Kabanata 6

4K 112 12
                                    

Kabanata 6

Think

Umupo ako sa sun lounge pagkatapos kong bumaba mula sa room namin. Jusko naman kasi, hindi ko nakayanan ang init doon lalo pa't walang saplot ang katawan ni Amado. Baka kapag magtagal ako doon ay umuwi ako na may laman na ang tiyan. Kaya kailangan kong umiwas kapag ganoon ang sitwasyon naming dalawa. Pansin ko pa naman na parang mas lalong naging agresibo siya sa mga ganoong bagay. Baka kapag humantong kami sa kama ay mabigla ako.

Well, I am aware about sex and how it is good for a taste. Pero para sa akin mali ang karamihan na sinasabi ng mga babae. Masakit ang sex! Masakit lalo na kapag birhen ka pa! Shit, sabi sa akin ni Dayana na masakit daw kapag first timer ka. Kaya nung gusto pang gawin ng boyfriend niya ang bagay na iyon, umayaw na siya. Halos daw mawasak ang buhay niya dahil sa pagkalalaki ng nobyo niya. Kaya napag-isip ko, paano magiging masarap kung masakit naman pala? Paano mong masasabing masarap ang bagay na iyon?

Though, I have been exposed in making out but it doesn't mean that I am not a virgin. Hindi pa naman napapasok ang pagkababae ko, so I am still virgin. Kaya kapag manatili ako sa kwarto namin, jusko baka pilay-pilay ako na lumabas. Napahinga ako ng malalim, mahinhin akong humiga sa lounge at pinahinga ang katawan sa ilalim ng araw. Hindi pa naman masakit ang sikat ng araw, dahil siguro sa malamig na simoy ng hangin. May ganito talagang klima, hindi ka naiinitan sa araw kapag malamig ang hangin. Kaya mas mabuting manatili ako dito hanggang mamayang lunch.

Nilagay ko ang salamin sa mata, napangiti sa sarap ng nararamdaman. May free sun protection na lotion sila dito kaya naisipan kong maglagay. Pero dahil sa maarte ako, kailangan kong makahanap ng tao na pwedeng maglagay ng lotion sa katawan ko. Sa di kalayuang banda, may nakita akong lalaki na tila isang turista din. Ngumiti ako dahil pwede na siya para maglagay ng lotion sa akin. Tinaas ko ang kamay para papuntahin siya sa pwesto ko. Mabilis naman niyang nakita ang kamay kong kumakayaw kaya lumakad siya papunta sa akin.

Inayos ko ang sarili, pinakita ang napakaganda kong ngiti. Nang makalapit siya sa akin, halos lumuwa ang mata niya ng makita ako sa malapitan. Napailing-iling na naman ako. Hays! Another fanboy! Bakit ang dami kong suporter? Bakit kapag nakikita nila ako ay nawiwindang sila? Ganoon ba talaga ako kaganda sa personal? Sobrang ganda ko ba talaga sa labas ng kamera? Bakit lahat sila ay natataranta sa ganda ko?

"Hello mister. Can I ask a favor?" I said softly.

Napakurap-kurap pa siya bago tumango na parang siraulo.

"S-sure." he said stutteredly.

I smirked.

"Can you put the lotion in my body…please?" malambing kong sabi.

Napalunok siya at tumango sa akin. Inabot ko ang lotion sa kanya at malugod niya naman itong tinanggap. Humiga ako patalikod sa kanya, hinanda ang sarili sa lotion na ilalagay niya. Ilang sandali ang tumagal bago ko maramdaman ang kamay niyang masuyong humahaplos sa likod ko. Oh shit, sobrang sarap sa pakiramdam ang kamay niya. Napahinga ako ng malalim at hinayaan siya sa ginagawa.

"Oh yeah…just like that," I said while closing my eyes.

Napalunok ako ng bumaba ang kamay niya papunta sa baywang ko. Oh yes! This is great! Ang sarap ng kamay niya! Nakikiliti ako sa bawat hagod ng kamay niya sa akin. Dumagdag pang nakasuot ako ng black skinny swimsuit. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang palad sa balat ko. It makes me moan every time he caressed my back gently. He massage my waist softly, feeling so good. Pagkatapos niya sa baywang ko, bumaba naman ang kamay niya sa may pisnge ng pwet ko.

Napahalakhak pa ako ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa balat ng pwet ko. Oh shit, inaamoy niya ba ang pisnge ng pwet ko? Nasagot lamang ang tanong ko ng halikan niya ako doon kaya nataranta ako at mabilis na humarap para pagsabihan ang lalaking kinuha ko. Pagkaharap ko, nanlaki ang mga mata ko ng mabungaran si Amado na siyang humahaplos sa katawan ko simula pa kanina. Oh my gosh! What the hell? Bakit siya ang naglagay ng lotion sa akin? Hindi naman siya yung lalaking inutusan ko ah!

Costiño Series 9: Owned By Soldier Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon