Wakas
Hindi ko mapigilan na magalit dahil ang babaeng kaharap ko ngayon ay sobrang sakit sa ulo. Alam ko naman na mana siya sa kanyang ina pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na hindi magalit. Lalo pa't babae siya at importante siya sa akin. Hindi ko naman siya pwedeng saktan o pagbawalan sa mga gusto niya dahil kami ni Salvacion ang mag-aaway. Damn, she spoiled our daughter!
At ngayon hindi ko na alam kung paano pagsasabihan ang anak kong ito. I need to calm down and think about ways to make her behave. Kung gaano kamaldita si Tiyang noon, mas tumindi naman itong anak namin. Parang napunta lahat sa kanya ang ugali ni Salvacion, at nag-sobra lang sa anak namin.
"Adah, you have to listen. This is the best for you, anak. I cannot afford to lose you." marahan kong sabi.
Tumaas ang kilay ng anak ko at ngumisi. Nasa sala kami at nag-uusap ng masinsinan. Wala ngayon ang asawa ko dahil nasa shooting para sa isang commercial. Pinatawag ko siya dahil kailangan namin mag-usap tungkol sa pagiging pala-away niya sa school. Kanina ay tinawagan ako ng principal dahil pinatawag na naman nila ang anak ko dahil nagkasala na naman.
Ayon sa principal, nakipag-sambunutan siya at nasugatan ang babaeng kaaway. Alam kong malakas at palaban si Adah dahil tinuruan siya ng ina niya na maging malakas at matatag na babae. At jusko, kahit nasa sampung taong gulang palang siya ay ganito na kung umasta sa school.
"Dad, I didn't do anything! Sila ang umuna sa akin! That bitch throw something smell bad in my uniform! Duh, anong akala niya sa akin magpapatalo nalang?" mataray na sabi ng anak ko.
Umiling-iling ako at napahinga ng malalim. Ang bata niya pa para maging ganito! I love her because she's our daughter, but I cannot bear to see her in pain. Baka makapatay ako kapag makitang nasasaktan na siya.
"Adah, you have to avoid them. Hindi ka talaga titigilan ng mga iyon dahil kalaban ng pamilya natin ang pamilya nila. You have to be patient, and please, avoid fighting. I am worried." marahan ang bawat salita ko.
Umirap siya at tumayo. Walang sabi-sabing umalis at umakyat sa kanyang kwarto. Napahinga ako at umiling-iling sa sarili. Matinding kalaban kasi ng mga Costiño ang pamilya Deloveros, ang grupo ng mga kababaihan na kaaway ni Adah sa school niya. Ngayon kasi ay mas lalong tumindi ang galit ng mga kalaban sa negosyo ng pamilya ni Salvacion. I heard that Braze took the company as the president today. At nalaman kong matinding kalaban si Braze pagdating sa negosyo.
Bumukas ang pinto at pumasok ang panganay kong anak na lalaki. Suot ang jersey niya at namamawis na katawan, tumingin siya sa akin at tumaas ang kilay.
"Nakauwi na ba si Adah, dad?" he asked coldly.
Bumuntonghininga ako at tumango. Amadeus sigh and shrugged his shoulder. My son is older than Adah, he is a protective brother. At alam kong kapag nasa school sila, hindi niya pinapabayaan ang kapatid. He is fifteen now, and a senior high student. Meanwhile, Adah is in junior now with bad vibes of being a girl. Kung masama ang ugali ng asawa ko, mas dumoble sa anak namin.
Amadeus is a different. He is like me, a serious type of student and brother. He is always serious with his study, playing basketball and reading books. While, Adah is always at fight. She is known as a badass girl in the school, always want a fight. Magkaiba sila ngunit pareho naming mahal ni Salvacion. Mahal na mahal ng asawa ko si Adah kaya hindi ako pwedeng manakit o pagalitan ang babae naming anak dahil siya ang makakalaban ko.
Kaya hangga't maaari ay hindi ako gagawa ng ikasasakit ni Adah. Kaya hangga't maaari ay kailangan kong kumalma at tratuhin ng maayos ang anak. Narinig ko mula kay Amadeus na kalaban niya sa basketball ang kuya ng babaeng kalaban ni Adah. Mainit ang ulo sa kanila ng mga Deloveros dahil sa pagbaba ng net income ng kompanya nito. At ang sinisisi ay ang mga anak ng Costiño.

BINABASA MO ANG
Costiño Series 9: Owned By Soldier Heart (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceSalvacion Dominique Alzarte, ang babaeng ubod ng bilib sa sarili. Hinahangaan ng mga tao, sa ganda man o sa talento niya. Mataray, outspoken at hindi takot ipaalam sa mundo kung ano ang tunay niyang ugali. Karamihan ang tawag sa kanya ay manglalaro...