Chapter 6

720 30 0
                                    

Ace POV


Naglalakad kami ngayon na magba-barkada. Ngunit bigla kaming nahinto nang nakita namin sina Zera , Nicole at Anjie na tumakbo papalapit samin. Napansin ko naman na umiyak si Nicole habang hinahagod siya sa likod nina Zera at Anjie.


"Ace, sila Nicole 'yun, 'di ba?" Sabi ni Dark sabay turo kina habang ang tingin ko ay nasa kanila din.


"Bakit siya umiiyak?" Tanong ni Red. Nasa likod ko sina Red at Russell habang ang dalawa ay nasa gilid ko.


Ano kaya nangyari sakanya? Sino kaya ang nagpaiyak sakanya dahil papatayin ko.


Shit! Ayukong makita si Nicole na umiyak sa harap ko. Ayukong makita ang mahal ko na nasasaktan. Oo, may gusto ako ni Nicole noon pa pero hindi niya alam.


No'ng papalapit na sila samin, bigla silang huminto nang nakita nila kami. Habang ako ay nakatingin lang kay Nicole, tumingin naman siya sakin. At imbis na lalagpasin nila kami, ay tumalikod sila at lumakad at kabilang direction.


Kaya agad akong tumakbo, sumunod naman ang apat. Para lang na harangan sila. Napahinto naman sila Nicole no'ng nasa harap na nila kami.


"Anong nangyari?" dahil sa galit ko, inis akong nagtanong sakanila, dahil lang sa imiyak si Nicole at galit ako kung sino man ang nagpapaiyak sakanya.


"Ace, pwede ba! 'Wag muna ngayon, wala akong gana para makipag usap sa inyo." sabi ni Nicole habang may kasamang hikbi. Bigla namang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Wala siyang gana para makipag usap sakin?


Aalis sana siya nang agad kong hinawakan ang kamay niya, para lang pigilan siya.


"Nicole," tawag ko at pinunasan ang luha niya na pumatak sa pisngi niya. Gamit ang dalawang kamay ko. "Bakit ka umiiyak?" Pag-alalang tanong ko.


Tumingin naman siya sakin at inalis ang kamay ko sa pagka-hawak ng pisngi niya. Nagulat naman ako do'n.


"Pwede ba! Wala nga akong gana para makipag usap sa inyo at lalo na ikaw!" Tinuro niya ako. "Pabayaan niyo muna ako gusto ko mapag-isa!" Galit niyang sabi at tumakbo sa kabilang direction. Napakuyom nalang ako ng kamao, susundan sana siya nang pinigilan ako ni Zera at Anjie.


"Hayaan mo muna siya, Ace. Lalo 'yan magalit sayo kapag sinundan mo," Sabi ni Zera habang ako ay nakatingin parin kay Nicole na tumakbo papalayo, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa lumiko siya. Napayuko nalang ako at humarap kina Zera at Anjie.



"Ano ba talaga ang nangyayari?" Tanong ko ulit sakanila. Hindi naman sila sumagot at hinintay ko sila na magsalita.



"Si Mitch kasi, siya lang naman ang dahilan kung bakit umiyak si Nicole." Pahiwatig ni Anjie.


"Pinahiya niya kasi si Nicole sa harap ng mga estudyante sa library. Gusto ko tuloy sapakin 'yung babaeng 'yun, eh. Kainis!" Sabi ni Zera.


Hayop na Mitch na 'yun. Pwes, humanda ka sakin Mitch. Ikaw lang naman pala ang may kakagawan ng ito. Papatayin talaga kita.


"Asan ngayon si Mitch?" Tiim bagang kong tanong habang kinuyom ang kamao ko.


"Nasa library siya. Ano namang balak mo, Ace?" Tanong ni Anjie.


"Wala kang pakialam!" Inis kong sabi at tumalikod sakanila patungo sa library. Batid kong sumunod sila sakin. Hayop siya! Pinahiya? Pwes, siya naman ang pahihiyain ko ngayon.


