Chapter Three

5 0 0
                                    

Princess...

"I said... what are you doing here? I invited them to have lunch with us. Is there any problem with that?"  maangas na tanong nung lalaking nakalimutan ko ang pangalan. Siya yung unang pumasok sa room namin.

"Yes."

"And what is that?"

"For your information. This table is the usual table that we use when breaktime, snack time, and lunch time. So mind if you go to another table? Because this table is mine."

Tumawa ng marahan yung lalaki at tumayo sa harapan ko. Nagpamulsa siya at inilapit ang mukha sa akin kaya medyo napaatras ako. What's wrong with this guy? Ugh!

"For your also information. Wala akong nakitang pangalan mo sa table na 'to so paanong naging sa 'yo? you've also said that we word."

"You have no right to complain to what i've just said mister at ano ngayon kung ginamit ko ang word na we ? is there any problem with that?"

Tumayo siya ng maayos at ngumisi. Napahawak sa baba niya at napakagat sa labi. May binulong sa sarili na hindi ko nadinig. Abnormal ata ang isang 'to. Kinakausap ang sarili.

"At bakit naman ako walang karapatan na umangal? Tama naman ang sinabi ko diba? Wala kang pangalan sa lamesang 'to kaya wala kang karapatan na paalisin kami." tumalikod 'to sa akin at uupo na sana nang pigilan ko 'to at iniharap sa akin

"I'm talking to you. wala ka bang manners?"

"Meron. Sa taong may manners din."

What?! so sinasabihan niya akong walang manners?! Ugh! i can't stand him anymore!

"Alam mo ang yabang mo! Akala mo kung sino ka... porke't gwapo ka at madaming babae ang nagkakagusto sa iyo dito sa university ay akala mo kung sino ka na umasta. Matanong nga kita sino ka ba?"

Ngumiti siya "Palibhasa wala sa akin ang atensyon mo kanina kaya hindi mo narinig ang pagkasabi ko sa pangalan ko." Ano daw? bakit nasali 'yon sa pinagtatalunan namin? "I'm Tristan Benz Nacarlian."

"So?"

"Pinsan ni Ivan Nacarlian na..." kumunot ang noo ko. Sino si ivan nacarlian? T-Teka... "First Love mo."

Kinindatan niya ako at umupo na din na ulit sa kinauupuan niya kanina. What the fudge?! paano niya nalaman 'yon?

"Ugh! Pakero!" sabi ko at lumabas sa cafeteria. Naramdaman ko naman na sumunod si paula sa akin pero binalewala ko lang 'yon. Bakit ba kasi sumama ang dalawang babaita na 'yon sa kanila? Lagot talaga ang dalawang 'yon sa akin. Hindi ko sila papansinin ng isang buwan. May humawak sa braso ko at inaasahan na si paula 'yon pero nagulat ako nang humarap ako at hindi siya 'yon.

"Okay! Fine!" huminga siya ng malalim at pumikit. Yumuko at dinilat ang mga mata. Dahan-dahang iniangat ang mukha upang tumingin sa akin "I'm sorry."

Mapupungay ang mga mata niya at ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay niya sa braso ko. Napalunok ako. B-Bakit siya nagso-sorry? Nagsisisi siya kaagad sa ginawa niya?

"Bitawan mo ako." hindi siya umimik kaya hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at tinaasan siya ng kilay "Stay away from me."

Naglakad ako palayo doon. Pati ba naman si paula ay hindi ako sinundan? Tch. Pumunta ako sa lugar na alam kong makakapag-pakalma sa akin at tulad ng inaasahan ko ay andoon siya. Bakit ba laging andito ang taong 'to? Wala bang kaibigan 'to?. Impossible.

Sinara ko ang pinto at pumunta sa may railings katabi niya. Dinama ko ang hangin na tumatama sa mukha at balat ko dahilan kung bakit napapikit ako.

"Himala. After One week ay nagpakita ka ulit dito." Aniya pero hindi ko pinansin "Kamusta kana?"

Dumilat ako at tumingin sa kanya. Nakangiti siya sa akin. Nakahawak siya sa railings.

"I'm not fine but just seeing your face make me feel better." ngumiti din ako sa kanya. yun naman talaga ang totoo. Kapag nakikita ko ang mukha niya ay napapagaan neto ang kalooban ko at napapakalma ako.

"Talaga? Naiinlove kana ba sa akin?" natawa ako.

"Hindi porke't napapagaan ng mukha mo ang pakiramdam ko ay naiinlove na ako sa 'yo. Wag kang feeling"

"Okay. Ang daming sinasabi pwede namang hindi na lang ang sabihin." natatawang aniya.

Natahimik ulit kami at dinama ang hangin. Huminga ako ng malalim at nag-isip. Kakaiba ang isang lalaki na 'yon. Inaway niya ako pagkatapos ay magsosorry kaagad na para bang nakita siya ng amo niya sa ginawa niya. Tch.

"May nangyari 'no?" napatingin ako sa kanya

"Huh?"

"Kapag kasi lumiliit yang labi mo at nagdidikit ang kilay mo sa pagkunot ng noo ay alam ko nang may nangyari at nabadtrip ka." Agad ko naman inayos ang itsura ko. Hindi ko nalaman na nakakunot pala ang noo ko.

"Wala. Nabadtrip lang ako doon sa bagong estudyante. Ang angas at ang yabang akala mo kung sino."

Narinig ko siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya.

"Parang yung unang sabi mo sa ugali ko." aniya

Napataas ang isang kilay ko at napaisip. Ah!

"Yung tinanong mo ako kung bakit ako andito at sinabi kong hindi mo naman ito pagmamay-ari kaya wag kang mayabang at maangas?"

"Oo." at tuluyan na siyang bumungisngis

"Tigilan mo nga ako apollo. Sige na una na ako at baka magsimula na ang susunod naming klase." Tumango siya at pinat ang ulo ko bago ako umalis

"Wag kana mabadtrip. Princess."

Hurting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon