Chapter 14: Under Drugs?

17 8 0
                                    

Harvey's POV

POOOOOOOTANGGGG IIIINAAAAAAAAA!

Lumabis yata pagka-atras ko mga boi. Bwiset na poste 'yan haharang-harang.

Nabunggo ako at nadulas. Tumama tuloy ng malakas ung pang-upo ko.

Yung center of weight ko nasa pwet ko, ito tuloy ang napuruhan.

Inayos ko nang mabilis ang salamin ko mula sa pagkakagulo upang makita kung totoo nga ba ang nakita ko sa madilim na parteng iyon.

Lumabas ito na may nakalolokong mga tingin. Naaninagan ko na yung mukha niya.

"Angelo...?"

Kinusot-kusot ko pa ung mata ko at pinunasan maigi ung salamin ko, namalik mata lang ako, walang kulay ang mga mata niya. At dahil sa katangahan ko nakatingin tuloy siya na parang gusto akong tawanan.

"Tarantado ka boi tinakot mo ko...Kala ko demonyo amp!"

"Tarantado ka rin, katakot-takot ba tong mukhang 'to?" saad niya.

"Oo dami mong craters sa mukha hahaha" pang-aasar ko. Binigyan ko rin siya ng nakalolokong pagtawa.

"Mabaog ka sanang hayop ka."

Pinagpag ko yung sarili ko at mabilis siyang pumaroon sa gawi ko.

He gave me a hand to help me lift myself. Nang hawak niya na ang braso ko saka n'ya binitawan ulit.
May pagkatuso rin 'tong hayop na to e!

"'Pag ako nakahanap ng tyempo, bwiset kang gago ka!" pagbabanta ko.

"Let see" paghahamon niya.

Nang makatayo ako, namilipit ako konti sa sakit dahil sa dulot nung biglaan kong

pagkaupo sa semento. Ang sakit, parang yung muscle ko sa pwet halos namimintig. Yong tipong parang pinulikat. Nang mawala konti yung kirot ay hinabol ko ang hinayupak.

Kapag nahabol ko 'to iisa-isahin kong tanggalin mga bulbol nito sa binti.

Iika-ika ako sa pagtakbo. 'Di ko talaga siya maabutan kung ganito ang kalagayan ko. Kinginers!

Nandun lang siya sa harap ng principal office at patuloy sa pang-aasar sa akin.

"Ano sabi mo?" wika nya

"Di kita marinig e"

"Ha? Hakdog" patuloy siya sa pang-aasar at ginagaya niya ung nakagawian ko ng pag-huh? sa mga nakakasalamuha ko.

'Di na kasi ako nakaririnig sa kanang bahagi ng tenga ko. Nag-malfunction na since

Elementary ako. Namatay na kasi yung mga hearing nerves sa loob kaya ayun. 'Di na ko nakariring at puro ugong nalang. 'Di naman applicable sa akin ang hearing aid since as I mentioned patay na nga ang nerves.

Parating na ko kung nasaan si Angelo (Gelo) nang bigla kong nakita ang pamilyar na nagbi-blink-blink na ilaw. Nahinto rin si Angelo sa pang-aasar. Mamaya ka sa akin Gelo.

Dumako ang tingin ko kung kanino yung pamilyar na ilaw na yun. Nang tuluyan ko nang makita kung saan nanggagaling ang ilaw, napabalikwas ako sa tuwa ng makita ko si Dianne.

Nakasandal lang siya sa pader sa lobby malapit sa accounting. Mapag-isa, bago 'to ahh.

Nai-stress kaya siya sa mga nangyayari?

Paika-ika akong lumakad papunta kung nasaan siya. Nakasandal lang siya roon habang taimtim na nakapikit ang mga mata n'ya. Parang malalim ang iniisip.

Kelan pa kaya siya naging ganito? Parang ang layo niya na sa babaeng nakilala ko. Hinawakan ko yung mga kamay niya at kusa naman siya dumilat.

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon