#20 Confessions

695 5 1
                                    

"How was it?!" Talak ni Nelcil. Nasa isang private resort kami ngayon, literally having fun. Kasama namin sina Winter, Zeke, Ethan at Levi. Ewan ko kung nasaan ang dalawang lalake but I'm sure nasa paligid lang yun.

Ini-enjoy namin ni Nelcil ang init ang sariwang hangin ng dagat. Nakahiga kaming dalawa sa beach bed na nakasunnies, nag-uusap.

"Oh my god! Did you do it safely?!" Push ng gaga. Sige pa Nelcil, mas iinit panahon sa mga tanong mong x-rated.

"u..uhm" 

"Masarap? Is he good?" Patuloy ni Nelcil sa paghahagis ng tanong sakin.

"NELCIL LAO shut up!" pigil ko sa kanya.

"Well, you can't actually blame me Hazel! Halos lumuwa ang mata namin nung makita kang nasa isang kwarto...nude! with Levi, duh!!!! Para san pang bestfriend kita tapos naglilihim ka tungkol sa lovelife mo." Pagmamaktol ng playgirl, hmmmm--nagseselos ba'to? Tiningnan ko siya at nahuli ko itong tinitingnan si Ethan sa malayo. Naglalaro ng beach ball kasami si Zeke at Levi.

"Nelz, may saplot kaming dalawa OA..." huminga ako ng malalim. "We talked, bigla nalang siyang nagpakita kahapon sa office. He spilled the beans, pinagtapat niya na sineset-up ako ni Ethan sakanya. Ethan had this crazy idea para masolo ka niya." Humigop ako ng buko juice na nilagay ng waiter sa table namin. 

"Sabi niya?! Holy shit! So pinlano niya ito from the beginning! Pati yung first meeting niyo ni Levi. Yung lokong yun! He didn't breath a word about this, kainis!" ang ingay ni bestfriend. SWEAR! 

"Aksidente talaga yung first meeting namin no, pumayag lang si Levi sa kalokohan ni Ethan kasi nga nalaman niya na ako yung id-date niya. Tsaka, noon palang napansin na daw ni Ethan yung pag-iwas mo sa kanya." Bumangon ako at umupo sa harap ni Nelcil. She's wearing a two piece blue bikini, sexy naman.

"Talaga! Natakot kaya ako nung nagpapahiwatig na ang epal! I pushed you to him para ma-divert attention niya. Then I realized the more kayong nagsasama, the more na naramdaman ko na parang nag-iisa ako. I felt alone, left alone and jealous.  Nagseselos ako 'cause he has my bestfriend and at the same time you have him. Then and there, the hurt made me realize I like the manwhore." Selosa nga naman afraid of being alone, we both are.

"Possessive ka eh, wala akong magagawa kung iyon ang naramdaman mo. You started it after all, kung hindi ka lang kasi nagpakipot at dinamay ako. He wouldn't end up making plans just to have you for himself." Pangaral ko kay Nelcil, dapat niyang malaman na seryoso ang tao sa kanya.

"I don't know Haze, he seems to be serious pero natatakot lang kasi ako. Nasanay ako sa impression na gusto ako ng lalake kasi may katawan at magandang mukha. Heck all of them just wanted  sex."

Hindi ko masisisi si Nelcil, her exes were the definition of sex. Kumukunot talaga buong mukha ko pag nakikita syang nakikipaglandian sa mga ganoong lalake, but she herself is to blame. My bestfriends' a playgirl, kaya ang mga lalake naman may impression na she's that kind of girl kahit hindi naman. 

She puts up such an image kase just like me, she's scared. Takot syang maiwan at masaktan just like our parents did. Kaya sya ang nangiiwan, mas gusto niya yun and she never let any guy get attached to her. Nawala nang biglaan na walang paalam ang mga magulang namin, those memories changed our views in life. That made her a play girl.

"Yes, all of them wanted sex. Pero Haze hindi lahat ginagawa yun kasi gusto ka lang ikama, some of them fall inlove you know. Some of them do it for love." Nyay! Ano daw sabi ko? Napangiti ako sa binitawan kong salita, di ko namalayan pinaglalaruan ko na pala ang buhangin sa paahan ko.

"Jusko, ang tamis nang sinasabi mo sarap mong palamunin ng kape! Sobra!" Inirapan ko ang gaga seryoso ako dito, epal talaga tong Nelcil nato. Naku.

Ms. NBSB & Ms. PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon