Chapter 31

499 19 0
                                    

Patrick POV


Hanggang nasa room parin ako ni Mr. Luke. Nakatayo parin sa harap nya. Iniisip ko kasi kung si Nicole ang maging Queen Bee, magagawa nya kaya ang mga dapat at tama sa paaralang ito? Maging malinis kaya ang paligid dito?


Kainis kasi ehh. Dapat ako ang pipili kung sino dahil alam ko kung sino lang magaling dito.


"Mr. Luke, pinapatawag niyo daw po ako."
Napalingon kaming dalawa ni Mr. Luke sa pinto at bumungad si Nicole.
Napatingin din sya sakin nong nakita nya ako at nakangiting lumapit. Sinundan ko sya ng tingin at tumabi sakin. Agad akong umiwas at dumistansya ng kunti upang hindi kami magkadikit, baka mahawa pa 'ko sa babaeng yan.


"Hi, my king." Ngiti nyang sabi at napakagat naman sya sa ibabang labi nya. Tinarayan ko nalang at umiwas.


Shit. Wala na bang iba dyan? Bakit si Nicole? Pwede naman kahit sino, 'wag lang ito.


"Well, are you guys ready for voting?"  Tanong ni Mr. Luke na ikinalilingon naming dalawa.


Voting lines? So may reserba? Babae o lalaki? Noon palang wala ng voting kasi kung sino ang napili yun na talaga, pero ngayon may reserba? So may ko-kontra kay Nicole o ako?


"Reserba? Mr. Luke, bakit may reserba pa? Kung si Patrick ang may reserba, wala akong pipiliin kundi siya lang!" sabi ni Nicole at hinawakan ang braso ko. Bigla akong nadiri don kaya agad kong tinanggal ang kamay nya. Napatingin naman sya sakin at nag-rolled eyes.


"No, Nicole. Ikaw ang may reserba." sabi ni Mr. Luke. Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi nya. Nagulat din si Nicole don kasi akala nya ako,  yun pala sya.
Sino kaya sya? Sana sya ang maging Queen Bee at hindi si Nicole.


"What?! Mr. Luke sabi mo si Patrick." Sigaw nya at halata sa tono ng boses nya ang galit.


"Nicole, wala akong sinabi." Sabi ni Mr. Luke.


"Sino po siya Mr. Luke?" Nakangiting sabi ko. Napansin ko naman na may kinuha si Mr. Luke na isang papel at tiningnan nya. Hanggang sa matapos sya at muling humarap sakin.


"Well, I think si Mitch." sabi ni Mr. Luke.
Bigla akong natuwa dahil sa sinabi nya. Sinabi ko na nga ba. Si Mitch eh.


"Ano?! 'Yung pangit na 'yun?!" sigaw ulit ni Nicole. Nagulat naman ako nang agad tumayo si Mr. Luke at bakas sa mukha nya ang galit.


"Nicole, hindi pangit si Mitch. Maganda siya kagaya mo, sexy kagaya mo, matapang!" sabi ni Mr. Luke.


Tsk! Mas maganda, hindi kagaya ni Nicole. Mas sexy, hindi kagaya ni Nicolea t Mas matapang... Yun ang dapat maging Queen Bee kasi yun ang hinahanap ko na attitude for being Queen Bee.


"Yes Mr. Luke, I'm here." Sabay-sabay kaming napalingon at bumungad si Mitch. Halos mapanganga ako sa itsura nya ngayon. Sobra nya palang ganda, kesa sa naging nerd sya.


"Oh, Mitch, halika." Sabi ni Mr. Luke. Lumapit naman sya kaya sinundan ko sya ng tingin at tumabi sakin. Sa kaliwa naman sya at si Nicole naman ay sa kanan.


Napatingin sya sakin at ngumiti saglit tsaka sya humarap kay Mr. Luke kaya tumingin na rin ako sa matanda.


"Tsk! Hindi naman maganda!" Rinig kong sabi ni Nicole, mahina lang yun pero malaki itong tenga ko kaya narinig ko.


The Nerd Pretender [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon