Chapter 13

626 19 0
                                    


Mitch POV

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Patrick.

Nasa may tapat kami ng dagat. Ewan ko kung bakit niya ako dinala dito. Hindi ko alam kung anong lugar ito, eh. Pero hanggang ngayon, nasa kotse niya parin kami nakaupo. Ako ay nakatingin sa kanya habang siya at nakatingin sa paligid.

"Lumabas ka na," Kalmado niyang sabi at inalis ang seatbelt sa dibdib niya at unang lumabas ng kotse, kaya naman agad din akong lumabas at lumapit sakanya na nakatayo at nakangiting natingin sa paligid.

"Anong klasing lugar ito?" Tanong ko ulit sakanya.

Napatingin ako sa dapat habang dinamdam ang hanging humahampas sa katawan ko. Ito 'yung tipong lugar na pampaalis ng sama ng loob.

Maganda ang tanawin dito. Matiwasay at kitang-kita mo ang malalaking buwan. Mapayakap ka nalang sa masarap na hangin.

"I miss her," Kalmado niyang sabi. Napatingin naman ako sakanya.

"Sino?"

"Lola ko. Palagi niya kasi akong dinadala dito, no'ng bata pa 'ko. Sobrang saya namin no'n. Palagi niya din akong kwentohan bago matulog, palagi niya akong yayakapin. Palagi niya akong hinahalikan sa noo.. kapag ma-init ang ulo ko. Kaso ngayon, wala na siya." malungkot niyang sabi.

"Kailan siya namatay?"

"No'ng birthday ko, sa pagtong-tong ko pa lang ng 5 years old. May sakit kasi siya na brain cancer, ayun biglang naputol. She's the best Lola I've ever known" kwento niya at tumingin sakin. Ngumiti naman siya kaya ngumiti din ako.

"Nasa'n ba ang mama mo?" Tanong ko.

"Nasa Canada siya, kasama si Daddy. Ako lang at mga kapatid ko ang naiwan dito sa pinas. Pero okay lang 'yun, naintindihan ko naman sila Mommy at Daddy kung bakit sila nandoon." Sabi niya.


Ang bait niya naman. Siya ang nagtatayong papa at mama sa bahay nila, kahit nandoon ang mga parents niya sa labas. Tudo kayud parin kahit mahirap.

Napatingin ako ulit sa paligid at pumikit. Nararamdaman ko 'yung mga hangin para bang yayakapin ka at unti-unti ko ring minulat ang mata ko.

"Sarap ng hangin, 'no? Pampawala ng galit," ngiting sabi ko at napayakap na din sa hangin. Napansin ko naman na mahina siyang tumawa. Kaya napatingin ako sakanya.

"Pero alam mo, Pat, nagpapasalamat parin ako dahil naging kaibigan kita. Nako! Kung hindi lang kita nakilala sa campus, bugbug sirado na ako. Laking pasasalamat ko dahil nandiyan ka parati sa tabi ko para ipagtanggol ako. Kahit pangit ako, pinapatulan mo parin." Pangiti kong sabi.
Napaatras naman ang ulo niya dahil sa sinabi ko.

"Hindi ka naman pangit, ah? Maganda ka nga, eh. Actually, ginawa ko 'yun kasi ayukong mangyari masama sayo." Sabi niya. Biglang lumiwanag naman ang kalooban ko dahil sa sinabi niya. Safe kasi ako kapag kasama ko siya.

"Ayy! Nga pala, bumalik na tayo sa school. Gusto ko pang kausapin si Red, eh."
Bigla namang nawala ang ngiti niya at napataas ang kilay niya.

"Bakit?!"

"Tungkol sa report natin kanina, hindi kasi ako pumasok, eh." Sabi ko. Siguro nagalit ang gagong 'yun kasi hindi ko man lang siya tinulongan kahit isa.

The Nerd Pretender [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon