Chapter Seven

2 0 0
                                    

Tch...

Pagdating namin sa parking lot ng school ay bumaba kaagad ako ng kotse. Paano kasi dinaig pa yung space shuttle sa star city nung pag-andar niya. Grabe nahilo ako ng bongga!. Narinig kong nilock niya yung kotse at sakto namang nahimasmasan na ako dahil sa ginawa niya. Bwiset.

"Hoy! Bakit ganon yung pagda-drive mo? Grabe halos lumabas na yung puso ko." sabi ko habang nasa likuran niya ako. Hindi niya ako pinansin. Nagpamulsa lang siya at lalong binilisan ang paglalakad. Bastos. Kanina akala ko kung sino kung makapagtanong sa akin tas ngayon hindi niya ako papansinin. Eh matindi pala 'to, namamansin lang kapag walang tao sa paligid.

Sinalubong siya ng mga tropa niya kaya hindi ko na siya kinausap pa. Naglakad ako papuntang locker area upang ilagay doon yung extra t-shirt ko.

Pagsara ko ng locker ay nakita ko kaagad yung mukha nung dalawang babaita na iniwan ako kahapon. Hindi ko sila pinansin. Nagdiretso lang ako sa lakad.

"Uy aphrodite! pansinin mo na kami! wag kana magalit" sabi ni christine. Tch bahala kayo dyan.

"Sige naman na brianna. Hindi naman namin ginusto yung kahapon." sabi ni leizel. hindi ginusto? eh hindi nga nila ako sinundan kahapon.

"Uy! Brianna! please... sorry na." sigaw ni christine

Mas binilisan ko yung paglalakad hanggang sa hinarangan nila akong dalawa sa harap.

Tinaasan ko sila ng kilay at naghalukipkip

"Get out of my way."

"Grabe naman brianna. sorry na nga eh." sabi ni leizel

"Oh tapos?"

"Sorry na nga kung hindi ka namin sinamahan, sorry dahil iniwan ka namin, sorry dahil hindi ka namin sinundan, at sorry kung hindi ka namin niyaya kahapon." sabi ni leizel at yumuko

Huminga ako ng malalim. Nag-isip.

"Sorry na brianna. Eto oh..." sabi ni christine sabay abot ng isang pack ng pochi. Mga loka-loka talaga ang mga 'to. Alam kung paano palalambutin yung puso ko.

"Akin na nga 'yan!" kuha ko nung pochi at kasabay nun ang pagyakap nila sa akin "May sinabi ba akong pinapatawad ko na kayo?" pagbibiro ko

"Brianna naman eh!" sabay nilang sabi kaya natawa ako. Natawa din sila.

*****

Sabay kaming pumunta sa room at nadatnan ko doon si apollo na naka-upo sa isang upuan at kausap ang isang lalaking pinagtataka ko kung bakit andito. Nag-uusap sila habang nakatitig sa kanila ang mga kababaihan at binabae dito sa room.

Anong itsura nila? Ang iba ay nakapangalumbaba habang naka-upo sa upuan, sa kabilang banda naman ay may mga nakasandal sa pader at akala mo ay nananaginip ng gising, at sa likod naman ay mga nakangiti habang nakatingin sa kanila. Creepy. Grabe naman ang epekto ng mga 'to sa mga kaklase ko.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita si leizel na nagbabasa nanaman, sa kabila naman ay si christine naman ay tinititigan ang lalagyanan ng mentos habang kumakain.

"Hey! Senyorito!" napalingon agad sa akin si topher at ngumiti "Why the hell are you here?" sabi ko sabay unti-unting lumalapit sa kanila. Ramdam ko naman na sumusunod sila leizel sa likuran ko

Tumayo si topher at niyakap ako ng mahigpit.

"Umuwi si ate krystal at napapayag niya sila mommy na ilipat ako dito. Diba 'to ang gusto mo?"

"Teka lumayo ka muna..." sabi ko at nilayo siya sa akin "Mabuti yan. Lumipat kana dito para may partner in crime na ako."

"May i join in your little conversation." biglang singit ni apollo

Natawa ako at niyakap siya. Napagaan niya kasi bigla yung pakiramdam ko.

"Bakit siya niyakap mo ng kusa? Samantalang ako, ako pa mismo nangyakap sa 'yo." nagtatampo na sinabi ni topher

"Ganyan talaga pag gwapo men!" natatawang sabi ni apollo

"Uhh Guys... andito pa kami." biglang singit ni christine

"Ay! nga pala... apollo, topher. Eto si christine at leizel, mga bestfriends ko." at naghand shake silang apat "Christine, leizel... si apollo, guardian angel ko tsaka si kristoffer partner in crime ko."

"Hi." simpleng sagot ni leizel

"Hello!" masiglang bati ni christine

"Hey" sabay na sabi nung dalawang lalaki

"CCCAAALLLLVVIIINNNN!!" nakarinig kami ng tili ng isang tao. Calvin? Teka... parang narinig ko na 'yon.

Lumingon kami sa may pintuan at nakita ko doon yung bruha kong kaibigan na si paula. Huh? akala ko ay aalis na siya kahapon.

"Calvin! Calvin!" sabi ni paula sabay takbo papalapit kay.... Apollo? O_o ano

"Oh paul... Long time no see. Kamusta?"

"Paul?! Anong paul?! Paula ang pangalan ko calvin. Paula. Intiyendes? Kaimbyerna ka. Tumili na ako lahat-lahat ay paul pa din. Asan ang hustisya?" natawa kami. pero teka? calvin? meaning si apollo yung tinutukoy niya na calvin?

Hindi ko pa kasi nami-meet si calvin eh. Ang alam ko lang ay tropa siya ni paula at calvin ang pangalan. Sabi ni paula ay may gusto daw 'to sa akin. So meaning....

"Ay! Day! kilala mo na pala 'tong si calvin." sabi ni paula habang nakapamewang

"You mean si apollo?"

"Oo 'te. Ang arte ah.. apolo pa gusto. Oh sige eto na lang... Calvin Apollo Cruz. Masaya kana?"

Yun pala ang buong pangalan ni apollo. All this time siya pala yung calvin na binabanggit ni paula na aagawin daw niya sa akin... na may gusto sa akin.

"Magkakilala pala kayo netong si paul---este paula." sabi ni apollo este calvin

"Oo calvin..."

"Calvin?"

"Eh diba yun yung pangalan mo?"

"Mas gusto kong tinatawag mo ako sa pangalan na apollo."

"Ay taray! ano PBB teens? Tapos na ang edition na 'yon kaya wag na maglandian okay?" singit ni paula

Natawa kami pero agad na nagulat dahil may narinig na kalabog. Napalingon kami sa likod at nakita ko doon ang mga kaibigan ni tristan at nasa gitna nila si tristan. Nakatumba ang isang upuan at ang sama ng tingin ni tristan sa amin habang nakapamulsa.

"Ay! ayan nanaman yung nang-away sa 'yo kahapon 'te." bulong ni paula

"Shh" saway ko sa kanya.

"Tch!" sabi niya sabay labas ng room. Sumunod sa kanya ang mga kaibigan niya na tumatango-tango pa bilang pag-umanhin siguro sa inasal nung kaibigan nila.

"Problema non?" rinig kong sabi ni topher

Ano ba naman ang lalaking 'yon? Abnormal, pakielamero, makulit, mapang-asar, tapos papansin? take note! FC pa. Tch.

Hurting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon