Pahina 13

63 6 0
                                    

13



Tahimik kong pinanood si Daisy na naglilinis sa sugat na nasa braso ni Arlon. Kaunting gasgas lang iyon sa palad at mga braso nito. Nakahinga ako ng maluwag kanina dahil hindi malala ang natamo nito mula sa away nila ni sir Cain.



Wala akong naisip kung ano ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa. Ang alam ko, tahimik at walang pakialam sa mundo si Arlon. Laking pagtataka ko nalang sa nangyari kanina. Dahil sa away ng dalawa, pinaghalong pagtataka at gulat ang naramdaman ko. Arlon's fighting with our big boss! Si sir Cain!



Alam ko at alam ni Arlon na parang galit sa mundo si sir Cain, siguro ay nadamay si Arlon sa galit nito? Pero bakit? Pansin ko kanina ang tahimik na kompetensya nila kanina sa gitna ng bukid na hindi ko binigyang pansin masyado, ngunit hindi ko akalaing aabot sila sa ganito! Kung hindi pa sila napigilan nina Marco at ng ibang kalalakihan doon sa bukid malamang lalaki pa ang away nila.



At nakakahiya dahil alam ng lahat na bisita ko ang dalawa. Mga bisita ko na hindi ko magawang punahin at awatin.



"I'm sorry, Jas" pang-ilang sorry na iyon ni Arlon simula pa kanina. Ni hindi ko siya magawang sagutin o kausapin man lang. I'm so disappointed at him. I expected so much and look at him with full respect.



"Ate, balik muna ako sa bukid" tuwid na tumayo ang kapatid ko pagkatapos nitong linisan at gamutin ang sugat ni Arlon sa palad



Tumango ako sa aking kapatid. Binigyan niya ako ng munting ngiti at humalik sa aking pisngi bago lumabas ng bahay.



"Jas-"





"Ano ang pinag-awayan n'yo?" putol ko kay Arlon, bakas ang matinding pagkadismaya sa aking boses. I looked forward for a peaceful and happy harvest for this season. At sinira nila iyon ni sir Cain.



Arlon sighed. Niyuko ang ulo. Hindi itinago ang pagsisisi sa mukha.



"It was my fault"



Hindi ako nagsalita. Seryoso ko siyang tiningnan. Hindi 'sino ang may kasalanan?' ang tanong ko. Gusto ko mang taliman ang aking tingin sa kaharap ay hindi ko magawa. May natira pa kasing respeto sa aking sarili para dito. Dismayado, oo, pero I still look at him as the calm and silent Arlon. Which I used to think he's not violent or not into violence.



Nag-angat ito ng tingin sa akin. Nagtagpo ang aming mata. Hindi ako nag-iwas at mas pinatigas pa ang tingin ko dito.

Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon