Chapter Two

11 0 0
                                    

I invited them...

Tawa kami nang tawa ni christine dahil sa kwento ng isa naming kaklase. Si leizel naman ay nagbabasa... as usual. Sumasakit na ang tiyan ko dahil sa pagtawa kaya huminga ako ng malalim at kumalma. Ganoon din ang ginawa ni christine. Paano ba naman kasi--kwenento nung kaklase namin na naglalakad daw siya nang biglang nadulas sa balat ng saging at ikinatataka niya ay kung paano nagkaroon ng saging sa corridor.

"Good morning class." agad kaming napatayo at napabati sa teacher namin na nakapasok na pala sa room. Bumalik kami sa original na upuan namin ni christine at umupo. "Open your book and turn it to page 13"

Ginawa ko 'yon pero hindi ko sinunod ang utos niya na basahin 'yon. Alam ko na ang storya na pinapabasa niya dahil nabasa ko na lahat ang storya sa libro na 'to. Kumuha na lang ako ng isang papel at nagsimulang magsulat ng pangalan ko. Sabi nila ay talent ko daw ang pagta-typography pero iniisip ko din na hindi dahil alam kong kaya ng ibang tao 'yon kung pag-aaralan at sisikapin nilang matutunan.

Brianna Nicole Dela Santos

Pinalibutan ko pa ng mga paru-paro ang sinulat ko tsaka ko tinanggal ang papel sa likod ng ID ko at pinalit 'yon. Madalas kong gawin 'yon dahil minsan ay nagsasawa ako sa nakalagay.

May kumatok sa pintuan kaya agad napukaw ng pansin namin 'yon. Binuksan 'yon ng teacher namin at iniluwa noon ang isa sa mga staff sa admin office namin. May sinabi 'to sa guro namin at tumango lang ang guro namin dito.

"Okay ma'am masusunod 'ho." magalang na sabi ng guro namin sa staff. Umalis ang staff pero nakabukas pa din ang pinto at tila may inaantay si ma'am. Napakunot ang noo ko at nag-antay.

Maya-maya ay pumasok ang isang lalaki na nakahawak ang isang kamay sa isang strap ng bag at ang isang kamay ay nakapamulsa. Mukha siyang... mayabang. Umiling ako at tinuon ulit ang atensyon sa pagsusulat. Ngayon ay ang bansag naman sa akin ang sinusulat ko.

Naririnig kong nagsasalita ang guro namin na sinasabing magpakilala ang lalaking pumasok sa room namin. Narinig ko din ang mumunting pagsinghap ng iba kong kaklase. Anong meron sa lalaking 'yan? Tao rin lang naman yan at tumatae. Umiling ako at nagpatuloy sa pagsusulat.

"Tristan Benz Nacarlian. Sixteen years old." tipid na sagot niya kaya napaangat ang tingin ko at nagulat nang nakatingin 'to sa akin. What the heck? Teka... baka guni-guni ko lang na nakatingin siya sa akin. Umiling na lang ako at itinuon ulit ang atensyon sa ginagawa.

May kumatok sa pintuan kaya agad nanaman akong napatingin. May sumilip na isang lalaki doon at nakangiti.

"Good morning 'ho ma'am. Sorry we're late." ani neto at binuksan ang pinto ng mas malaki.

"We're?" narinig kong takang tanong noong katabi ko

Pumasok ang apat na lalaki---ang isa ay nakapamulsa at nakangiti, yung isa naman ay nakalagay ang dalawang kamay sa likod at nakangiti ng malapad tas yung katabi nun ay nakahawak sa batok at nagpapacute--playboy--- at ang pinakahuli ay nakapamulsa din at nakasimangot.

"Please... introduce yourselves." ani ni ma'am at doon ko lang naibalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.

Wala akong pake sa mga 'yan. Wala namang kahanga-hanga sa kanila eh. Oo, inaamin ko na gwapo silang lahat pero that doesn't mean that their Good peoples. Mamaya ang isa dyan ay bakla, drug lord, frat leader, gang leader, pusher, etc. Ngumisi na lang ako at binalewala sila.

"Hi! I'm Enrique Revas"

"Justin Olivares"

"Dominic Agustin"

biglang nagbulungan ang mga tao sa paligid ko nang marinig ang pangalan non. Kesyo baka anak daw siya ng may-ari ng school, pamangkin, kamag-anak---dahil sa apelyido niya. Litsi. paano kung kaapelyido niya lang? Daming alam.

Hurting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon