26
Isinara ni Jasmine ang diary. Kailangan niya ng hangin bago ipagpatuloy ang pagsusulat. Binaling niya ang tingin sa kanilang bukid mula sa caida ng kanilang bahay. Luntian na ang kulay ng kanilang palayan ngayon. Napalitan na ang dating patay na palay.
Malamig ang hangin na pumapasok sa nakabukas na bintanang gawa sa capiz shell. Mag-isa lang siya ngayon doon. Ang kanyang mga kapatid ay nasa trabaho. Habang siya ay dalawang araw na mula nong nagresign.
May tawag at text na galing kina J pero hindi niya sinagot ang mga iyon. Tanging kay Lotus, Cala at Chuche lang ang sinasagot niyang tawag galing Manila. Sumuko na siya. Tinalikuran lahat ng may kaugnayan sa mga Galleni. Kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang pagtanggap na hindi niya pwedeng ipagpilitan ang sarili sa isang bagay na hindi pwede at sa isang bagay na may maraming tutol.
Alam naman niya iyon noong una pa lang. Alam niya pero nasasaktan pa rin siya. Sa gabi kasing iyon ang simula ng maraming problema. Loving Cain was a problem. Masakit at nakapagpababa ng sarili. Minahal niya ang isang lalaking hindi para sa kanya at kailan man ay hindi magiging kanya.
Masaya nong una, oo. At katulad nga ng sinabi ng mga matatanda, ang labis na kasiyahan ay may kapalit na labis din na kalungkutan. Ito nga siya ngayon.
Ipinatong ni Jasmine ang kanyang diary sa ibabaw ng lamesa na nandoon. Bumaba siya sa kanilang escalera habang pinasadahan ng kanyang kamay ang barandilyang gawa sa mahogany.
Tinungo niya ang kusina para makainom ng tubig. Nakikita na niya ang sarili na magiging ganito na ang buhay niya hanggang sa pagtanda. Boring. Gumigising lang dahil kailangan sa bukid. She already gave up. And her memories with Cain will stay. Iyon ang magiging kasama niya araw-araw.
Masakit sa kanyang dibdib pero kailangan niyang tanggapin. Tutal andyan naman ang mga kapatid niya. They won't leave her. Sana lang ay hindi maging katulad ng kanyang istorya ang buhay ng mga ito. Sana lang ay makakatagpo sila ng lalaking mahal na mahal sila. Iyon na lang ang magiging lakas ni Jasmine para magpatuloy.
Nang makabalik sa inupuan kanina ay muli niyang binuklat ang diary. Hawak ang ballpen sa kaliwang kamay ay sinimulan niyang balikan ng tanaw ang mga nangyayari bago siya nakapagdesisyon na iwan lahat sa Manila.
Dear diary...
Kinakabahan ako habang papalapit ang Sabado. Kahit pa sinisiguro ni Cain na hindi niya ako iiwan ay hindi ko pa rin mapigilang hindi kabahan. Papalapit na ng papalapit ang Sabado at pabili ng pabilis naman ang kaba ko sa aking dibdib. Gusto yata ng puso ko na kumawala sa kinalalagyan nito.
Lagi akong hinatid sundo ni Cain. At kapag kasama ko siya nawawala ang kaba ko sa aking dibdib. At sa tuwing nag-iisa naman akonsa aking kuwarto ay bumabalik ang kaba.
Lotus already knew about my relationship with Cain. Pati na rin ang kambal dahil tsinismis iyon ni Lotus. They knew Cain pero hindi pa nila nakita ang binata. Balak kong ipakilala si Cain sa mga kapatid ko pagkatapos namin paunlakan ang gusto ng ina nito.
Vocal si Lotus na gusto nito si Cain para sa akin. Botong-boto siya dito. May mga gabi pa nga na naaabutan kami ni Lotus sa labas ng apartment, hinahatid ako ni Cain at ang kapatid ko ay galing trabaho, she would invite Cain inside our apartment. Halos ipagtulakan pa nito ang lalaki papasok sa aking kuwarto.
Sinita ko ang kapatid ko doon pero tumawa lang ang makulit. She would tease us nonstop. Cain would just chuckle pero kita sa mukha kung gaano nito kagusto ang panunukso ng kapatid ko sa amin.
BINABASA MO ANG
Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]
RomanceThe firstborn of Marin. A radio dj who doesn't fall in love so easily. Ngunit dumating ang hindi inaasahang lalaki sa buhay niya.