Pahina 22

57 5 0
                                    

22


"You're kidding, right? Tell me you're kidding cause my heart won't stop beating like crazy shit!"




Mahina akong natawa. "Ayaw mo?"




"Syempre gusto!" Isang kaluskos ang narinig ko sa kabilang linya "Fuck! Gustong-gusto ko! I'll be there before sun rises"



"Sir, tulog pa ako n'yan. Also, apat na oras nalang bago sumikat ang araw. Nababaliw ka na ba? Matulog ka na lang muna"




"Yes. I'm crazy. Too crazy for you"



Napakagat ako sa ibabang labi. My bad boy is cheesy.



"I'll be there. And I don't care if I have to wait for you hours kung kapalit ay ilang oras na kasama ka. Fuck waiting! I can wait 'til forever as long as it's you"



Okay, this need to be stop. Parang baliw na rin kasi ang puso ko sa pagtibok.



"Call me kapag nandito ka na. Para sa loob ka na ng apartment maghintay"



"I don't care waiting inside my car, Mine"



"Gusto mo ng date, right?"


"I do, of course. More than you could ever think"



"Then follow what I want"




"Okay. I won't argue"



"One more thing" he hummed from the other line "Huwag mo akong sweldohan bukas. Hindi ako papasok meaning wala akong sweldo, alright?"


He sighed. "As you wish my baby"



I smiled widely. Buti nalang wala ito ngayon sa harap ko. Baka isipin nitong baliw na ako sa laki ng ngiti ko.



"Need to beauty rest para maganda ako bukas. Bye"



"You don't need beauty rest cause you're already beautiful but you need rest. Bye, mine. Dream of us please"




"Corny mo. Ugh!" Tawa mula dito ang nakuha ko. Pinatay ko naman ang tawag habang tumatawa pa ito.




Another night I fall asleep peacefully and happily. Thinking about spending my day with Cain brings too much life in my system.




Mahinang haplos sa aking pisngi ang nagpagising sa akin mula sa masarap na pagtulog. Handa ko nang bigyan ng bigwas si Lotus dahil alam kong ito lang ang makakapasok sa kuwarto ko, buti nalang idinilat ko ang aking mga mata.





Hindi ko alam kung nasa panaginip pa ba ako o wala na dahil mukha ni Cain ang nakita ko pagkadilat. Binuka ko pa lalo ang aking mga mata para makasiguradong si Cain ba talaga ang nasa loob ng kuwarto ko at hinahaplos ang aking pisngi.





"Gising ka na, ate? Hindi mo sinabi na may bisita kang darating ng madaling araw. Buti nalang lumabas ako sa aking kuwarto para pumunta sa kusina at nakita ko s'ya sa labas" boses ni Lotus ang aking narinig. Biglang nagising ang aking diwa. Letse! Hindi ito panaginip! Totoong nandito si Cain sa loob ng kuwarto ko!




"Lotus!" Nataranta akong bumangon sa kama



"Ate, kilala mo naman iyan diba? May usapan daw kayo?"



"Oh my god!" Tanging nasambit ko.




Tumawa naman si Cain habang nakaupo sa paanan ng kama ko. At talagang ginawa nito ang sinabi kagabi.




Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon