#24 Who's that girl? part 2

654 3 0
                                    

Nelcil POV

"So, ano ang feeling na okay na kayo ni Ethan?" Akbay ni Nazaniel sa akin matapos namin makalabas sa kotse niya. Magsho-shopping kaming tatlo ngayon at sinusundo namin si Ethan. Inaya namin si Levi at Hazel pero parang chewing gum ang dalawa, inseparable. 

"Okay lang nakakapanibago." Sagot ko at binuksan ang glass door ng restaurant, nasa itaas nito ang pad ni Ethan.

Ngumiti si Nazzy pero parang ngiti sa kung anuman ang iniisip niya. Tsssss, 'tung lalaking 'to, ang hirap basahin ang ugali.

"It's nice na may pagkakaabalahan na naman si Eth aside sa business." Tumango ako, pero diba marami siyang babae even before me? Playboy.

Nakatayo na kami sa pintuan kung saan may hagdan sa likod nito paakyat sa pad ni Ethan. Tinapik ako ni Nazzy. "Huh?" Sabi ko.

"Mauna kanang umakyat, baka kasi gusto mo bigyan ng good morning kiss, ayokong makita yun...ewww" Nagawa pa niyang mag-make face, natawa nalang ako sa kakyutan niya...pasimpleng sweet si Nazzy eh.

Napabungisngis ako sa sinabi niya at sinunod ang payo niya, oo nga naman--namiss ko ang Ethan it has been 2 weeks since they made up with Nazzy. Napakalaki ng hakbang ng mga paa ko maabot lang ang second floor, dahan-dahan akong naglakad para hindi mamalayan ni Ethan na parating ako. Alam ko ang code ng alarm system niya kaya papasok ako ng palihim~ninja style.

"freaking gentleman!" Alingawngaw galing sa loob ng pad ni Ethan, tinig ng isang babae...the voice is familiar.

Nadeactivate ko na ang alarm system ng pad niya, naka ngiwi ng kaunti ang pintuan pero di ko magawang hawakan ang door knob para bumukaka ng maigi ang pinto.

Kung maninigas kalang diyan at makikinig, wala kang mapapala. Sigaw ng utak ko

Tinulak ko ng dahan-dahan ang pintuan, naningkit agad mga mata ko sa tanawin na nasa harap ko. Just like any other gentleman...Ethan kisses her hands tenderly like a queen. That girl, nakita ko na sya back then with Levi...siya si Adriana.

All I know is her name and how she hates me, titig niya palang when I met her alam na. Kaanu-ano ba niya si Ethan? 

I just stared while Ethan kissed the back of her hand while Adriana is giggling. I wanna keep staring pero masakit sa mata. Kanina pa ako hindi kumikibo pero ako yung tipong nag-iingay pag hindi napapansin.

"Etha...n?" Agad silang lumingon sa direksyon ko pareho silang nanigas sa kinatatayuan nila, hawak parin ni Ethan kamay niya.

Gusto ko'ng isigaw sa kanya na bitawan niya ang kamay ni Adriana, nakatitig lang ako sa mga kamay nila.

Sino ba siya Ethan Kim?

She looks so dear to you.

You look at her with so much meaning sa mga mata mo, I don't know what it means pero that kind of look is special and...you don't even look at me like that.

Naaninag ko na tutulo ang luha ko pero ayokong tumulo ito sa harap nila, tumalikod nalang ako at tumakbo palabas. Yumuko ako ng makarating sa restaurant at dali-dali naglakad palabas pero may naramdaman akong humatak sa akin.

"Nelz, you okay?" Concern na tanong ni Nazzy, errr nakalimutan ko si Nazzy kasama ko pala siya.

"I...mag...magpapahangin muna ako Nazzy just go upstairs and check Ethan." Pagsisinungaling ko, agad ko siyang tinalikuran at pinuntahan ang kotse ni Nazzy, buti nalang ako pinahawak niya sa susi. A car is what I need at times like this. Need for speed.

Nang makapasok ako sa loob ng kotse nakita ko sa loob ng restaurant si Ethan, halatang hinahanap ako. Tinted ang kotse kaya di niya alam na nasa loob ako nito, agad ko ito pinaandar. Hindi ko kabisado ang lugar kaya inactivate ko ang gps at naghanap ng matatambayan agad akong kumaripas palayo kay Ethan.

Ms. NBSB & Ms. PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon