#9 Someone's back.

1.1K 12 9
                                    

Thank you asktherisk for keeping up with my story :D you readers should check asktherisk's work too. 

CHAPTER 9

"Miss....? uhm, naiwan ko po yung powerpoint sa office niyo." kabang sabi ni Mich.

"Oh, it's fine! I have a copy here." masayang sagot ni Hazel.

Nakahinga ng malalim si Mich, weird ang kinikilos ng boss niyang si Hazel. Isang buwan na ito'ng masayahin at hindi moody, hindi naman sa ayaw niya ang nangyayari pero marami ang naninibago sa pinapakitang kasiyahan nito.

"Uhm, Miss? pwede po bang magtanong? Hindi naman po sa nanghihimasok po ako aa? Curious lang po talaga ako.. uhm, ano kase...baka magal-" utal na tanong at pagpapaliwanag ni Mich.

"Mich, I'll answer it, ano ba yun?" tanong ni Hazel.

"M...May boyfriend po ba kayo?"

"Boyfriend..." ulit na sabi ni Hazel sa salitang hindi nya alam kung ano nga ba ito. Napansin ni Mich ang pagkatulala ni Hazel habang nag-iisip ng malalim.

"Uhm, s..sorry po Miss, I just thought na meron kase masaya po kayo the whole month, and seeing that you're happy...the employees were just curious and happy enough to have you smiling habang nagtatrabaho po." paliwanang ni Mich.

Napaisip si Hazel sa tanong ni Mich. Yes, she was happy the whole month. Finding na they have a stable communication with Levi, kontento sya sa mga nangyayari sa kanila. Levi calls her to have dates, binibilhan ng flowers, binibigyan ng chocolates and all. Paminsan-minsan niyayaya din siya ni Ethan na lumabas at mamasyal. Nelcil is still ON with the matchmaking between Ethan and her, pero parang kapatid lang ang trato niya kay Ethan, they enjoy each other's company pero hindi boyfriend material ang tingin niya nito. Napapansin din niya si Nelcil na sinusumpong at masyandong sarcastic kapag si Ethan ang kaharap, hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa dalawa pero ayaw niya manghimasok kaya all she does is observe, may something sa kanila na hindi niya makuha or mahuli...pero nakakasiguro siya na hindi ito maliit na bagay.

Kung hindi tinanong ni Mich, hindi rin siguro papasok sa isip niya. Alam niya sa sarili niya na nahuhulog siya kay Levi, pero hindi niya alam kung ano ang tingin ni Levi sa kanya...oo nilalabas, binibigyan,binibilhan siya nito na kung anu-ano na nagpapangiti sa kanya pero hanggang doon lang iyon. Masyadong misteryoso si Levi, madalas itong magtanong tungkol sa kanya but hindi niya nagawang mag open up at magshare sa kanya. Which is she feels like Levi was just hanging out with her to kill time, nothing more nothing less. Naramdaman ni Hazel ang konting kirot nang maisip niya ito, naramdaman niya na onesided lang ang nararamdaman niya at dapat gumawa siya ng paraan para mapigilan ang nararamdaman niya.

"M..Miss?" --Mich.

"Uhm, yea..it's true, masaya lang talaga ako, and no I don't have a boyfriend, it's just that my brother is going home...soon." palusot na sagot ni Hazel.

"May kapatid po kayo? diba po Unica Hija po kayo Miss?" gulat na tanong ni Mich.

"Yes and yes, but malungkot naman masyado kung ako lang, so my parents adopted a boy when they were still...you know..buhay pa." paliwanang ni Hazel.

"ka-edad po niyo po?"

"No, my parents wanted a little younger, ka edad lang kayo to be exact."

"eh Miss, ba't parang walang nakakaalam na may adopted kayo?" curious na tanong ni Mich.

"Dad sent him in the US after niya nag graduate dito sa highschool, kakagraduate lang niya from college and he's going home.The senior employees lang ang nakakaalam na may step brother ako, and hindi ko gusto na may issues na mabuo out of it. I love him and gusto kong protektahan ang batang yun sa lahat ng pwedeng makasakit sa kanya emotionally."

Ms. NBSB & Ms. PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon