BALL - Chapter IX

202 6 4
                                    

A/N: Sorry if natagalan yung UD. It's our prelim week so medyo busy talaga. Pero since medyo happy naman ako this week medyo mahaba haba ang UD na to. Thanks sa mga bagong nag-rl ng story na to as well as sa mga nagcomment at nag-vote really appreciates it.


Kay juvy nga pala na nagrequest ng POV ni Tristan maybe next UD or next next UD pa siguro. Nagiisip pa ko pano isisingit si Tristan eh. Pero promise magkakaron naman ng Chapter na may POV si Tristan.


So enjoy, vote and comment kapag nagustuhan ^.^


Si Franz Arthenian Avila nga pala sa gilid ----->

***

"Nako Denisse, cheer up. Kapag may tiyaga may nilaga! Bukas PE natin diba? After ng pe class natin manonood tayo ng practice nila sa gym! Game?" Tanong ni Sheena.


"Game ako! Ikaw Denisse?" tanong ni Unique.


"Uhm.. sige sige basta sabay sabay tayo ha?" Nahihiya kong sabi.


"Yown! Yey! O tara na maghintay na tayo ng mga sundo niyo" Sabi naman ni Sheena.


Sana nga araw ko na bukas. Namimiss ko na si Carter eh.

Chapter IX


July 2, 2008 - Wednesday

Kakatapos lang namin maglunch nina Unique at ngayon naghahanda naman kami para sa P.E namin. Oo, nabasa nyo ng tama, PE as in Physical Education pa rin kahit college na. Kaylangan lang naman namin ito for 4 semester and after nun goodbye PE na rin ^.^


Hindi kami magkakasama ngayon nina Unique at Sheena sa PE. Physical Fitness ang sa amin ni Sheena pero magkaiba ng class at si Unique naman ay Folk Dance. Nagkataon lang na pareparehas pala kami ng day na kinuha nung enrollment. Pero okay na rin kasi halos magkakalapit lang naman ang rooms namin at parepareho namang 1-3 ang PE hours namin.


"O after pe class ha? Sa gym na ba tayo magkikitakita?" Tanong samin ni Unique.


"Eeeeeeeeh sabay sabay na lang tayo. Nakakahiyang pumasok sa gym eh >0<" Pakiusap ko kay Unique.


"Oo nga naman Unique. Hindi ata namin kaya ni Denisse pumasok ng gym kapag wala ka, nakakahiya eh TToTT"


"Kayo talaga oh. As if naman ako hindi nahihiya! O sige sige sabay sabay tayo para full force. ^___^" Sabi ni Unique.


"Yan gusto ko yan! Full force ^____^ Let's do this for Denisse and Carter!" Sigaw ni Sheena.


Napalakas ata yung sigaw ni Sheena ng "Carter" kaya lahat ng girls sa cr ay nagtinginan samin. Sira talaga to, nakalimutan ata nya na sikat si Carter sa school namin.


>///////<


"Ah eh... Carter tama diba Denisse crush mo si Aaron Carter?! Nako baliw na baliw din ako dun nung elementary tayo!!!!" Biglang singit ni Unique.

I wanted YOU (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon