Chapter Eight

3 0 0
                                    

From now on...

Masaya ako na next week pa ang alis nila paula sa kadahilanang nawala ang visa niya. Kaya magpapaggawa ulit sila. Masaya din ako na lumipat ng section si apollo at lumipat ng school si calvin. Nakapangalumbaba ako habang nakikinig sa teacher namin sa harapan ng maramdaman kong nagvibrate yung phone ko na nasa bulsa ng palda ko. Nagi-explain kasi siya sa mga clubs na pwedeng salihan.

Kinuha ko 'yon at palihim na tinignan. Naka-unregistered yung number pero wala namang mawawala kung babasahin ko. Binuksan ko yung text at binasa.

FROM: 0905*******

Talk to you later. No buts...

P.S Also... I don't take NO for an answer

Napakunot ang noo ko at inisip kung sino ang gunggong na 'to. Baka wrong send lang?

TO: 0905*******

Wrong send ka po ata. ^-^

Pinasok ko ulit sa bulsa ng palda ko 'yung cellphone pagkatapos kong mag-reply pero bigla kong nailabas 'to ng magvibrate ulit.

FROM: 0905*******

I'M NOT. Mamaya... sa third floor. Sa Grade 11 room. After this dapat andoon kana. Pag wala ka doon ay lagot ka sa akin.

Aba't siya pa may ganang magalit! Ayos ah. Sino ba 'tong impakto na 'to?

TO: 0905*******

Sino ka ba ha? Masyado kang bossy eh hindi nga kita kilala.

Nainis tuloy ako at parang gusto kong pumunta sa 1990's.

TO: Senyorito Topher

Pst! punta tayo 1990's

Tinext ko si topher na nakikipag-usap ngayon sa isa namin na kaklase. Ganyan talaga yan. Friendly. Agad naman na nagvibrate yung phone ko kaya't tinignan ko 'to.

FROM: Prince A

Is there something wrong princess? I'm worried.

Napangiti ako dahil sa message ni apollo. Tumingin ako sa kanya at tumango. Hinintay kong mag-reply si topher at agad ko namang naramdaman na nagvibrate 'to. Kinuha ko 'yon.

FROM: 0905*******

BRIANNA. Kapag hindi ka pumunta mamaya lagot ka talaga sa akin.

What?! He knows my name! Who the hell.is this guy? Tch. Bahala na nga. Pupunta na lang ako... alam ko naman na kaya ko ang sarili ko dahil alam ko ang salitang self defense.

Nang mag-ring ang bell na meaning ay break na  ay dumiretso na ako sa grade 11 room nang walang paalam-paalam kela topher. Pagpasok ko doon ay wala namang tao.  Madilim. Bakante. Tahimik.

Aalis na dapat ako nang may humawak sa pulsuhan ko. Napatili ako at agad na inikot ang kamay nun para mapunta ako sa likod niya. Pinilipit ko 'yon at agad na napadaing yung tao na pinipilipit ko ngayon.

Lumiwanag nang buksan nung tao na 'yon ang ilaw sa loob ng room. Malapit lang kami sa switch ng ilaw. Napaigtad ako ng makita kung sino yung taong 'yon. Binitawan ko siya at agad na lumayo.

"Sorry." sabi ko "pero t-teka... ikaw ba y-yung..."

"Nag-text sayo? Oo ako nga." aniya habang hinihimas-himas ang pulsuhan. "Bakit ka ba nananakit ng tao?"

"Tanga! Self defense yun! Hindi nananakit ng tao. Malay ko bang ikaw 'yung humawak sa akin, mamaya kidnapper o di kaya magnanakaw."

"Tch. Hindi muna kasi nagtatanong."

"Ano? magtatanong pa ako kapag may humawak sa akin na tao sa dilim? Anong katangahan 'yon tristan? Tch."

"Nasa school ka kaya."

"So?"

"So... hindi makakapasok ang mga kidnappers or magnanakaw dito. Isip naman brianna."

"Oh Edi wow."

"Tch"

Natahimik kami for ilang seconds tas maya-maya ay tumikhim siya at sumandal sa pader. Ang weird nang lalaki na 'to.

"Alam mo ang tigas-tigas ng ulo mo..."

"Huh?"

"Gusto mo bang malaman kung sino ako at ano ako sa buhay mo?"

"No thanks! I'm not interested." bored na sabi ko. Aalis na dapat ako ng hawakan niya ulit ang pulsuhan ko. Tinignan ko 'yon.

*Lub*dub*lub*dub*lub*dub*

I feel something in my chest. Parang may... may pumupukpok dito. Umiling ako at tinigman siya.

"Brianna from now on... I'll be your protector, mentor, and helper. I don't want to be your guardian angel because someone is going to do that for you. Kahit na gusto kong ako ang gumawa non."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hurting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon