Chapter 22

548 24 0
                                    

Nandito ako ngayon sa clinic. Dinala ko kasi dito si Mitch dahil nagkakaroon sya ng malaking sugat sa braso. Kwento nya sakin, tinulak daw sya ni Nicole sa may bandang pako sa kinauupoan niya. Kaya sya nasugatan..



Ngayon, nasa harap nila ako, habang si Mitch ay nakaupo sa kama na ngayon ay namumutla at si doc Mizzy naman ay nasa harap nya.


"Ahh! Ang sakit!" Sigaw nya na ikinagulat ko. Nilagyan kasi ng alcohol ang braso nya kaya sya napasigaw sa sakit.


Kawawa naman. Mas mabuti pang ilayo muna sya kay Red, kasi felling ko may mangyaring masama sakanya kapag magkasama sila ni Red. Mukhang nagbago si Red ngayon, parang nakuha na nya ang loob ni Mitch. May gusto ba sya ni Mitch?


"Tiisin mo, ganyan talaga kapag nasasaktan. Masakit." Sabi ni doc Mizzy habang pinunasan ang braso nya.


Aba'y! Parang hugot yun, ah? Saan galing yun? Napatingin ako kay Mitch na ngayon ay nakatingin sakin ngunit agad naman siyang umiwas.


Hayy! Mga babae talaga. Mahiyain kapag ang mismong crush nya ay nakatingin sakanya agad agad nalang umiwas.. Like me. Masyado na ba akong gwapo para iwasan mo, Mitch? Baka may gusto ka na sakin hindi mo lang maamin.


Napatingin ako ulit sa braso nya na tinatakpan na ni Doc Mizzy nang cotton ang sugat nya at kumuha naman sya ng white scarf at pinabalot sa braso ni Mitch.


"'Yan. Sa susunod, mag-iingat ka na, ha?" Sabi ni Doc mizzy. Yumuko nalang si Mitch at tumango na nagsisilbing sagot nya.


"Oh, maiwan ko muna kayo saglit. Babalik ako ka'gad." Sabi ni doc Mizzy at bago sya umalis, tumingin muna sya kay Mitch at lumabas ng clinic.


Sinundan ko naman sya nang tingin hanggang na wala sya sa paningin ko. Tumingin ako ulit kay Mitch na nakayuko parin habang hinamas himas ang braso nya. Lumapit naman ako at tumabi sakanya. Napatitig ako sakanya saglit at napansin ko na may tumulong luha sa mata nya.


Agad kung hinanap sa paningin ko ang tissue para punasan ko ang luha niya , pero wala. Kaya naisipan kong kamay ko na lang ang magsisilbing pampunas sa mata niya nang wala akong mahanap na tissue.


Dahan-dahan ko namang inangat ang kamay ko hanggang sa mahawakan ko ang pisngi nya. Maingat kong pinunasan ang mga mata niyang puno ng lungkot. Dahan dahan kong inalis ang reading glasses niya at nang nagtama ang paningin namin ay ngumiti ako.


"Tahan na. Nasasaktan ako sa ginagawa mo." Malambing kong sabi habang nakangiti, para naman mapagaan ko ang loob nya. Hanggang kailan kaya ako aamin na mahal ko sya?


Napatingin naman sya sakin at napakonot noo na may luha pa ring pumatak sa mata nya kaya agad kong pinunasan 'yun.


"Huh?" Nagugulohan niyang sabihin na may malungkot na tuno ang boses.
Lihim naman akong tumawa.


"Wala. Sabi ko, tumahan ka na. Segi ka, papangit ka niyan... Ganda mo pa naman." Palabiro kong sabi. Pero yumuko lang sya at nalungkot. Nawala narin yung ngiti ko nong umiyak sya ulit.


Hayst! Kung lalambingin ko, wala namang epekto. Dapat bang nandyan ako parati sa tabi nya para hindi sya masaktan? Bakit kaya ganun? Kung nandyan ako sa tabi nya, parang walang masamang mangyayari. Tapos kung aalis ako, iyak naman ang bubungan sakin. Ayuko pa naman syang nakikitang nasasaktan o umiiyak.


"Sumusobra na kasi sila, eh. Ano ba ang naging kasalanan ko at bakit parati nila akong inaapi? Pangit ako? Porket hindi ako maganda? 'Yun ba? 'Yun ba ang naging kasalanan ko?" Sunod-sunod niyang tanong habang humihikbi.


"Hindi naman siguro sa ganun. Sadyang insecure lang talaga sila." Sabi ko. Kaya mas lalo syang umiyak dahil sa sinabi ko.


Hayop kasi yung mga gago at gaga na 'yun.
Pati ba naman si Mitch inaapi nila? Grabe! Sa dinami-dami ng babae dyan sa paligid, bakit si Mat pa? Mahal na mahal ko ito kaya kailangan ko syang protektahan.


"Kaya tumahan ka na. Sakin ka na lang sumama, sigurado akong safe ka." Pangiti kong sabi. Napaangat naman ang ulo nya at pinunasan yung luha. Namataan ko agad ang ngiti niya.



"Tsk! Corny mo. Tumigil ka na nga!" Patawa nyang sabi at sinuntok ako sa tyan.


"Aray," mahinang daing ko. Napatawa naman sya. "Yan! Buti ngumiti ka na. Lambing lang pala kailangan mo, 'no?" Dagdag ko pa. Napatigil naman sya.


"Hoy! Hindi, ah? Sadyang natuwa lang talaga ako sa mga sinasabi mo." sabi nya habang nakangiti. Lihim akong napatawa dahil sa mga kilos nya.


"Kunyari ka pa! Crush mo 'ko, 'no?" Panunukso ko na ikinagulat niya.
Nawala naman yung ngiti nya saglit.


"Hoy! Kapal mo, ah? Wala nga akong crush dito, eh. Baka ikaw ang may crush dito, 'no?" Tanong nya. Nagging seryoso naman yung mukha ko habang nakangiti.


Hindi ko na sinagot yung tanong nya dahil parang gusto KO na syang halikan. Dahan-dahan naman aakong lumapit sa mukha niya kaya napansin kong nawala ang ngiti niya.


Pero palapit parin nang palapit ang mukha KO sa mukha nya. Simula naring napapikit ang mata namin, hanggang sa nagtagbo ang mga labi namin. Hindi nagtagal, she respond my kiss.



©Itsme_kwenny

To be continued. . .

The Nerd Pretender [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon