(Dana's POV)
Naiwan parin akong tulala sa hagdan pagkatapos vumroom-vroom ni SS papunta kung saanman.
After mga ilang milliseconds, nahimasmasan din naman akech at bumalik na sa kwarto, humiga sa kama at nagmuni-muni:
"Kyaaaaaaaa! Anong nangyariiiii? Bakit? Bakit kami nagkatitigan ni Sir Shaun? Huhuhu. Ano yun? Kenekeleg nemen eke enebe beh!"
Lagot ka kay Bebe Kurt, Dana! Huhuntingin ka nun hahah.
Wait wait! Kinikilabutan ako! Waaaah. First time yun nangyari sa buong buhay kong nagkatitigan kami ng isang gwapong nilalang na katulad niya kasi iba parin talaga kung magkakatititigan kami ni Bebe Kurt sa personal hihi na sa kasawiang palad hindi natuloy nung fanmeeting </3. Tsaka uy! Ang gwapo pala ni SS pagmalapitan? Kasi pagtuwing kinakausap ko siya, kundi niya ako pag-iikutan ng mata (whut?) e di niya ako titignan na para bang may kausap akong invisible creature dyan. Hmp.
Bahala nga siya, akala mo kung sinong boss siya. Bhoszcx ba siya?
Ay teka nga lang sandali,
Bigla akong napaupo sa kinahihigaan ko, "DI BA GROUNDED SI SIR? HALA! PATAY! Ba't ko ba hinayaang umalis yun? Anong gagawin ko? Umaygas. I'm so ungas~ Pagagalitan ako ni Sir Martin niyan!" Nanlaki ang aking mga mapupungay na mga mata," ANONG GAGAWIN KO?" at nagising ang noo'y inaantok ko nang diwa.
Dali! Kailangan ko ng SOS! Dali-dali akong lumabas ng kwarto at kinatok ang kwarto ni Manang Lita na kasalukuyang... umiiyak?
"Oh, Hi Manang Lita. Umiiyak po ba kayo? Naghiwa po ba kayo ng maraming sibuyas o nagbalat ng maraming patatas?" Shocked na tanong ko, with :O face.
"Ha, hindi ah. Eto talagang batang 'to. Nanonood kasi ako netong Forbidden Love. Nakakaiyak lang," Sagot niya sabay punas ng luha.
"Hala! Oo nga pala! Forbidden Love nga pala! Wala kasi akong TV sa kwarto eh. Ano na pong nangyari? Nalaman na po ba ng mga magulang ni Sandy na sila parin po ni Nikolas?"
"Ano ka ba! Ang tagal ng alam! Engaged na sila Nikolas at Victoraya.Magpapakasal na sila bukas at ipinapakiusap na ni Sandy kay Nikolas kung mahal pa siya nito, wag na niyang pakasalan yung impaktita na yun!"
"Talaga po?" Ah..eh... pwede pong makinood?" hihi ^-^V eksayted nako. huhu. Tagal ko nang di nasusubaybayan yung drama ni Kurt hubby, di nako makarelate :(
"Osya, pasok ka."
"Idol na idol mo talaga yang si Kurt Alvarez eh no?" Tanong niya.
"Oo naman po! Alam niyo po ba na siya ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko? Siya lang naman ang mapapangasawa ko sa pyutyur! Tapos magkakaanak kami ng kasingdami ng isang soccer team na mga gwapo at magaganda. Mga artistahin! hahaha." Pagsasalaysay ko nang dream fantasy ko.
Hindi ko napansing nanonood din ang aking nemesis, sole enemy, competitor, antagonist kong si Margaret Dy-Cagandahan aka Ate Noh, nang bigla niya akong kinausap,
"Oy, Danita. Anong ginagawa mo dito noh? Dis-oras na ng gabi . Nang-iistorbo ka eh noh!" Pagtataray niya. What a nice greeting!
"Ay sorry po. Makikinood lang po sana ng ForbLove." Heh. Siya nga gabing-gabi na, putok na putok pa yung blush on! Matutulog na lang may kulay pa yung mukha. Taray ah!
"Hmmmmp." Muling pagsusungit niya. Naku, Isa pa, bibigwasan ko na to!
Hindi naman kalakihan ang tv sa kwarto nila, pwede na rin para makita ko hubby ko diba? ahihihi. Commercial na nung bigla akong tinanong ni Manang Lita.
"Dana, akala ko ba may sasabihin ka at naparito ka sa kwarto namin."
"Ha? Ah. Eh.. wala po yun. Gusto ko lang pong makita si Kurt," Napadalawang-isip ako. Tama ba na di ko sabihin na gumora si SS nang grounded siya at di alam ng mga tao dito bukod sakin? Kinakabahan ako. Pano kung tanggalin ako sa trabaho? Nakakaisang linggo pa lang ako. Wala pakong natatanggap ni isang datung.
Napabuntong hininga ako. Sige, pero last na 'to. Kawawa naman si Ser eh, nagrerebelde talaga siguro yun?
Alam niyo ba yung feeling na gustong-gusto ko na talagang isumbong yan si SS? Pano ba naman gabi-gabi na lang as in gabi-gabi na lang (ay unli?) sinusundo siya nung Jeys.. Jeys ba yun? Jays?J's? Ay ewan! Basta yung kaibigan niyang PPSS (Prinitong Papa na Sinawsaw sa Suka) hahaha joke! Yung bronze-colored na kaibigan niyang poging-pogi sa sarili gamit yung black niyang kotse, yung parang kay Batman? Sarap siguro makisakay dun?
Tapos dahil acting tutor nga ako ni Ser, pagka-uwi niya galing school tutulungan ko agad siya sa mga homeworks at projects niya.
Aba! Pagsasarhan ba naman ako ng pinto sabay sabi ng infamous line niyang, "Get the f*ck out. I'm tired!" Kulang na lang gayahin ko na yung tono ng boses niya pagsinasabi niya yan eh. Chosera!
Naiintindihan ko naman si SS, ke lalaking tao niya, may yaya pa siyang katulad kong maganda't sexy! hahaha lol. Eh mas matanda pa nga yata yan sakin eh! Kung tutuusin, haler! AYOKO din namang mag-alaga ng masungit, mataray,supladong lalaking yan ah. Kung di lang siya pogi.. at hot, di ko siya pagtitiyagaan.
Nasstress na kaya ako sa kanila ni Melody!
Kay gandang pangalan ang sarap pakinggan pero ubod naman ng taray yang batang yan! Di ko nga alam kung san nahugot nung magkapatid na yan yung kasungitan nila at pagnakikita ako.
Wala eh. Trabaho ko 'to. Dapat kong pagtiisan kung sabagay, ayos na rin tong ginagawa ko, di masyadong nakakapagod.
(Shaun's POV)
Jace got me out of the dungeon successfully. Surprisingly, that yaya did not stop me. Hah. We drove to Rion's condo, may magpapainom daw. Guess who?
Edi si Kurt, yung bestfriend kong artista. Mataas daw ratings eh. Well, what do you expect from the company that handles him? Bigtime.
"Hey bros!" Bati ni ko kanila Rion, James, Sieg, Warren at siyempre kay Kurt.
"Oh Shaun buti nakarating ka. We heard you're grounded?" Tanong ni Sieg, ang tropa kong mahaba ang baba, magilagid at ubod ng tangkad.
"Well, Jacey got me out on time!" Sabay shrug."Ano namang trip mo, Alvarez?" Turning my attention to my friend.
"Uh. It's payday?" Sagot niya.
We laughed and drank and enjoyed until morning.
Jace drove me home, but because of drunkenness, he parked his car in our backyard and slept. We didn't even bother to get off the car.
I woke up at the sound of Jace's alarm.
"Sorry, dude." He apologized, massaging his head.
"Shit." Headache.
I squirmed my body facing the window.
"Double shit!"
My eyes grew large when I saw 9 pairs of eyes staring at us from the outside, except from Dad who is fuming with anger and Dana, whose face cannot be painted.
I'm doomed. Geez.
BINABASA MO ANG
Yaya and I <3 (Ongoing)
HumorKung ang mga sikat na "and I" ay ang: Princess and I, The King and I, Baby and I, You and I at kung anu-ano pa. Basta ako, kahit hindi sikat, ipinagmamalaki ko siya! Kasi siya ang nag-iisang "yaya" ko. Ako si Shaun Lobregat, at may yaya akong mahal...