Nang makarating kami sa library ay agad kong sinipa ang pintoan dahilan upang napatingin sakin ang estudyante. Agad kong hinanap sa paningin ang babaeng pinuntahan ko dito at nang makita ko siya ay agad ko siyang tiningnan ng masama.


Sa mukha niya palang, parang takot na siya. Pansin kong napalunok ito.


"Hoy, babaeng pangit! Hayop ka! Pinahiya mo si Nicole! Sino ka para gawin sakanya 'yun?!" Sigaw ko. Yumuko lang naman siya at napansin ko naman na tumayo ang bakla at humarap sakin.


"Gago ka ba o sadyang bobo lang? Hindi mo pa alam ang mga nangyari dito, pero kung makapag salita ka 'kala mo kung sinong siga! Hoy, lalaking baog! Ma's hayop ka pa! Si Nicole lang naman ang nag umpisa ng lahat. Nanahimik lang si Mitch dito! Anong paki mo kung pinahiya ni Mitch si Nicole? Buti lang naman sakanya 'yun, eh. Kasi siya lang naman ang nag- pasimuno dito!" Taray na sabi ng bakla. Bigla namang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya kaya agad ko siyang sinakal.


Lahat ng mga estudyante dito ay nagulat sa ginawa ko at napasinghap. Inis kong tiningnan ang bakla na ngayon ay nahihirapan ng mag-salita. Maging si Mitch ay nagulat sa ginawa ko at mabilis siyang tumayo.



"Ano ba! Bitawan mo nga siya!" Pigil ni Mitch sakin. Ngunit hindi ko siya pinansin.


"Ang tulis ng bibig mo!" Sigaw ko at pabato siyang binitawan kaya agad niyang hinabol ang hininga at umuubo pa habang nakahawak sa leeg.


Napahiga naman siya sa sahig kaya agad siyang inilalang tumayo ni Mitch. Ayuko sa lahat ang kinakalaban ako.


"Tsk! Ano bang problema mo, Ace?! Pumunta ka lang ba dito para mang-gulo?! Kung dahil ito sa ginawa ko kay Nicole, ang OA mo naman yatang maka-reak! Somu-sobra ka na, eh, 'no?! Kung maka-reak ka parang ikaw pa 'tong pinahiya, hindi naman! Sa susunod nga 'wag kang mag-mayabang, saka 'wag kang makisali sa gulo dahil labas ka na sa gulo namin ni Nicole!" Sigaw sakin ni Mitch.


Agad kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Tibay din talagang babaeng 'to. Alam niya talaga kung paano gisingin ang kasamaan ko. Walang hiya! Aakmang susutukin ko sana siya nang biglang nasalo ni Patrick ang kamao ko.


"Subukan mong saktan si Mitch, ako ang makakalaban mo, Ace." Pagbabantang sabi niya at padabog niyang binitawan ang kamao ko.


"Wala ka talagang magawa kundi ang maki-sawsaw, eh, 'no?"


"Bakit? Naki-sawsaw karin naman, ah? 'Di ba, labas ka na away ni Mitch at Nicole? Eh, ano 'tong ginagawa mo? Pabida ka din, eh!"


"Tsk! Baka naman sinusundan mo kami," singit ni Russell.


"Eh, saan niyo ba ako gustong pumunta? Syempre, kailangan ko din mag-study. Saka, nasa iisang paaralan tayo at malamang magtatagpo talaga ang Kansas natin ng wala sa oras kaya 'wag kayong mag-isip na sinusundan ko kayo." Mahinhin na saad ni Patrick. "Pwede ba sa susunod, 'wag kayong maging pabida sa paaralang ito? At 'wag kayong mag-expect na kayo na ang pinakamalakas na tao dito. Sayang lang din naman ang kagwapohan niyo kung hindi kayo mag-aral. Saka, 'wag niyong sasaktan ang babaeng ito.. dahil ako ang makakalaban mo."


Akala ko ba ipapahiya ko si Mitch? Bakit parang ako pa ang nahiya?


©Itsme_kwenny

To be continued..

The Nerd Pretender [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon