Chapter 20: Goodbye

13 5 0
                                    

INSIDE MIND (THE EXPERIMENT)

Harvey’s POV

Required bang masaktan kapag nagmamahal? Required bang makaramdam ng sakit kapag nagmamahal? Required kayang kailangan mo munang lumuha bago mawala ung sakit at pait kapag nagmamahal? Pero itong karanasan ko, mas masahol pa sa masaktan dahil iniwan. Nasaktan ako dahil halimaw pa ang kumuha sa kaniya.

Wala na yung babaeng kalate-night talk ko dati. Wala na yung babaeng bumubuo ng araw man o gabi ko. Wala na yung babaeng ilang beses ako iniligtas dahil mawawalan siya ng gwapong nilalang na katulad ko. Wala na yung babaeng laging kabiruan ko. Wala na yung babaeng nagsusubo ng pagkain kapag nagtatampo ako. Wala na yung babaeng tumanggap kung sino ako. At wala na yung babaeng nagmahal sa akin ng buong-buo.

Hindi ko pa siya Girlfriend o ano man. Sadyang malalim lang talaga pinagsamahan naming dalawa.

Dapat pala niligawan at sinuyo ko na siya para siguro naman ay
magkaroon kami ng label. Wala e. Kinuha s’ya. Nakakadurog ng puso na kailangan kunin yung pinakamamahal mo na nagpapasaya sa’yo ng walang paalam.

Sa marahas na pangyayari pa siya kinuha. At alam kong sa mga matang iyon na humihingi siya ng tulong, pero ako…wala akong nagawa.

Hindi ko man lang natupad ang pangako kong, ako naman ang poprotekta sa kaniya. Ang hina ko naman. Napakahina ko naman dahil luha lang ang kaya kong ibigay samantalang siya, kaya niyang ipusta sa kamatayan ang buhay niya.

Bumagsak ang isang butil ng luha mula sa aking mata sa relong hawak ko ngayon. Huling bagay na binigay niya. Pinunasan ko ang luhang iyon.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo. Tulog ang mga kaibigan ko habang nakasandal sila sa pader at ako lang ang tanging gising dito. Nasa kapilya parin kame.

Gusto na naming lumabas sa impeyernong eskwelahan na ito pero wala kaming magawa.
Bumukas ang pintuan na nagkulong sa amin dito. Sumilay ang isang napakaliwanag na ilaw na nagbibigay sakit sa aking mata. Hinarang ko ang aking kamay
sa pagitan ng ilaw at dahan-dahang lumakad papunta roon.

Lumingon ako sa aking likuran.

“Shayne! Dave! Trynyty! Jwyneth! BJ! Gising na dyan…makakalabas na tayo” saad ko sa aking mga kaibigan pero wala at baon sila sa pagkakawalang malay kasama ang maraming estudyante.

“Vey…” Napalingon ako sa liwanag kung saan nanggaling ang boses. Kumunot ang aking noo dahil parang may kahawig itong boses

“Harvey” isang tawag muli nito.
Lumagpas na ako sa pintuan at unti-unting nag-adjust ang aking mata sa liwanag na iyon. Nakita ko kung kanino nanggaling ang tinig na iyon. Sa babaeng nakatalikod na nasa puting kasootan. Pinalalamutian ng mga masasamyong bulaklak ang kanyang ulo at buhok. Boi ang ganda niya.

“Dianne, ikaw ba ‘yan?” Tanong ko nalang. Ang liwanag! Pero alam kong siya iyon. Oo ang mala-alon niyang bohok. Mala-kulay rosas na mga cheekbone. At ang labing mas pinatitingkad ang kaniyang kagandahan.

Tumakbo siya palayo sa akin ng may nakalolokong tawa. Napatingin ako sa paligid. Bakit ganito? Napalilibutan ako ng pader. Mula sa pintuan ay may daang pasilyo na may nagtataasang pader na nakapalibot dito. At ang mga pader na iyon ay napalalamutian din ng mga halamang baging na may bulaklak na kulay asul at puti.

Kumaliwa siya sa dulo ng deretchong pasilyong ito. Kasabay noon ang mabagal na paghawi ng hangin sa kanyang bohok at puting kasootan. Sinundan ko siya paroon.

“Ian” tawag n’ya sa ikalawang pangalan ko. Jusko baka sunod nito middle initial ko na o
kaya middle name ko na.

Potaena! Maleee. Surname agad. Napahawak ako sa sintido ko. Nang nasa dulo na rin ako ng pasilyong ito ay kumaliwa na rin ako. Sa susunod na pasilyo ay may maikli ang sukat ngunit mas malawak naman. Siguro tatlong sukat ng taba na ni Zeus ang kasya
dito. Napatawa ako sa isip-isip ko. Hayp na utak to. Makasalanan.

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon