BALL - Chapter VII

253 3 0
                                    

A/N: Sorry ngayon lang po ang update medyo madaming ginagawa sa school eh. Pati hindi ko alam kung bakit hindi ko matapos tapos tong chapter na to hehe Kulang ata sa inspirasyon. Anyway, balak ko po na hatiin itong chapter na to sa dalawang parts o tatlong parts ang the most. Isisingit ko po sana yung POV ni Carter para naman malaman nyo yung iniisip nya. ^.^


So since magkakaron po ng POV si Carter medyo may mga scenes po na marerepeat from chapter 5 and 6 kasi syempre POV naman to ni Carter. Sana maintindihan nyo pa rin.


Unique nga pala ulit sa gilid ------->


Okay eto na enjoy! ^_^


Chapter 7

Kala ko matatapos ang day na to ng masaya ako pero bakit parang gusto kong umiyak? Sino ba yung pupuntahan nya at nagmamadali sya ng ganun? Ni hindi man lang kami nakapagbyebye ng ayos.


Classmate ba yun? Friend? Special Friend? O girlfriend? 0.o Wag naman po sana Lord >0<


"Huy Denisse ok ka lang?" Narinig ko na lang bigla si Unique.


"Ah oo naman, bakit mo naman natanong?"


"Ok daw oh, eh kanina ka pa tinatanong ni Franz kung ano daw gusto mong cake kasi bibili sya ng cake para satin ^_^"


"Ah eh Franz, kung ano gusto ni Unique yun na lang din ang akin ^.^"


Sa totoo lang nawalan talaga ako ng gana pagkatapos umalis ni Carter. Nabobother kasi ako kung sino yung pinuntahan nya at bakit sya ganun kasaya.


Hindi rin naman kami masyadong nagtagal konting kwentuhan lang. Siguro 3pm pa lang pabalik na rin kami ng ust. May dali rin kasing kotse si Franz kaya hindi naman problema ang transportation pero syempre kay Tristan pa rin kami sumabay. Nakasunod na lang ang kotse ni Franz samin.


Pagdating sa school humiwalay na rin kami agad kay Franz, kaylangan daw nya kasing pumunta ng gym agad dahil may nakalimutan sya sa locker nya. Si Tristan naman biglang nagkaemergency meeting sa SOCC dahil na rin siguro bukas na ang freshmen walk. Kaya kaming dalawa na lang ni Unique ang magkasamang nakaupo ngayon sa carpark at naghihintay ng sarisariling mga sundo.


"Huuuy! Kanina pa ang layo ng tingin mo dyan ah! Tungkol kay Carter noh?" Tanong ni Unique.


"Ang dami ko atang kaagaw sakanya Unique."


"Nako Denisse Sherazade Alvarez, malamang madami, malungkot ka ng ganyan kung wala kang kaagaw!!!! HAHAHA" Sabay tawa ng malakas nitong si Unique.


"Unique naman eh yung seryoso, baka mamaya close friend nya pala yung babaeng sinundo nya o kaya naman special friend o kaya girlfriend!" Tuloy tuloy ko sinabi yun.


"So yun pala. Denisse naman girlfriend agad hindi ba pedeng kapatid muna? O kaya pinsan? O Best friend? Bakit kaylangang girlfriend agad? At kung girlfriend naman eh ano? Pag ba girlfriend na ibig sabihin tuloy kasal na agad yun? Para san pa at naimbento ang salitang "break-up" o kung hindi mo pa naiintindihan yun "hiwalayan" "split" "cool-off", however you like it." Litanya ni Unique.

I wanted YOU (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon