Kabanata 12
Why?
Sa sumunod na mga araw ay parating ganoon ang ginagawa ng secret sender ng love letter ko. Hindi ko talaga matukoy kung sino 'tong lalaki na nangangahas pumasok sa buhay ko. Hindi naman sa ayaw ko o dahil sa maarte ako, sadyang mapili lang talaga ako pagdating sa mga lalaki. Hindi naman kasi ako papatol sa mga pipityugin lang e. Duh, sayang ang kagandahan ko kung mapupunta lang ako sa pangit. Wala silang magagawa kung ganito akong babae, this is me and I love myself!
Bumuntonghininga ako, snack time ngayon kaya kumain ako ng sandwich na gawa ni mama. Gaya sa mga regular school days, nandito ako sa garden park ng paaralan. Ito na talaga ang paborito kong tambayan kaya palagi kong gustong pumunta dito e. I really love the fresh air from the nature. Sobrang nakakawala ng stress at pagod, ngayon pa naman ay pumasok sa isip ko na may commercial shoot ako bukas para sa isang brand ng shampoo. Siguradong kukunin ako dito ni Russo para sa principal photography ng shooting.
Inubos ko ang sandwich at mabilis na ininom ang juice. Napatingin ako sa panibagong love letter na nakuha ko sa locker. It was the seven letter I received for this week, iba-iba ang nakasulat pero natutuwa ako sa tuwing binabasa iyon. It must be corny because it is old fashioned style of courting or what else, but it makes me happy. Kaya imbes na itapon ko, tinatago ko iyon sa lumang bag ko at doon iniipon.
Pinagmasdan ko ang sulat, it was a perfect handwritten for me. Ang ganda ng sulat kamay niya, nakakakilig na hindi ko maintindihan. Mahirap din gayahin, kaya nagtataka talaga ako kung sino ang may ganitong sulat kamay. Kapag talaga malaman ko kung siya, hindi ko na alam ang gagawin. Baka maging sobrang awkward kami dahil sa ginagawa niya. Pero syempre, papansinin ko naman kahit papaano. Inabot ko ang sulat at sinimulang basahin.
From: Mr. Eye glass
Dear, Tiyang.
Alam kong nako-cornihan ka na sa ginagawa ko, pero sana pagbigyan mo pa rin ako. Alam mo, sa tuwing nakakasama kita para talaga akong dinadala sa kalangitan. Lumulutang ang lahat sa akin, maging ang puso ko ay nalulunod sayo. Hindi na lang basta paghanga itong nararamdaman ko para sayo. It is deep, and I didn't know what to do anymore. Sana kapag magpakilala ako sayo, tanggapin mo ako.
To: Salvacion Dominique Alzarte
I smile again. Shit, sino ba kasi 'to? I'm really curious! Gusto ko siyang makita at makilala. Gusto ko rin malaman kung ano ang mga nagustuhan niya sa akin. Syempre bukod sa maganda ako, siguradong may iba siyang nagustuhan mula sa akin. Napahinga ako ng malalim, ngumiti ako kay Amado ng umupo siya sa tabi ko. Pinakita ko sa kanya ang love letter, ngumiti siya habang tumingin sa akin.
"May bagong sulat na naman sa akin si Mr. Eye glass, yieeeeee! Nakakakilig naman siya! Gusto ko na talaga siyang makita." excited kong sabi sa kanya.
Amado Equipaje is my new friend. Yes, naging malapit kami dahil sa pagpupumilit niyang maging magkaibigan kami. At first, I was hesitant to accept his as my friend because I don't really know him. Pero as time goes by, nakilala ko siya ng pa-unti-unti. He is kind, that's right! Seryoso sa pag-aaral ngunit mabait sa mga taong kilala niya. Hindi rin siya maramot, kahit na alam kong hindi naman sila mayaman pero nakikita ko pa rin ang generosity sa kanya. Kaya iyon rin ang dahilan kung bakit naging magkaibigan kami.
He sighed after saying that.
"Baka magulat ka kapag magpakilala yan sayo." sa boses niyang malambing.
Umiling ako habang nakanguso ang labi.
"Not really. Malay mo, magustuhan ko rin siya katulad ng pagmamahal niya sa akin. Kaya nga gusto ko na siyang makita e!" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 9: Owned By Soldier Heart (HANDSOMELY COMPLETED)
RomansSalvacion Dominique Alzarte, ang babaeng ubod ng bilib sa sarili. Hinahangaan ng mga tao, sa ganda man o sa talento niya. Mataray, outspoken at hindi takot ipaalam sa mundo kung ano ang tunay niyang ugali. Karamihan ang tawag sa kanya ay manglalaro...