa po ata alam ang isasagot ko kung ngayon nyo na po tanungin eh. ^_^"


"Biro lang hijo. Take your time ^_^ Magbre-break kami ngayon ng 10 minutes baka gusto mong kausapin sina Carter. ^_^"


"Ah sige po coach. ^_^"


"Let's take a break boys!!!!!!!!!!! 10 minutes! At nandito pala si Caballes, kumbinsihin nyo na siya para dalawa na ang maging point guard natin Hahaha!" Biro na naman ni coach.


"Tristan!!!!!" Sigaw nina Franz, Carter at iba pang mga players.


Oo hindi lang sina Franz at Carter ang may kilala sakin, yung ibang players din. Sikat ata ako ^____^ Joke lang! Nakakalaban ko kasi ang iba sa kanila nung high school pa lang at minsan rin naman ay napapasama ako sa mga lakad nila.

I wanted YOU (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon