Chapter 70: The Judgement

5 2 0
                                    

The feud has begun inside a court reinforced by one Hearing Officer who will make the final decision at the end of this hearing to make up the case.

Kumuha ang Director ng tagapagtanggol ni Damoz sa kasong ito na bihasa sa pagbabaliktad at pagbibigay sa katanungang maaring maging sangkap para matalo ang taga-usig na siyang magdidiin kay Damoz sa kasong ito. Gagawin ng Director ang lahat para maitago ang lahat. Sadyang nabigyan ng atensyon ang kasong ito na dapat ang ginagawa nalang ng Director ay mabura ang memorya nila Angel Ann at lalong-lalo na si Matheo.

Sa kasong ito, ang nasasakdal na si Damoz ay katabi ng kaniyang tagapagtanggol,habang ang taga-usig naman ay kahilera nila sa kanilang harapan na siyang
magpapaamin kay Damoz sa tunay na nangyari.

Kinewento ni Matheo ang lahat sa taga-usig upang malaman nito ang mga bagay na kailangan niya upang maipanalo ang laban.

Tumayo at nagsalita na sa harapan ng husgado ang taga-usig upang malaman at mabuo mula sa simula ang mga maaaring nangyari.

"Ika-labing anim ng Setyembre, Lunes, tumakas ang isang lalaking nagngangalang Mark (Matheo) sa kaniyang silid-aralan upang makaalis panandali dahil ibig nitong pumunta sa canteen at makakain dahil hindi pa ito nag-aagahan. Sa mga oras na iyon wala siyang pera para makabili, kung kaya't pumunta siya sa faculty room upang humingi ng pera sa kuya niyang nagngangalang Marcuz Jones na isang guro ng institusyon. Pagdating niya sa faculty, wala siyang naabutan dito, ngunit may
nakabukas na isang lagusan pababa. Tinunton niya ito at nakapasok sa hindi inaasahang
pagtitipon ng mga guro. Ang nasabing pagtitipon ay patungkol sa isang academic dishonesty na kinasangkutan ni Mr. Marcuz at ni Ms. Clarisse na silang magkasama sa isang research study. Tumakbo ang mga pangyayari sa loob, hanggang sa hindi inaasahang pangyayari ang umusbong, biglang may putok ng baril ang umalingawngaw at ang mga balang iyon ay tumama at pumatay kay Mr. Marcuz. Ang salarin ay walang iba kundi ang taong may spiral na birthmark sa likod ng kamay na nagngangalang Damoz."
Pagtatapos sa paunang pahayag ng taga-usig.

Nagulat ang Director bagkus hindi niya alam na may kapatid pala si Marcuz, at yuon na nga si Matheo. Hindi rin nito inaasahan na naroon si Matheo sa pangyayaring
iyon at napakatibay ng ebidensyang iyon kung magiging epektibo ang testimonyang iyon. Tumayo na ang tagapagtanggol ng nasasakdal upang sabihin ang paunang pahayag din nito.

"Mr. Hearing officer..." pagkuha nito sa atensyon ng Hearing Officer. "Ang nasasakdal ay walang kinalaman sa mga akusasyon ng binatang nagngangalang Mark
(Matheo). Ang ebidensyang nagsasabing may balat sa kamay ang nasasakdal ay tila ba kahina-hinala bagkus may posibilidad na sa dami-rami ng populasyon ng institusyon, tiyak na may dalawampu't pitong porsyento na magkapareho ang balat sa iba, maaring sa laki, hugis at kulay. Kung ang nasasakdal nga ang siyang pumatay sa tinutukoy nilang Marcuz Jones, may bagay na dokumento o sabihin na natin, ang baril na ginamit sa pagpaslang ay ipakita ng kabilang panig."

Kumpyansa ang tagapagtanggol dahil mahina ang ebidensya ng tagapag-usig. Nakabase lamang ito sa mga oral testimony dahil matagal na ang nangyari at hindi na nila mababalikan ang mismong crime scene dahil delikado sa taas.

"... Hindi kaya, ang lalaking nagngangalang Mark (Matheo) ay gumagawa lamang ng alibi upang mayroon itong masisi sa pagkamatay ng kuya nito, ngunit ang katotohanan ay namatay ang kuya niya bagkus itinurok nito sa kaniya ang serum na naglalaman ng genes na hindi naging compatible dito kung kaya't naging nakakatakot itong halimaw. Ito ang patunay na ginamit ang syringe." Habang hawak nito ang syringe
na nasa loob ng isang zip bag bilang ebidensya.

Ang direktor lamang ang gumawa ng paraan para mabalikan ang crime scene at na-recover ang syringe na nagamit ng araw na
iyon. Napangiti ng masama ang tagapagtanggol dahil hindi na maipinta ang mukha ng taga-usig.

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon