Pahina 32

62 4 0
                                    

32


Unti-unting luminaw ang aking paningin. Nakita ko si Arlon, ang dalawang kamay ay nasa magkabilang bulsa ng pantalon. He's wearing a white polo shirt and a maong jeans.




"H-hi" I greeted "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Tingin masyadong malayo ang lugar na ito sa Makati.




"May hinatid lang sa malapit. And then I saw you from my car, so I decided to stop and came here. It's hard not to notice a girl with a red hair, Jas. If I saw one, ikaw agad ang nasa isip ko and I'm right" Naupo si Arlon sa aking tabi. "What's your problem?"





"Sinong hinatid mo?" Tanong ko dito imbes na sagutin ang tanong nito.




"My fiancèe" he sighed




"Didn't know you're sweet, huh?" I teased Arlon. I was hoping to divert his question.




"I was told to"





Napakunot ang aking noo.





"Anong ibig mong sabihin?"




Napabuntong hininga ulit si Arlon. Kanina ay nakatingin ito sa unahan at nang tumingin ako sa kanya ay nilingon niya ako. His face was cold but his eyes were warm.






"I'm in an arrange marriage" ngumiti ito ng kaunti "I agreed cause I can't see myself having the girl I want" nag-iwas si Arlon ng tingin sa akin.





Para naman akong natamaan ng kidlat doon habang nakaupo. Is he still...





"Kung sana kumilos agad ako noon. Who knows" nagkibit ito ng balikat "But I can't turn back time"





Pinutol ko ang pagtingin kay Arlon. Kagaya nito ay nasa unahan na rin ang aking tingin.





"Sorry" mahina kong sambit. I was sorry cause I can't like him the way he like me. I was sorry cause he's in a hard situation right now. I was sorry cause he's my friend and I can't do anything to help him.





"Nah!" Binalingan ako ni Arlon. I was looking in the pond while Arlon's looking at me. "It will be okay if you're happy" mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang ngumiti "Are you happy?"





Hindi ako makasagot. Am I? Napangiti ako ng pilit. I was. Ngayon hindi ko alam kung masaya ba ako.




"Tell me what's bothering you. I am your friend after all"




I sighed. Siguro I need some advice. Hindi ko kayang mag-isip sa ngayon.




Sinimulan kong sinalaysay ang nangyari kanina. Ang mga sinabi ni Mrs. Galleni and pagtawa nito sa akin at ang muling pagbabanta. Pati na rin yung kay Diane.





Para akong nabunutan ng ilang tinik sa aking dibdib pagakatapos kung sabihin lahat kay Arlon. It was like finding another ate Krissy. Nakikinig lang si Arlon sa akin. Kita ko ang minsan niyang pagtagis-bagang pero hindi siya nagsalita. Hinintay niya akong matapos bago ito napabuntong hininga.





"Alam mo, Jas, Mrs. Galleni is my mother's cousin" panimula nito na nagpagulat sa akin. Mabilis akong napabaling kay Arlon para siguradohing tama ba ang narinig ko. "Hindi malapit ang pamilya ko sa pamilya nila but Cain and Diane's story wasn't private. Maraming nakakaalam kung ano ang nangyari sa dalawa."




Arlon stopped. Tumingin sa aking mga mata na tila may hinahanap doon. Hindi ko alam kung ano pero ngumiti ito bago nagpatuloy.





Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon