Pers Dey ni Yaya :D (Part 2)

118 2 2
                                    

(A/N: Presenting Bebe Kurt on the side. Ampogi!  

Book cover by YumRed. Ganda diba? Request na sa kanya! :3)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Dana's POV)

"Teka,ansakit na ng paa ko. San na ba ako pupunta?" Matapos akong ipagtabuyan ni SS (Sir Shaun for Short, HABA EH)  naglakad ako ng ke layo-layo. Sa totoo lang, hindi naman ako takot kay SS eh. Pwede naman akong dumirecho uwi na lang at magsumbong kay Mam Vanessa. Kaso, ayoko lang na pers dey na pers dey ko, bad impression kagad ako sa kanya.

"San ba ang mall dito? SM..SM..." Tae, pinagtitinginan ako ng mga tao dito. Ang cute ng suot ko noh? Hay nako! 

Matapos ang 2 taong paglalakad, este, 2 oras. Narating ko na ang mahiwagang SM. Huwooo, basang-basa ng pawis yung yaya uniform ko. Mukha tuloy umiiyak si Bambi :( Papunta na sana ako ng entrance ng bigla akong nakakita ng fangirls na nagkukumpulan sa labas. Omg! May artista ba? Haluuh, kinakabahan ata ako. Lumapit ako sa kanila.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaa! Baby ko."

"Omg, makikita ko na rin siya ng personal! Wah!"

"Ang pogi-pogi talaga niya"

"Papa Kurt!"

Hanudaw? Kurt? Wag mong sabihing nandito si.... Teka, baka ibang Kurt naman. Psh, bahala na nga. Nagsimula na akong maglakad papasok ng mall ng bumalik ako dahil nacurious talaga ako kung sino yung dadating. Haha.

"Ate, ano meron?" Tanong ko kay ateng parang medyo weird.

"Dadating...Dadating...Parating na siya..Ang lalaking titingalain ng sanlibutan. Ang magbibigay kapangyarihan sa atin! Salubungin natin siya!" Ahehehe.. Ano daw? Mey tililing ata toh eh. Di bale na nga.

"Uhm, excuse me? Sino po yung dadating na artista?" Kinalabit ko yung isang girl. Tinignan niya ako from head to toe.

"Fangirl ka teh? Mukhang di naman. Wag mo nang alamin! Agawin mo pa si Kurt samin. Diba Linny?" Sabay siko niya sa kasama niya na tinarayan din ako. "Oo nga!" Ano ba tong mga toh? Ganito na ba mga fans ng Kurt na yan! Aba, kapangalan niya pa ang asawa kong si Kurt. HMP! Baka panget yan kasing panget at sunget ng mga fans niya! Keber. 

Nilapitan ko si Ateng maputi, mahaba ang buhok at nakasuot ng shirt na WE

"Ah, Ate, Sorry ah.Sino po ang dadating? Ano pong meron? Hehehe." Nginitian niya ako. Ganda naman niya.

"Ahehe. Si Kurt ang dadating, may mall tour siya. Dito niya kasi illaunch yung bagong album niya na   Be Mine !" 

"Ah, sino pong Kurt? Hehe. Si Kurt Lance Bautista Alvarez po ba?!" Nanlalaki na yung mga mata ko.

"Tumpak mo teh!" Sagot niya.

"HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!" Sumigaw ako ng bonggang-bongga. Natahimik ang mga fans. 

*krukrukrukru* (Tunog ng mga kuliglig dahil sa katahimikan)

"Ahehehe.Sorry po!" Bumalik na rin ang kaingayan sa wakas.

Nagderp face ako kay Ate. Tumawa siya.

"Ahehe. Ang cute mo naman! Anong pangalan mo at bakit ganyan ang suot mo?" Tanong niya sakin.

"Ako po si Dana Cruz Salas. 17 years old. Isa po akong katulong,kasambahay,maid,yaya at alipin.HAHAHA. At mahal na mahal ko si Kurt. Siya ang buhay ko. Naku kung alam ko lang na pupunta pala si Kurt Baby dito edi sana dinala ko na yung bagong hukay kong baul na may lamang albums, picture, CD,Dibidi at iba pang paraphernalia at pinapirmahan! Nako, sorry ang haba ng kwento ko! First time ko kasing nagkaroon ng friend dito sa Maynila eh. Ikaw?" Narration ko xD

"Ah, Ako si Marie Jang. Isa po akong Half-Korean at Half-Filipino. 19 years old na ako. Ako yung President ng Fanclub ni Kurt na Kurtsers. Welcome to the Club!" 

"Talaga? Wow. Para ka palang breed ng aso! hahaha. Ako din, Half-Half! Half-Hampas Half-Lupa! HAHAHAHAHAHAH."

Nagkwentuhan lang kami ng may biglang dumating na magarang kotse sa tapat ng entrance. Automatic namang nagsitakbuhan kaming mga fans at hinarang sila ng mga guard. Ganito ba kalakas ang impact ng lalaking to saken? 

Pumasok na kami sa loob ng fanmeeting venue. Taray! Dapat nga hindi ako kasama kasi ang plano ko lang naman ay mamili ng bintana at tsaka wala nga akong album as ticket para makapasok eh. Sadyang malakas lang tong kasama ko, Kurtsers President eh! BD

Sa kalagitnaan ng performance ng asawa ko, nakaramdam ako ng something.

"Dana, Huy! Ayos ka lang? Tumutulo na laway mo. Hahah."  Uy,wag green! xD 

"Haaa? Ang h-hot kasi eh. Ehehehe," Sabay punas ng laway. Yuck!

Di nagtagal natapos na ang performance niyang Be Mine, ayan na! Fansigning na! Makaka face-to-face ko na si Baby :">

Ay.

Wala nga pala akong album. 

Maski papel at bolpen, wala. :(

Yaya and I <3 (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon