Kabanata 1

6K 159 17
                                    

Kabanata 1

Sir

Pagod akong bumaba ng kotse pagkarating ko sa harap ng bahay namin. Suot-suot ko pa rin ang eye glasses sa mata habang nagdo-doorbell sa gate namin. Kinagat ko ang labi dahil naiinis na ako sa tagal bumukas ng gate. Ang tindi pa naman ng araw ngayon, tapos ang bagal ng tagabukas dito! Masusunog ang balat ko nito e! Mga walanghiya talaga!

Umikot ang mata ko ng makitang nagmamadaling tumatakbo ang kasambahay na kinuha ni mama. Humihingos pa itong buksan ang gate. Bumuntonghininga ako, inis na inis sa yayang ito! Sobrang bagal!

"Bakit ngayon mo lang binuksan ang gate ah? Alam mo bang ang init-init at nasusunog ang balat ko! Tsk!" inis kong sabi.

Yumuko ito na animo'y nasa Korea kami. Hays, akala naman nito ay bagay sa kanya! Jusko, para siyang kuba na matanda. I rolled my eyes again.

"Pasensya na po, senyorita." she said weakly.

"Sa susunod, kung hindi mo kayang buksan ang gate ng mabilis please lang umalis ka sa bahay ko." malamig kong sabi.

Pagkatapos ay nilagpasan ko siya dahil pumasok na ako. Iniwan ko ang mga dalang gamit sa kotse, alam naman na nila ang gagawin sa mga iyon. I walked confidently towards the hallway, rinig na rinig ang bawat bagsak ng takong ko sa semento. Sumasabay pa ang buhok kong taga leeg nalang sa bawat lakad ko. Palapit palang ako sa pinto ng bumukas iyon at lumabas si papa galing sa loob. Natigilan siya ng makita ako, I smirked.

Inakyat ko ang dalawang palapag ng hagdan bago makaharap si papa. Huminto ako sa harap niya, nakangisi pa rin habang nakatitig sa isa't-isa. He sighed and then, hug me tightly.

"I miss you so much, Salvacion." mahina niyang sabi.

Huminga ako ng malalim. Humiwalay kami sa yakapan bago ko siya sagutin.

"I miss you too, father." seryoso kong sabi.

Ngumiti siya at niyakap muli ako. Hinayaan ko siya dahil matagal din naman na panahon bago ako umuwi. I spend the years working for my money, growing my career and of course, making fame my name. Kaya alam kong ganito talaga ang reaksyon nila pagdating sa pag-uwi ko. After a heartwarming welcoming, pumasok kami sa loob para salubungin naman si mama. She was at the kitchen, preparing our food.

Nang humarap siya sa akin, nakita ko agad ang pamumula ng mata niya. Indikasyon na paiyak siya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge. She sighed heavily. Pumasok din ang tatlo kong kuya at niyakap ako ng mahigpit sa likod. Ngumisi ako dahil para siyang siraulo habang niyayakap ako.

"Grabe, ang galing mong umarte bilang kabit!" sabi niya.

Umirap ako sa siraulong ito. Putspa, iyon lang pala ang sasabihin niya. Akala ko kung ano! Well, katatapos lang naman kasi ng teleserye na pinagbibidahan ko. Syempre, yung binigay na role sa akin ay bilang kabit kaya masayang-masaya ang kapatid kong ito.

"Kuya, acting lang iyon! Wag niyong seryosuhin." sagot ko.

Ngumisi silang tatlo. Tumawa naman si mama habang pinagmamasdan kaming apat. For the first time, ngayon lang ulit kami nabuong anim. Palagi kasing out of the country ang mga kuya ko. It's for our business so they have no choice but to take it well. Kaya ng malaman kong nandito sila ay naging rason din iyon para umuwi ako. Hindi ko nga lang sinabi kay Ruso na nandito si kuya Hezron dahil alam kong baliw na baliw siya sa mokong na iyon.

"Pero yung sa bed scene niyo, hindi ko gusto yun." seryosong sabi ni Kuya Camilo.

Umiling ako at inirapan siya.

"Kuya, ganoon talaga kapag sa mga drama. Tsaka nasa script iyon, bawal ng baguhin dahil fix detailed na." katuwiran ko.

He sighed and protruded his lip. Honestly, Kuya Hezron and Kuya Camilo with Kuya Rasty is not my real siblings. They were adopted child, but we treat them as a family. Lumaki sila sa pangangalaga ni papa at mama, nagkaroon ng magandang propesyon dahil sa magulang namin, at syempre dahil minahal namin sila. Kaya hindi nila maramdaman na iba sila sa amin. Kahit pa sa mga celebration ng pamilya, lagi silang invited. At kaibigan pa sila ng mga pinsan ko. Kaya ngayon ay masaya akong nandito silang tatlo.

Costiño Series 9: Owned By Soldier Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon