Hi Guys, I just wanna share this to you.
This day is one of the most blessed days in my life. Oh well, every day is a blessing.
It's up to you if you wanna read it or not.
Thanks for supporting my story.
Hwaiting! <3
----------------------
Galing ako ng practice namen ng mga ka-grupo ko para sa project namen sa Geom at Trigo. Sobrang init, as in! Suot-suot ko ung pinagawa kong EXO shirt na may logo sa harap at may pangalan ng members sa likod. Natatakot pa nga akong madumihan at mangamoy pawis yun eh. Nag multi-cab na ako papuntang MOA.
Bago ako makapunta ng Concert Grounds, naligaw muna ako sa loob ng MOA. Nagpaikot-ikot lang ako sa loob. Buti na lang naka-high cut ako kundi magkakapaltos ako dahil sa anlayo ng nilakad ko.
Mga 3:30 na rin bago ko narating yung Concert Grounds. Noong hinahanap ko yung pila papunta ng Bronze area, ( Bronze kasi ticket ko), may narinig akong mga nagtitilian na mga fangirls sa likod ng stage. Edi lumapit ako at nakita kong sinisilip nila yung rehearsal ng EXO sa kapirasong space ng bukas na pintuan! Gosh, kahit sa malayo, super puti nila! Una kong nakita si Kris Duizhang, ampogi, antangkad..ang hot-hot nya :3 Tas sunod nakita ko yung buhok ni Luhan (aka Shaun Lobregat sa story) na kulay yellow? haha.. basta antingkad nung kulay. Tapos si Sehun Babes, sunod si Baekhyun, tapos si Daddy Suho...OMG.. Siya pinakamaputi sa lahat! Kada may makikita silang dadaan, aakyat o bababa ng stage, magtititlian kaming lahat. Kahit si Manager Oppar, titilian! HAHAHA.
Tapos may lumapit na camera ng ABS-CBN tapos tinanong kami kung anong group daw yung gusto namin tas sabi namin EXO. Pinakanta nya kami ng isang line sa song ng EXO, sabi ko MAMA. Kaso tatatlo lang kaming kumakanta kaya nakakahiya. Mahiyain kasi yung ibang fans eh. Kaya nagpasabi na lang siya ng "WE LOVE EXO". Sana maipalabas yun sa TV. Nasa harap pa naman ako.....CHOS!
Pagkatapos nun, pumila na ako sa Bronze, di ko akalaing dun pala sa malayo yung pila, halos mapunta na ng highway. Sumalampak lang ako dun habang hinihintay yung friend ko na isang Sone kasama yung pinsan niya. Nung nagkita kami, uber spazz kami sa todo-todong excitement!
Nagdecide kaming magCR nung friend ko na Sone. Habang naghahanap kami ng CR, madalas kaming nakakarinig ng mga malalakas na sigawan kaya pabalik-balik kami sa pila. Walang lang pala, Nagttroll lang pala yung mga fans sa mga dumadaan na mga sasakyan. Maski Ambulance, tinilian!
Mga 6:45 na kami nakapasok sa loob. Unti-unti nang napuno ng fans yung Bronze section. Noong simula nasa dulo kami, halos wala kaming makita. Matangkad naman ako...mga 5'3..ganon..HAHA.. pero kapurit lang yung nakikita ko. Nagkakatulakan kasi kaya napunta kami sa harap dun sa barricade ba yun..ewan..basta yung bakal na harang. Kaya nakahinga kami ng maluwag at nakita namin yung stage. Di naman pala kami ganoon kalayo pero nagrerequest yung mga fans na palipatin kami sa Silver section kasi maluwag dun.
Sinisigaw na ng mga tao ang EXO at GG...nakakaexcite sobra!
Unang nagperform ang Infinite. Gosh, bias group ko din sila. Nakita ko si Kim Myungsoo aka L aka si Kurt Alvarez sa Yaya and Me! <3 at si Lee Sungyeol..MYUNGYEOL FTW! . Ampopogi nila. Nakita ko rin ng live ang Scorpion Dance. Si Hoya ang madalas tinitilian ng fans. May humihiling pa ngang maghubad siya eh.Basta kinilig ako sa kanila!
Sunod ang Tasty. Ang cucute nila Daeryong at Soryong! Galing nilang sumayaw. Naamaze ako. Kaso parang ang iksi lang ng performance nila.
Tapos ang Ukiss. Kahit na antagal na nilang di nagpupunta dito, todo suporta parin ang fans.
Sumunod ang Tahiti. Bago lang sila pero ang galing nila. May mga fans na din sila.
Tapos ayan na....EXO naaaaaaa! Napakalakas ng tilian namin! Halos mabingi na yung bouncer sa harap ko. Grabe antagal sumisigaw nung mga tao. Remix ng K at M na Mama yung umpisa. Tapos Angel ng K. Tapos What is Love ng M. Tapos Two Moons, remix ng english at mandarin. Tapos Open Arms na nila D.O, Luhan, Baekhyun at Chen. Tapos Hawak Kamay...ang cute ng accent nila. Naghigh note pa si Chen ng matagal. Tapos huli yung History, remix din. Nagenglish at nagtagalog sila. Nakakakilig! Halos mangisay na ako. Parang sila yung may pinakamatagal na stage. Sila palang sulit na yung binayad ko!
Huli ang GG. Sobrang lakas ng sigawan! Sa kanila yung pinakamalakas. Ang gaganda nila! Nakakatulala!
Pagkatapos ng concert, kinapa ko yung bulsa ko. Nawawala yung cellphone ko! Nanlumo talaga ako. Tapos naligaw pa ako sa loob ng MOA..kakahanap sa SMX kung san kami magkikita ng parents ko. Baka 45 minutes din akong palaboy-laboy. Naririnig ko yung mga usapan ng mga tao,puro EXO.
Overall, natuwa talaga ako. Overflowing. Thank you kay LORD kasi napakagandang birthday present nito sakin (Kabirthday ko si Kai :3) at nakauwi ako ng ligtas. One of a kind experience ko to. Halos 1 year din akong naghintay at humiling na makita sila then BOOM, Wish granted. We are one talaga! I super mega duper totally absolutely love EXO! Sana bumalik sila ulit para magpapaVIP na ako.
Thank you Lord! Thank you Mommy and Daddy! Thank you EXO! <3 I love you all :*
Reese ^________^
BINABASA MO ANG
Yaya and I <3 (Ongoing)
HumorKung ang mga sikat na "and I" ay ang: Princess and I, The King and I, Baby and I, You and I at kung anu-ano pa. Basta ako, kahit hindi sikat, ipinagmamalaki ko siya! Kasi siya ang nag-iisang "yaya" ko. Ako si Shaun Lobregat, at may yaya akong mahal...