#16 WHO'S THAT GIRL?

704 7 4
                                    

Ring..

Ring..

Ring..

Ring..

"Michelle speaking, how may I help you?...oh, Ms. Nelcil!..Opo, i'll put you to her line po." Mich.

"Ms. Castillo speaki-" 

"Nelcil?...good thing you called. I thought nakalimutan mo na na may taong nagmamalasakit sayo." Malditang tono ni Hazel sa kausap niya sa telepono.

I just want to say that between Ethan and me, were fine. Gusto ko rin makausap yung nbsb kong bestfriend noh.

“I’m still working, magmeet nalang kaya tayo around lunch?” offer ni Hazel.

Okay, magpasta tayo sa Coffee Bean. Tahimik doon, walang istorbo. Bye. sagot ni Nelcil.

Nang makarating si Hazel sa Coffee Bean, nakita niya agad si Nelcil na nakaupo sa dulong parte ng coffee shop, napangiti si Hazel ng makita niya itong tulala sa kawalan at madalas ang pagngiti sa sarili.

“Aysh, napana na siguro ito ni Ethan.” Sambit ni Hazel sa sarili.

Nang malapitan niya ito, nakita agad siya ni Nelcil at nakabalik naman sa realidad ang takbo ng utak ni Nelcil “I’m guessing kayo na?” tanong ni Hazel.

We are? tanong ni Nelcil sa sarili.

“I can’t believe I like a playboy Haze! Asan naba ang hustisya? Alam mo naman yung tipo ko diba? Diba? ”naiingayan si Hazel sa kaibigan niya.

“Nelz, it’s normal. Hindi ka pa naman baliw kung may gusto kang tao na labas sa qualifications mo. Problema ba’yun kung mutual naman ang feelings niyo?” Pangaral ni Hazel.

“You know my Playgirl Pledge. It’s the holy rule of the Playgirl book. thou shall not settle with a Playboy. ” Bulalas na sabi ni Nelcil.

“So...you wanna settl* huh?” Pangiting tanong ng kaibigan.

“If...if gusto niya. Ewan. I mean, sa kanya lang naman ako nagkakamalfunction ng ganito. It's my first. to..to-” Antipatikang sagot ng isa.

"First time mong maka-engkwentro ng lalake na tinititigan ka palang...nanginginig na tuhod mo?" pangiting sabi ni Hazel.

"Close enough, pero it's more like...may daladala siyang martilyo para basagin ang invisible shield ko. How? Paano niya nagagawa yun?" daldal ni Nelcil.

"It's because you are letting him in, unconsciously and slowly." Napabuntong hininga si Hazel sa walang kwentang problema ni Nelcil. Umorder sila ng pasta at ini-enjoy ang kapaligiran ng coffee shop.

Kumakain ang dalawa ng pasta ng mapansin ni Nelcil na may pumasok na couple sa coffee shop, sabay nila itong nakita ni Hazel. Napansin niyang parang nagulat si Hazel ng makita ang lalake.

Nagulat, nanigas, kinabahan...nasaktan? Nakita ito ni Nelcil sa mukha ng kaibigan.

Tinitigan niya ang magnobyo.

Umupo ito sa katabi nilang table. Hindi naman sila napansin ng couple na tinititgan nila ito. Seryoso ang dalawa sa pag-uusap. Naamoy ni Nelcil ang hindi magandang mangyayari sa pagitan ng magnobyo. Si Hazel naman ay parang statwa sa kinauupuan at hindi na nagawang gumalaw ng pumasok ang dalawang customer na katabi na nila ang table nito.

Hinayaan na ni Nelcil si Hazel at hindi na ito inistorbo sa stone state nito. Curious siya kung sino ang dalawang tao na malapit sa kinauupuan nila, gusto niyang malaman kung sino at kaano-ano ito ni Hazel para manigas sa kinauupuan niya. 

Habang inoobserbahan ni Nelcil ang dalawa, napansin ni Hazel na tinititigan din pala ng kaibigan niya ang couple sa katabing table. Kinakabahan siya at napaisip siya kung sino ang babaeng yun. Ang ganda ng kasama niya, gilfriend? Pero sabi niya wala syang-siguro nga. GF.

Naiinip na si Nelcil at napansin niyang habang tumatagal ang pag-uusap ng babae sa nobyo nya ay mas kumukunot at namumula ang mga pisngi nito. Parang naiinis at galit na galit ito sa boyfriend niya.

Teka? I know this guy! Si Levi! Hazel's-

Nang marealize ni Nelcil kung sino ang lalakeng ito, napatingin siya ulit sa kaibigan niya. Sa mukha palang ni Hazel, confirmed nga.

Yup, it's him. At sabog ang mukha ni Hazel sa selos at takot.

WTF?!

Sa inis ni Nelcil nagparinig siya kay Levi. "So, Haze! How are you and Levi? Going to the next level? or game-" tinitigan ni Nelcil si Hazel at pasigaw na nagsalita at dahandahang nilingon si Levi. "over?" Namilog ang mata ni Hazel sa gulat at takot. 

"NELZ?!" pangaral sa kaibigan.

Napalingon si Levi sa kanila at nanigas ito. Agad namang nakachange expression ito at umastang hindi apektado. Pero halatang kinakabahan ito. Tinitigan niya si Hazel at nginitian ito, ngiting nagsasabi ng hindi ko ini-expect na makikita mo ako dito with my girlffriend or girl friend?

"Nelcil...didn't expect you to see you--" mahinang sabi ni Levi na para bang bumubulong kay Nelcil. 

eeeeeeek~!

Napalingon sila Hazel, Nelcil at Levi sa pinanggagalingan ng ingay. Tumayo ang kasama ni Levi at halos magkadikit ang kilay sa galit.

"Yeah...I didn't expect to see you here." sabi ng babae habang nilalapitan si Nelcil. Tinititigan. Head to toe. Galit.

Napapikit si Levi at nag-isip kung ano ang dapat sabihin na hindi madagdagan ang tension sa pagitang ng tatlong babae na nasa harap niya.

Ugh, I hate this kind of situations. Feels like Deja Vu.

"I never thought someone would dare to replace me. Ano bang nakita niya sa babaeng to Levi? Huh? Sagutin mo nga ako?" Malditang tanong ng babae.

"Ang alam ko, she's not like you. She sticks with him. Only him." Seryosong sagot ni Levi.

WTF part 2?! Sino ba tong babaeng to? Kilala ko to? Pero--grabe! Ang ganda! May atraso pa yata ako nito na di ko alam involving Levi...

"Levi? who's she?" tanong ni Hazel.

Hindi pinansin ni Levi ang tanong ni Hazel at tinititigan ang babaeng kasama niya.

"She's asking, I'm this cheap to not introduce me?" sabi ng babae kay Levi.

"You are chea-"

PAAAAAAAAAAK ~!

Cheap. Yun dapat ang sasabihin niya. Pero naunahan siya sa sampal. Napalingon ang lahat ng tao sa loob ng coffee shop. Namilog ang mata ni Hazel at Nelcil. Napapikit si Levi sa kirot na naidulot ng sampal. 

"If hindi sya magpapakita, expect me to cause a scandal Levi...alam mo kung ano ang magagawa ko." sabi ng babae at nagwalkout.

"Sino ba yun Levi? bat parang malaki atraso ko sa kanya? I don't even know her!" Nelcil.

"Sorry." Tanging sambit ni Levi kay Nelcil habang kinuha ang cellphone niya. Pinindot ang speed dial at tinitigan si Hazel.

 "Hello Ethan? I talked to her...Ayaw nya tumigil, you should meet her...End it yourself."

"Oh and guess what?...She bitch slapped me."

"alam mo ba ano ang interesting plot? No?"

"Hazel and Nelcil saw it...No. Not Joking."

"Yes. Adriana gave Nelcil the stink eye."

Napabuntonghininga si Levi matapos makausap si Ethan. Humingi ito ng paumanhin kay Nelcil at Hazel at umalis na. Leaving them clueless at schocked.

"What was that all about?" tanong ni Hazel kay Nelcil.

"I HAVE NO IDEA." sagot ni Nelcil na halatang hindi mapakali at di niya alam kung bakit...o baka dahil kasali si Ethan sa gulong nangyari mismo sa harap niya.

CHAPTER 16 END!

Adriana---->>>

Ms. NBSB & Ms. PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon