Nicole POV"Nakakainis talaga ang babaeng 'yun! Ang landing niya talaga!" Pang-gigigil kong sabi. Nandito kami ngayon sa Student Council kasama ko sina Zera at Anjie pati ang gangster na kasama rin namin si Red kanina kaso bigla syang nawala. Ewan ko kung saan yun pumunta. Bahala siya!
"Nicole, relax! May araw pa naman para makalaban mo siya." Sabi ni Russell na nakaupo sa isang couch. Napatingin naman ako sakanya.
"Tsk! Paano ako re-relax, Russ?! Eh, naunahan niya nga ako sa top ten, eh! Top seven lang ako!" Lintek na Mitch na 'yan! Simula nong dumating sya dito naagaw na nya ang lahat. Si Patrick, atensyon, kainis.
"At least nakuha ka, kesa sa wala." Sabi ni Zera na nakaupo sa may upoan sa gilid ng pintoan.
"Oo nga, girl," Sang-ayon naman ni Anjie.
Ah! Basta! Hindi ako titigil sa pag-aapi ko sakanya at soon, luluhod sya sa harapan ko dahil soon maging Queen of the Campus ako, and Patrick will be the King.Mitch POV
Agad ko syang sinampal kaya napahawak naman sya sa kanyang pisngi at muling tumingin sakin. Agad naman akong tumakbo. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Hindi naman ibig sabihin non na malandi ako, 'di ba? Baka makita kami ng estudyante at isipin nila na lumandi ako ni Patrick.
Eh, 'di ba dapat, hindi ako rumespondi kasi ayuko nang ganun, eh. Humalik lang na wala sa permeso ko. Mali, mali ito, eh. Pero, bakit kapag kasama ko si Patrick, feeling ko, safe ako. Tsaka iba ang mararamdaman ko kapag kasama ko s'ya.. Ano ba 'to? Ano ba 'tong pinasok ko?
Hanggang ngayon, takbo parin ako nang takbo. Hindi ko rin namalayan na kusa nang pumatak ang luha ko. Patungo ako ngayon sa Meadow Trees. Doon ko lang kasi mailabas ang sama ng loob.
Pagdating ko do'n, agad akong napahinto nang nakita ko na walang tao. Sobrang payapa. Sinimulan ko na ring lumakad at nagtungo sa may puno na malaki. Umupo ako don at sumandal sa kahoy.
Mararamdaman mo nalang ang simoy ng hangin dito. Sobrang tahimik, dito rin ako umupo no'ng nagsimula akong pumasok dito. Pinaghagisan pa 'ko na kung ano-ano. Walang hiya.
Napaluha nalang ako sa tuwing na alala ko ang mga araw na yun. Mas mabuti pang ipaalam ko na kay Bakse ang totoong ako.
"Oh," Napatingin naman ako sa may panyo at muling tumingin sa taong umabot sakin non at bumungad sakin si Red.
"Thank you," Sabi ko at tinanggap ang panyong binigay nya. Pinunas ko naman yun sa mukha ko at napansin kong umupo sya sa tabi ko kaya dumistansya ako ng kunti. Bumaling ulit ako sa paligid.
"Okay ka lang?" Pag-alalang tanong nya habang hindi nakatingin sakin.
"Hindi masyado. Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" Kalmado kong sabi at tumingin sakanya, pero nanatili parin syang nakatingin sa tanawin.
"Wala. Nagpapahangin lang kaso nalungkot ako ng kunti no'ng nakita kang umiyak." Sabi nya at tumingin sakin kaya agad nalang akong umiwas.
Ano bang nakain sa taong 'to.. Pareha lang sila ni Patrick palagi akong tinutukso. Ewan ko ba!
"Sino ba ang nagpa-iyak sayo? Bugbugin ko." Sabi nya. Napatawa naman ako ng kunti dahil sa sinabi nya. Grabe! Kaya nya kayang bugbugin si Patrick?
"Tsk! Talaga? 'Wag na baka ikaw pa ang talo!" Palabiro kong sabi. Bigla namang nawala ang ngiti nya at muling tumingin sa palagid.
Ang bait na nya. Gumaan ang loob ko.
Sino o ano kaya ang dahilan kung bakit sya nag-bago?"Ang ganda ng paligid, 'no?" Sabi nya.
Sasagot sana ako nang biglang umalan. Hayop!""Ay, naku! Ano ba 'yan!" Daing ko at dali-dali kaming tumayo, hanggang sa lumakas ang ulan at kumidlat. Gosh! Takot ako sa kidlat.
"Shit! Dammit!" Daing nya. Napahanap narin ang mata ko kung saan kami sisilong, hanggang sa ramdam ko na hinawakan ni Red and kamay ko.
"Tara! Doon tayo!" Sabi nya at hinila ako.
Agad kaming tumakbo at nagtungo sa lugar kung saan yun ang tinuro nya. Pagdating naming don agad kaming sumilong. Isa itong kubo na may puoan sa kaliwa at kanan."Ano ba 'yan! Kainis! Paulan-ulan pa kasi!" Reklamo ko at nilinis ang damit at bag ko. Napatingin na lang ako ni Red na nakatayo.
Hanggang ngayon malakas parin ang ulan. Parang kami lang yata ang tao dito sa lugar na 'to. Napahimas lang ako sa mga braso ko dahil sa lamig. Umulan kasi na may kasama pang hangin.
"Gamitin mo 'yan," Sabi nya. Nabigla naman ako nang nilagyan nya ng jocket ang likod ko. Naka-white t-shirt na lang siya ngayon pero hindi pa rin 'yun sapat dahil sobrang lami. Lalo na't medyo mabasa ang damit niya.
"Pa'no ka?" Tanong ko. Napatingin naman sya sakin at ngumiti.
"'Wag kang mag-alala, okay lang ako." Sabi nya.
"Kailangan mo rin 'to, eh!" Sabi ko at aakmang ibigay ko sana ang jocket kaso pinigilan nya 'ko.
"Mas kailangan mo 'yan. Magkakasakit ka niyan, sige ka!" Sabi nya. Oo nga naman. Kaya binalik ko ulit ang jocket sa likod ko. Inayos nya naman ang pagkalagay para komportable ako.
Tinanggap ko nalang dahil wala akong choice. Nilalamig na talaga ako, eh.
Naamoy ko rin ang pabango nya mula sa jocket nya na kulay red. Ang lamig parin kahit naka-jocket ako.Patrick POV
Nasa Canteen ako ngayon nagpapasilong habang dala-dala ko ang dalawang payong. Ibigay ko kay Mitch ang isa, kaso wala sya dito. Hindi ko rin alam kung saan sya nag-punta. Nagalit yata s'ya sakin dahil sa ginawa ko sakanya.
Hahanapin ko sana sya kaso sobrang malakas ang ulan. Gagamitin ko sana ang payong ko kaso parang wala akong balak na lumabas.
Napatingin ako sa hindi kalayoan nang nakita ko si Mitch na may red na jocket na nakapatong sa ulo nya, tatawagin ko sana nang makita ko na kasama nya pala si Red.
Biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa payong nong nakita ko sila na tumakbo, sinundan ko sila nang tingin, kaya naisipan kong itapon nalang ang dala-dala kong dalawang payong. Hindi naman pala yan kailangan ehh. Nag-aksaya pa 'ko ng oras para bilhin yan.
Kaya tumakbo nalang ako sa kabilang dereksyon upang lumabas sa paaralan at nagtungo sa sasakyan ko. Kainis!
©Itsme_kwenny
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Nerd Pretender [COMPLETED]
Teen Fiction"Try to be with me, You'll see the real Me!"