20
Kanina ko pa pinipigilan ang aking mga ngiti sa labi. Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan ni sir Cain at may pupuntahan daw kami. Tinanong ko sya kung saan pero hindi ito sumasagot. Hawak nito ang aking kamay habang seryoso itong nagda-drive. Nadagdagan na naman ang araw na hindi ako nakapasok sa trabaho at dahil iyon sa magaling na CEO'ng kasama ko ngayon.
Itinuon ko nalang ang aking mata sa paligid ng aming nadaanan. Kumunot ang noo ko nang mapansin parang lumalabas na kami sa Makati. Pinasok ni sir Cain ang sasakyan sa isang eskinita na walang gaanong mga building. Bigla ko tuloy naalala ang mga horror movie na napanood ko. Ganitong mga eksena nagsisimula ang mga nakakatakot.
Binalingan ko si sir Cain na seryoso pa rin sa pagda-drive. Hindi naman siguro ako papatayin nito diba? Alam naman siguro nito na may cctv sa building na pagmamay-ari ng pamilya nito at nakikita doon na lumabas ako na kasama sya. Though, pwede naman nitong utusan ang nasa control room para burahin ang mga video na nakarecord na magkasama kaming dalawa.
"Saan tayo" tanong ko
Ngumiti lang si Sir Cain. May itinuro gamit ang nguso. Bumaling ako sa unahan ng sasakyan. Isang matayog na itim na gate ang nakita ko. Gusto kong tumalon palabas ng sasakyan ni Sir Cain. May oras pa akong tumakbo sa kung ano mang masasama nitong balak.
Nasagot ang tanong ko nang dahan-dahang bumukas ang malaking gate. May pinindot si Sir Cain sa sasakyan nito at muling sumara ang gate pagkapasok nila. Bumungad naman kaagad sa kanila ang isang two-story house na halatang sumisigaw ng karangyaan. Nasa may mataas na bahagi ang bahay at unti-unting lumalaki habang papalapit kami doon.
"Bahay ninyo 'to?" parang tanga kong tanong. Of course sa kanila ito.
"Bahay ko 'to.." may ibinulong pa ito na hindi ko narinig dahil sa sobrang hina ng pagkasabi nito
"Walang tao rito?" tanong ko ulit nang pumasok kami sa tahimik nitong bahay.
"My maids are living just across the street. Pumupunta lang sila dito kapag sinasabi ko"
"Bakit?"
"I don't want people roaming around my house when I'm here"
"So you don't want me here?
"You kidding me?" inisang hakbang nito ang pagitan namin. His arms instantly wrapped on my waist the moment his fingers touched me. "I brought you here cause I want you here. Kung pwede lang sana na dito ka na titira, that would be great! Pero hindi pa ngayon ang araw na iyon. You're not ready"
"Ano?" tiningnan ko si Sir Cai na parang nahihibang na ito "Hindi ako titira dito, sir. I have my own roof"
"Yeah. Yeah" simpleng sagot nito at iginiya siya sa taas ng bahay.
Habang naglalakad sila ay inilibot naman niya ang tingin sa mga kagamitan na nandoon. Ilang chandelier ang nakita niya at mukha palang sumisigaw na iyon ng milyon. Pati ang mga gamit halatang mamahalin. Ganito siguro kapag mayayaman ano? Lahat ng gamit mahal. Wala kang makikitang tigfa-five hundred na halaga.
Laglag ang panga ko nang binuksan ni Sir Cain ang isang glass door, Unang bumungad sa kanya ang naggagandahang city lights ng Manila. Sunod naman niyang napansin ang hammock sa may kalayuan sa kanila. Sunod, ang malaking hanging bed na nang-aakit na puntahan ko.
"Wow!"
"You like it?"
Mabilis akong tumango. Hindi ako makapaniwalang sobrang ganda ng view ni Sir Cain gabi-gabi. Nasa city pa rin ito pero parang nasa bukid ang location dahil sa maraming puno sa likurang bahagi ng bahay. Malinis at presko din ang hangin.
BINABASA MO ANG
Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]
RomanceThe firstborn of Marin. A radio dj who doesn't fall in love so easily. Ngunit dumating ang hindi inaasahang lalaki sa buhay niya.