#19 Memory Slip

663 7 5
                                    

Eto na naman ako...sa panaginip ko. Naglalakad sa tabing dagat. Hawak kamay niya, syet ka Hazel, kinikilig ka sa panaginip mo. Naglalakad kami na may komportableng katahimikan, alon ng dagat lang ang humuhuni sa paligid. Ano ba yan! ang romantic!

Tiningnan niya ako. Tinititigan...teka? Bat parang nagiging bula siya?

"Levi?" ngumiti lang siya.

Unti-unti syang nagiging bula, pumuputok..

"T-teka?! anong nangyayari? Levi?...Levi?!" Sumigaw ako ng sumigaw, puputok yata ang ugat ko sa lakas ng sigaw ko. Wala na siya.

Kung kailan ko nakita mga mata niya, kung kailan alam ko na kung sino ang kasama ko sa mga panaginip ko...iniwan ako.

Iniwan ako na parang bula...ay mali. Naging bula nga siya, naman o. Umiyak nalang ako ng umiyak, kailan pa ba ako magigising? Magigising sa katotohanan na hindi ko makukuha ang taong gusto ko?

"Hazel?..." huh? may naririnig akong boses. Asan ba siya? Tsaka may tumatapik sa balikat ko...

"Hazel?.. bat ka umiiyak? Hazel gising!" Ano daw? gising?

"HAZEL?!" napadilat ang mga mata ko sa lakas ng boses.

"H..huh?" Medyo blur paningin ko. Ang lambot ng kama.

K...k..ka...KAMA?!

Nanigas agad ako, pinipilit na linawin ang mga paningin ko.

May lalake sa harap ko, Half naked.

Teka asan ba ako?

Habang natataranta ako na naninigas...nalanghap ng ilong ko ang mabango na parfum.

"Hazel?" pabulong na sabi ni Syro.

Levi. Levi?. Levi?!

"Levi?!" Too late, ang lakas ng boses ko.

"Yeah?" Sabi niya, tinititigan niya ako na may nakaplaster na ngiti sa mukha niya.

Nakatitig ako sa kaharap ko. Katabi ko. Katabi ko sa kama si Levi Guzman...aaa, naaalala ko na bakit kami magkatabi. Ang sama ko naman at nagkamemory slip. Pero sure ako na nagb-blush ako ngayon.

(#0_0#)

"you alright?" Nakakunot ang noo niya at tinititigan ako sa dibd...dibdib?

Oh.

Hinablot ko agad ang comforter at tinakip sa katawan ko. Para akong sasabog sa hiya, nase-self conscious ako. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa katawan ko at kay Levi.

"Uhm, you don't look okay...Ano napanaginipan mo?" Parang wala lang sa kanya na nakahubad ako sa harap niya. Hinigpitan ko ang hawak sa comforter ko, napansin niya ito.

"Hey, ano ba napanaginipan mo?" halos sumayaw yung bituka ko sa lambing ng boses niya habang niyayakap niya ako.. ng mahigpit. Napangiti ako sa sarili ko at nakahinga ako ng maluwang.

"Iniwan mo ako, bigla ka nalang nawala...popped." malungkot kong sabi.

"Popped?" Napatingin siya sakin nung sinabi niya ito. Ang gwapooooooooooooo ( ' 3 ' )

"You turned into some bubbles...then popped." pumiyok ako ng di sinasadya ng masabi ko ang last word. Pinahid niya ang mga luha ko, umiiyak pala ako. God, I didn't notice na umiiyak ako.

"Ano ba ginagawa natin sa panaginip mo?" hinalikan niya ako sa noo at hinihintay ang sagot ko.

"Uhm, walking?" seryoso syang nakikinig nang masulyapan ko siya. "Naglalakad tayo hand in hand then you suddenly turned into bubbles. Ang saya ko sa panaginip ko, it was at that time na nakilala kung sino yung kasama ko palagi na naglalakad sa tabing-dagat." Huminga ako ng malalim...kaya mo'to Hazel, speak what your heart whispers.

Ms. NBSB & Ms. PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon