CHAPTER 2

3 1 0
                                    

CHAPTER 2


Greycko's POV

Ngayon lang ako namumroblema sa ginawa ng pinsan kong si Frago.

Baka mahalata ng mga kaibigan ko na marunong akong makibagay sa mga nerds. Asarin pa nila ako na isa akong nerd. Well, nerd naman ako even iniba ko lang itsura ko.

Mas mabuti pang tawagan ko si Kuya Jared. I really need his help for this situation.

Tatawagan ko na sana si Kuya nung nakita ko sya kasama si Ate Czereen.

"Ang aga mo ata, Grey.", tanong ni Kuya Jared sa akin.

"Kuya, hindi mo ba alam na drinop-out ni Palaka (Frago) si Grey at inilipat sa Dren Academy?", sabi ni ate habang napangiti.

Ngumiti naman si kuya at,

"Finally!! Alam mo ba na maganda doon kesa school na pinasukan mo na Trono University?", sabi ni Kuya at tumango nalang ako.

"Well, magpapasalamat ako kay Frago sa pagdrop-out nya sayo.", sabi ni Kuya. Umalis muna sa sala si Ate Czereen at pumunta sa kusina.

"That's my problem Kuya.", sabi ko nung naalala ko ang problema ko.

"What is it?", takang tanong nya.

"Kuya, I really need you help.", sabi ko at nagulat sya. Maski si Ate  Czereen nagulat na galing pang kusina kasi may dala syang tray ng snacks.

Okay. Ang OA nila. Di naman pero minsan lang ako humihingi ng tulong sa kanila o ngayon lang.

"Wow!! For the first time! Humihingi ng tulong si Greycko Jung. Ano ang pwede kong maitulong, bunso kong kapatid?", tanong ni kuya sa akin. Si ate ay inihanda ang snacks sa table.

"Alam kong kilala nyo ang head ng Dren Academy at kailangan kong itago ang pagkatao ko sa mga peke kong kaibigan na hindi ginagamit ang tunay kong pangalan pero ang marking ng grades ko ay under my real name.", sabi ko at ngumisi silang dalawa.

"Yep. Matutulongan ka namin ni Czereen in one condition.", sabi ni Kuya Jared na nakangisi parin.

Don't tell me--- sana di yun.

"What is it?", tanong ko.

"You have to change your style. From being bad boy to a lame nerd.", sabi ni Ate Czereen.

Tama nga ako.

"Fine.", wala naman akong magagawa. I really need the help of my siblings.

"YES!/YEHEY!", sigaw ng dalawa. Nagbubunyi dahil mapapasuot na nila ako ng nerdy outfit, braces, and thick eyeglasses.

Kulang nalang confetti. Tss

Tumigil na sila nung sinamaan ko sila ng tingin.

"Actually kilalang-kilala natin ang headmistress ng Dren Academy at yun ay si Tita Leizeen Deuxer-Montgomery, ang mommy ni Frago at asawa ni Tito Claeorl (Kle-yorl) Montgomery na kapatid ng mama natin na si Pollyana Montgomery-Jung na asawa na papa natin na si Trevor Jung.", sabi ni Ate Czereen at napanganga nalang ako.

Kailangan pa bang sabihin na mama ni Frago si Tita Leireen, asawa ni Tita Leizeen si Tito Claeorl na kapatid ni mama na asawa ni papa?

"Oo alam ko yan, Czereen Jung.", inis na sabi ko.

"Galit na yan, Czereen.", sabi ni Kuya Jared at nagpout nalang si Ate Czereen.

"Si Tita Leizeen lang ang bahala sa lahat at alam mo namang paborito ka ni Tito Claeorl at Tita Leizeen kaya dun ka muna titira sa kanila at magpanggab bilang pamangkin ni Tita Leizeen. Ikaw na ang bahala sa pangalan mo at si Tita na ang bahala sa lastname mo. Inaasahan ni Tita Leizeen na sabihin mo yan sa amin at sana pumayag ka.", sabi ni Kuya Jared.

Wala naman akong magagawa.

"If yan lang ang paraan para matago si Greycko Jung, papayag na ako.", sabi ko at ngumiti silang dalawa.

"So, ano na ang pangalan mo if ever?", excited na tanong ni Ate Czereen.

Mmm... pangalan ko?

I came up a one name.

"Ang pangalan ko ay B___ H____.", sabi ko at ngumiti sila.

"Nice name. Sige, tatawagan ko nalang si Tita sa apilyedo mo.", sabi ni kuya at tumalikod na.

Sana tama ang desisyon ko.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

A/N: Hala! Hahaha... surprise muna yung pangalan ni Grey. Yung 'B' na may tatlong '_' at 'H' na may apat na '_'. Hmm... ano kaya ang name niya? Yung gustong manghula, hulaan nyo na.. hahaha.. Well, I think next chapter na ang pagpasok nya sa D.A. (Dren Academy) at next chapter na marereveal ang fake name ni Greycko.

Hope y'all enjoy and support this story. Kamsahamnida. Xie Xie Ni.

❤️❤️Selene Byun❤️❤️

Dren Academy: School for Nerds (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon