CHAPTER 1
Greycko's POV
"FINALLLY!! Makakapasok ka na sa Dren Academy!!", sabi ng Ate kong si Czereen Jung na parang nagbubunyi dahil sa Dren Academy ako ililipat ng walang hiyang principal na at the same time, PINSAN kong si PRINCIPAL FRAGO MONTGOMERY, pamangkin ng mama ko.
Malamang, tinawagan ng palakang si Frago. Hindi naman mukhang palaka si Frago pero dahil lang sa pangalan nya.. tss
"Kasalanan ng palakang Frago na yun. Ililipat pa ako sa Nerd Academy na yun. Langya talaga.", sabi ko habang kinakain ang isang gallon ng ice cream.
"Grey, dun nanggaling lahat ng angkan ng Jung at Montgomery including me, si Frog-O at sina mama, papa at si Kuya Jared. Now look at us, we're a professionals.", sabi ni ate at napagtingin nalang ako sa kanya.
Tama naman si Ate Czereen. Instant successful sila dahil lahat sila graduated sa Dren Academy. Ako lang ang ayaw dun. Napapalibutan ako ng mga nerds. Yun ang sinasabi nina Brent na nakakatakot. Ayaw kasi nila sa nerds but me? Sanay na ako. My family is composed of NERDS. Jungs and Montgomerys certified NERDS. I was belong to a nerd family and all of them are graduated sa Dren Academy. Ako lang ang pasaway.
I think, tinadhana akong pumasok doon. Kung hindi lang sa palakang yun. Tsss
Oo nga pala. Di pa ako nagpapakilala. I'm Greycko Jung. Half Korean and Half Filipino. Yun lang..
[A/N: Suplado po talaga si Greycko.]
Klaire's POV
Dito na mag-aaral si Greycko Jung dito sa Dren Academy kasama ang walo nyang kaibigan?
Hindi ko naman pinapanwalaan ang sinabi sa akin ni Marie pero masaya akong malaman na dito na si Greycko mag-aaral.
Ang dati kong kaibigan.
Ano na kaya ang itsura nun?
Bata pa kasi kami nung naging kaibigan ko sya at nung pumunta na sila sa Korea ay wala na kaming koneksyon sa isa't-isa. Wala na rin akong balita sa kanila.
Sana maalala pa ako ni Greycko.
I'm Klaire Kaitleen Ramos. Isang nerd. Wala kasi akong ginagawa kung hindi mag-aral ng mabuti, maglaro ng chess, magpiano, magbabasa ng pocketbooks kaya nanlabo ang paningin ko simula nung 9 years old ako.
Sabi ni Greycko sa akin, pangarap nyang mag-aral sa Dren Academy dahil dun raw nagtapos ang angkan nila. Sabi nya, isang school-for-nerds ang school kaya minabuti kong dun na mag-aral dahil isa na akong nerd.
Sana magkita na kami ni Greycko.
Greycko's POV
Habang nakaupo ako sa sofa namin ay may napansin akong photo album sa may photo album section na may pangalang...
'GJ&KK'
Dahil nacurious naman ako, kinuha ko ang photo album at umupo ulit ako sa sofa.
Nakita ko ang mga pictures ko na may kasamang nakasalamin na batang babae.
Napangiti ako nung naaalala ko sya.
Si KK.
Ang kababata ko na di ko alam kung nasaan.
10 years old ako nun at 9 years old sya nung kinunan ito.
Kumusta na kaya si KK?
Sana mahanap ko sya.
"YIEE~~ Nagpaflashback si mahal kong kapatid sa past nila ni KK.", pang-aasar ni Ate Czereen sa akin.
"Wala kang pakialam.", sabi ko na nakasimangot.
"Alam ko ang meaning ng KK.", sabi ni ate at tumalikod na sa akin at naglakad na.
Alam nya ang ibig sabihin ng KK?
"Sandali lang Ate.", pagpigil ko sa at humarap siya sa akin.
"Alam kong interesado ka. Hahaha... Well ang ibig sabihin ng pangalan ni KK ay Klaire Kaitleen. Hindi ko natatandaan kung ano ang lastname nya. Alam ko lang, nasa Dren Academy sya nag-aaral ngayon. Aalis na ako. May book signing pa kasi ako.", sabi niya at umalis na. Ang ate ko ay isang author ng mga
Klaire Kaitleen?
May clue na ako kung paano sya hahanapin at parang masaya ako sa ginawa ng palaka kong pinsan na itapon kami sa Dren Academy.
Makikita parin kita, KK.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
A/N: Mukhang lame ng pagkakatype ko, mukhang maraming typos at medyo di mahaba. Hahaha, anyways, sina Greycko at Klaire ang bida dito. Si Greycko ay hindi kabilang sa nerd-hater kasi gaya ng sabi nya, kabilang sya sa angkan ng mga nerds. Hope y'all enjoy and sana magustuhan nyo. Okay lang kahit di ninyo i-vote at least I share my talent to everyone. Kamsa~~
❤️❤️Selene Byun❤️❤️
BINABASA MO ANG
Dren Academy: School for Nerds (ON-GOING)
Teen FictionDren Academy Kung akalain ay pangalan ng isang lalake pero pag binaligtad, magiging NERD Academy. Tama ang nabasa niyo. Paaralan ng mga NERDS. Yung naka salamin at weird manamit. Dito sila nababagay. #DrenAcademy