Chapter One

16 0 0
                                    

Not even her

Nagmamadali akong inayos ang mga papers na nakalatag sa study table ko na kailangan kong ipasa mamaya sa mga teachers ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kagabi kakaasikaso ng mga ito. Mahilig kasi ako sa cramming dahil doon lang gumagana ang utak ko at doon lang pumapasok ang mga ideya kapag malapit na ang deadline ng submission.

Nang matapos ay agad akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nagsuklay,mamaya na lang siguro sa kotse habang papuntang school. Malalate na rin kasi ako at ayokong malate dahil paglilinisin lang ako ng banyo sa school and that is not my thing. Si brianna nicole dela santos ay maglilinis ng banyo? No way!

"Ang bagal mo naman. Kanina pa ako nag-iintay sa 'yo."

"Eto na nga po hindi ba? Sorry po mahal na prinsepe. "

Umirap lang sa akin ang pinsan kong si kerwin at lumabas na ng bahay habang nakapamulsa. Tsh pasalamat siya at pinsan ko siya kung hindi ay kanina ko pa siya nabanatan. Bwiset! Hindi na nga nakakain tapos papagalitan pa. Bakit ba naman kasi sa dinadami ng kakilala nila mommy eh kay kerwin pa ako pinabantayan.

Nagbabakasyon kasi sila ngayon sa sydney with tita mae na kapatid ni daddy kaya naging pinsan ko ang kumag na 'to. Sumakay ako sa kotse at padabog na isinara 'yon. Kinuha ko ang suklay ko at nagsimulang magsuklay. Tsh! hindi man lang ako nakapag-eye liner.

"Ayusin mo nga yang mukha mo brianna. Ang aga-aga nakasimangot ka. Nakakawala ka sa mood."

"Tse! mangielam ka ng ibang mukha. Wag yung sa akin." inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagsusuklay

Nang makarating sa eskwelahan ko ay agad niya akong binaba sa parking lot. Kung bakit ba naman kasi hindi na lang ako bilhan ng kotse nila mommy. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan at umalis na. Hindi kasi kami parehas ng eskwelahan na pinapasukan. Sa CEU o Chester Evans University siya pumapasok samanatalang sa Agustin Tanico University naman ako pumapasok.

Siya kasi ang nagdesisyon kung saan siya papasok at sila mommy naman ang nagdesisyon kung saan ako.

Nakasalubong ko ang mga kaibigan ko habang naglalakad sa corridor ng school. As usual kumakain nanaman ng mentos si Christine at Nagbabasa naman si leizel. Magkakaiba talaga kami ng ugali. Mabait, bookworm, at masipag si leizel, si christine naman ay bubbly, makulit, at palangiti samantalang ako ay suplada, mataray, at matigas ang ulo.

Hindi na 'yon lingid sa akin dahil madami naman ang nagsasabi non.

"Hi Aphrodite!" bati ni leizel at nagbasa ulit ng libro

"Hi Athena." bati ko kay leizel

"Good morning aphrodite!" masiglang bati ni christine at kumindat pa "You want?" sabay abot ng isang mentos.

Umiling ako "Ayoko. Hindi pa ako nakain ng breakfast. Good morning artemis."

Nagtataka ba kayo kung bakit ganyan ang tawag namin sa isa't isa? Simple lang. Kami ang Greek Goddesses sa school na 'to. Don't ask why. Hindi naman kami ang nagpangalan sa sarili namin ng ganyan. Ang mga tao rito ang nagpalayaw sa amin niyan kaya wala na kaming nagawa.

Hindi naman kami panget eh. Hindi sa nagyayabang ay magaganda kaming tatlo at sexy. Ayaw nga lang ni leizel na nasasabihan ng sexy dahil hindi naman daw at kapag pinilit 'yon ay magagalit siya at isang linggong hindi mamamansin.

Naglakad kaming tatlo nang sabay papuntang room ng may humarang sa dinadaanan namin at ngumiti. Oh come on! kailan ba mapapagod ang isang 'to talagang gusto niyang mapantayan ang tigas ng ulo ko ah. Lets see.

"Good morning aphrodite" pagdidiin niya sa bansag sa akin dito sa school

"Anong kailangan mo?" diretsahang tanong ko.

"Wala man lang good morning din?" nakangiting aniya

"Ang dami mong satsat Danica. Ang aga-aga ay gusto mo na kaagad masaktan. Ano bang kailangan mo?"

"Grabe ka naman sa akin. Try mong mag-good morning din."

"Walang Good sa morning kung pagmumukha mo agad ang bubungad pero kung gusto mo talagang marinig na mag-good morning ako sa 'yo ay di sige! your wish is my command. Nakakaawa ka naman kasi." umubo pa ako ng kaunti para maging malinaw ang pagsasalita ko "Good Mornong medussa."

Ngumiti ako bago umalis sa harapan niya. Narinig ko pa ang pagsigaw niya dahil siguro sa inis. Tama lang 'yon sa kaniya. Pati kasi inosenteng tao ay dinadamay niya para lang makaganti sa akin. Tch akala naman niya magtatagumpay siya.

Nobody can wreak me. Not even her.

Hurting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon