Chapter Five

3 0 0
                                    

Unggoy pala...

Dumating si kerwin at saktong nakuha ko ang bag ko sa room at nakapunta sa parking lot. Whoo! kinabahan ako doon. Buti na lang talaga at tinanggal na nila mommy yung mga body guards ko.

"How's your day?" tanong niya nang makapasok na ako sa kotse niya

Nagseat-belt ako at tinignan siya ng tingin na parang nawi-weirdohan ako sa kanya.

"Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang. Masama bang magtanong?"

"Tch. you're acting weird couz. Stop it."

"Nagtatanong lang weird na kaagad."

"Tch! As if you're really concern and interested about what happen to me today"

"Nevermind. Nagtatanong lang dami mo na kaagad sinabi."

Pagpark pa lang niya sa garage namin sa bahay na kasya ang sampung kotse ay bumaba na kaagad ako ng kotse niya. Dumiretso sa loob nang bahay at nagulat. What the---

"Anak!" sigaw ni mom na nakataas ang dalawang kamay na nag-aantay na yakapin ko siya

"M-Mom?" bakit andito sila? bakit andito sila ni papa? A-Ang akala ko ay magtatagal pa sila sa sydney?

"Anak halika dito kay mommy dali! Na-miss kita sobra!" sabi ni mommy at dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Niyakap naman niya ako kaagad ng mahigpit. Sa sobrang higpit nga non ay muntik na akong hindi makahinga.

Teka bakit nga ba andito na kaagas sila mommy? Ano ba yan! Hindi na ako kaagad makakapagbulakbol. Hindi na ako makakapunta sa 1990's ngayong andito na sila mommy.

"Na-miss talaga kita nak." sabi ni mommy ng hiwalayan ako ng yakap. Kinurot niya ang pisngi ko at hinila ako paupo sa sofa "Alam mo ba anak, Ang dami kong nakita na gwapo dun ... gusto nga sana kitang ipakilala... baka kasi may matipuhan ka." humagikgik si mommy na akala mo dalaga pa. "pero tutol ang daddy mo. Alam mo naman 'yon conservative. Ay nga pala! nilagay ko na sa kwarto mo yung mga pasalubong namin sa 'yo."

"Salamat my." sabi ko at uminom nung juice na dinala nung isa sa maid namin

"Teka... asan na ba ang daddy mo. Ang sabi niya ay may ipapakilala daw siya sa 'yo."

"I'm here!" sigaw ng magiting kong tatay. Nakasuot siya ng polo at pants na dahilan kung bakit lalo siyang gumwapo. Maganda ang nanay, Gwapo ang tatay... ano pang dahilan? Kaya nga dyosa ako eh.

Naglakad si daddy papunta sa amin ay niyakap ako.

"Hi my beautiful daughter. May ipapakilala nga pala ako sa 'yo." kumindat si daddy dahilan kung bakit ako kinabahan. "Tristan!"

Sumigaw si daddy na parang may tinatawag. Kumunot ang noo ko at nag-antay sa taong papasok sa main door ng bahay namin. Pumasok si kerwin--ang magiting kong pinsan--kasama s-si... s-si...

"IKAW?!" sigaw ko ng makita kung sino yung kasama ni kerwin

"Magkakilala na kayo anak?" nalilitong tanong ni daddy

"No" ako

"Yes" kalmadong sagot nung bago kong classmate na pakielamero

"Huh? Ano ba talaga mga anak?" ani ni mommy. Mga anak? anong mga anak, eh ko lang naman ang anak niya

"Eh bakit ba andito ang lalakong 'yan?" naiiritang tanong ko

"Anak... siya si Tristan. Yung kalaro mo sa bible study dati? Yung anak nila tito jeremiah at tita trisha mo."

Napakunot ang noo ko. Kalaro ko sa bible study? What?! Nag-bible study pala ako? Bakit hindi ko alam. Tsaka tito jeremiah at tita trisha? The who?

"Sino?"

"Si tito jeremiah at tito trisha mo. Ang mga highschool friends namin ng mommy mo na kalaunan ay nawalan sa amin ng communication. Noon isang buwan lang namin sila nakita ulit. Doon sa sydney." paliwanag ni daddy

Napataas ang kilay ko at napa-isip. Jeremiah? Trisha? Humawak ako sa baba ko.

"You mean... yung nasa album na ilang milyong beses na naikwento sa akin ni mommy? Yung isang guy na nakasalamin at isang girl na naka-head band doon sa picture?"

"Tumpak!" sabi ni mommy at ngumiti

"Ah... Oh tapos? anak nila 'tong unggoy na 'to---ouch!" sinabi ko kasi 'yon with matching turo pa doon sa pakielamero kaya napalo ni mommy yung kamay ko. Napasimangot ako ng wala sa oras. Tch.

"Wag kang ganyan kay tristan Brianna Nicole. Anak siya ng matalik namin na kaibigan ng daddy mo."

"Sorry mom." animo parang maamong tupa habang sinasabi ko. Palihim kong sinamaan ng tingin yung lalaking ngingisi-ngisi ngayon. Tch! panget mo!

"Oh siya sige... Aakyat na kami ng daddy mo para makapagpahinga dahil may aasikasuhin pa kami." ani ni mommy at umalis

"Love you mom,dad." sabi ko bago umalis sila mommy.

Humarap ako sa ngingisi-ngisi na lalako ngayon katabi ang pinsan kong pinipigilan tumawa.

"Tseee!" sabi ko at umalis

"Unggoy pala ah!" narinig kong sigaw niya. Nakakabwiset siya ng araw. Grrr!

Hurting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon