Chapter 33

449 17 0
                                    

Nicole POV


Hanggang ngayon parami nang parami pa rin ang mga tao dito sa gym. Parang hindi na yata gym ito, eh. Parang palengke na.


Nasa kabilang side kami nang gym, kasama ko sina Zera at Anjie. Oo, nakalabas na si Zera kanina pa. Nagtaka nga ako, eh, kung bakit nahuli ang labas nya. Kasama ko rin ang apat na Gangster. Hindi na rin nagparamdam samin si Red. Mamatay sana ang mokong na 'yun.


Nakaupo ako ngayon sa may bakanting upoan katabi ko sina Zera at Anjie at yung apat ang nag-monitor sa voting papers ko.


Tudo silip kaming tatlo sa kabilang side namin at tiningnan sina Mitch na tudo busy. Napasabak na rin si Drake at James at Bakse at sila ang nag-monitor sa voting papers ni Mitch.


Tsk! Akala nya sya yung mananalo. Kahit ano pang gawin ng babaeng yan, talo parin sya. Akala nya maiisahan nya ako? Tsk! Mapasakin pa rin ang trono.


"Nicole, mukhang marami na ang bumoto kay Mitch. Parami nang parami ang paper list niya, oh." Sabi ni Anjie na ikinalingon ko sa kanya. Nakaupo sya ngayon at nasa harap ko, ganun din naman si Zera.


"Anjie, wala ka bang tiwala sakin? Syempre, hayaan natin 'yan kasi panalo na 'ko. Kahit anong laban pa. Tinignan mo 'yung paper list ko, oh!" kalmado kong sabi at tinuro ang paper list ko. Tumingin naman sya don.


"Mas marami pang bumoto sakin." Sabi ko at tumingin sa kanya. Lumingon naman sya sakin at tumango na lang kaya ngumiti ako at tumingin ulit nila Mitch. Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Segi fight kayo lang nang fight. Tutal ako naman ang mananalo, eh.


"Hoy, Nicole! 'Wag ka nang umasa kasi panalo na kaagad si Mitch!" Biglang dinalaw ako kagad ng galit. Napalingon ako sa hindi kalalayuan at uminit ang ulo ko kaya dahan-dahan naman akong tumayo.


"Anong sabi mo?"


"Tsk! Gaga talaga 'to." bulong nya sa kaibigan nya na kahit dinig na dinig ko. "Sayang ka talaga, 'no? Maganda ka sana kaso may sira ka sa tenga. Hindi mo ba narinig, ha?! Ang sabi ko, talo ka na!" dagdag pa nya. Lalo akong nagalit dahil sa sinabi nya. Tsk! Inulit mo pa talaga, ha.


"Inulit mo talaga, ha? Ito sayo!" daing ko habang papalapit sa dalaga. Agad ko siyang sinabunutan sa buhok. Napatingin naman ang mga estudyante dito sa loob at napaatras narin na para bang natatakot.


"Aray! Aray ko!" daing nya. Inawat narin kami ng mga kaibigan nya kaso walang epekto.


"Hayop ka talaga!" patuloy ko parin syang sinabunutan kahit pinigilan ako ni Zera at Anjie hanggang sa nagkalayo kaming dalawa.


Nakahawak naman si Zera sa mga kabilang braso ko at si Anjie naman ay nakaharang ang kamay nya sa tyan ko.


"Oh, ano? Sino na ang talo sating dalawa, ha?! Babae ka, papatayin talaga kita!" sigaw ko sakanya at pumi-piglas ako kaso parang malakas sila Zera at Anjie.


"Tama na, girl!" Bulong ni Zera sakin pero hindi ko nalang sya pinagkinggan.


"Aba! Bakit? Effected ka, 'no? Ang sabihin mo, talo ka na talaga! Bakit? Totoo naman, ah? Takot ka lang na matalo kaya ganyan ka maka-reak! Tsk!" sigaw nya sakin. Natahimik ako dahil sa sinabi nya. Pinigilan ko lang 'yung galit ko at agad naman silang umalis. Hanggang sa nakalabas na sila sa gym.


"Nicole, ito na 'yung results sa voting!"  Sabi ni Zera at nilahad nya ang isang paper sa harap ko kaya inis klng kinuha 'yun at tinignan 'yun isa-isa.


Halos mahuhulog na ang panga ko sa nabasa ko. Shit! Hindi pwede ito. Hindi dapat pweding manalo si MItch. Hindi pweding matalo ako.


Sa nabasa ko dito, mas lamang ang boto ni Mitch kaysa sakin. Five Thousand plus ang bumoto sa kanya habang sakin namin ay Three thousand plus lang. Yan ang nabasa ko mula dito. Napalokot ko ang paper at tinapon 'yun..



"Ahh!" sigaw ko. Napatakip tenga naman silang dalawa.


"Relax ka nga! Oh, anong plano mo?" takang tanong ni Anjie sakin.


"Sunugin niyo ang paper list ni Mitch!" Utos ko habang hindi nakatingin sakanila. Nabigla naman silang dalawa sa sinabi ko.


"Ano? Teka! Ibang idea na lang, 'wag 'yan! Medyo mahirap 'yan, eh!" reklamo ni Zera napalingon naman ako sakanya.


"Wala na 'kong ibang maisip. Kailangan kong manalo. Gawin niyo 'yun ngayong hapon." Sabi ko.


"Pero Nicole, saan namin susunogin 'yun? Walang private place dito!" Sabi ni Anjie. Lumingon naman ako sakanya.


"Sa likod ng gym. Nakaparada lahat ng paper list ni Mitch sa locker room. Sisiguradohin niyong walang makakita." Sabi ko kaya agad naman silang tumango.


Hayop ka talaga, Mitch! Inisahan mo talaga ako. Mula no'ng dumating ka dito, halos na sayo na ang lahat. Pwes, babawiin ko.


Zera POV


Nasa locker room kaming dalawa ni Anjie. Halos tahimik dito at walang tao. Dahan- dahan kaming naglalakad papunta sa may table at nakalagay doon lahat ng paper list ni Mitch.


"Oh, Ge. Dahan-dahan ka lang, 'wag kang maingay!" bulong ko kay Anjie. Tumango naman sya kaya patuloy kaming naglalakad at sinadyang hindi pinatunog ang talampakan ng sapatos namin.


"Oh, ayun!" Sabi ko at tinuro ang paper list ni MItch. Agad kaming nagtungo doon at ginalaw yung paper list. Agad naming kinuha ang ibang paper list.


Agad akong napatingin sa likod nang may narinig akong tunog. Agad akong kinabahan na baka sakaling may nakakita samin.


"May nakakita kaya satin?" konot noo kong tanong.


"Tsk! Pusa lang 'yun!" Sabi ni Anjie.
Kailan naman nagkakaroon ng pusa sa dito?


"Tara na! Siguro naman marami na 'to." Sabi ni Anjie habang dala-dala nya ang mga paper list ni MItch. Halos hindi na nya madala sa sobrang bigat.


Ginaya ko nman sya kaya dali-dali kaming lumabas ng locker room at nagtungo sa likod ng gym. Pero duda parin ako. Impossible namang pusa yun. May nakakita kaya samin?


Someone POV


Naglalakad ako ngayon papuntang locker room kukunin ko sana yung libro ko ngunit bigla akong napahinto nang nakita ko na nakabukas yung pinto sa locker room.


Dahan-dahan naman akong lumapit at sinilip sa loob. Impossible ding multo eh, noon palang bini-blessing na ito. Pagsilip ko, napalaki ang mata ko nang nakita ko si Zera at Anjie na pinagkalat-kalat ang paper list ni Mitch. Napatakip bibig naman ako..


Oh, shit! Anong balak nila? Oh, shit! Dapat malaman ni Mitch ito. Oh, shit! Anong gagawin ko? Sisigaw ba ako? Pipigilan ko
Ba sila? Oh, shit! Boto pa naman ako kay Mitch.


Bigla akong nagulat nang natumba yung trashcan. Hindi ko namalayan na napaatras na pala ako. Agad nalang akong tumakbo at papaalis sa paaralang ito. Ano kaya ang binabalak nila?


©Itsme_kwenny

To be continued...

The Nerd Pretender [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon