Trainees of the Combat II

89 3 2
                                    

Sinikatan ng araw ang magandang balahibo ng Griffin habang nililipad ito ng hangin... kumikinang sa ganda...

Inikot namin ang paligid para makahanap ng isang malaking papel pero hindi pala ganun kadaling kontrolin ang animan sa pagpapalipad. Nagbabago bago pa rin kasi ang nararamdaman ko kapag nakikita ko kung gano na kami kataas. Nakakalula dahil hindi ako sanay. Ito ang naging dahilan para gumewang gewang paminsan minsan ang lipad namin.

Sumunod na nakapagpalipad si Alexiares, yung pinakabata samin, pero kahit sya ay nahihirapan ding kumontrol.

Alam kong hindi sya magpapatalo kaya binilisan ko ang paghanap sa malaking papel. Inikot namin ang bundok na parati naming tinatakbuhan hanggang sa makarating kami sa kapatagan na pinagdausan ng seremonya.

Nang medyo bumaba ang lipad namin ay may naaninag akong puting papel malapit sa may malaking bato na naging entablado noon. Sa tabi nun ay may isang Aegis kasama ang Griffin din nyang animan na naghihintay at nakatingala samin. Sila siguro ang maninigurong nakatama nga kami at ang makakalaban namin dito sa himpapawid. Ang akala ko, ang pagpapahinto ang pinakamadaling parte ng pagpapalipad. Nagkamali na naman ako.

Pano ko ipaparamdam sa kanya na hihinto muna kami dito sa taas? Pano kung hindi nya ulit maintindihan? At imbes na huminto kami dito sa taas ay huminto kami dun sa baba? Mali. Mali. Mali. Mali. Hindi ako dapat makaramdam ng pagkalito at kawalan ng kasiguraduhan o kawalan ng tiwala sa kanya dahil baka hindi ko na naman sya mapalipad.

Kailangan ko lang kumalma at gawin ang ginawa ko kanina...

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko habang lumilipad kami nang paikot ikot sa taas katapat ng nakita naming papel.

'Pakiramdaman mo ang nararamdaman ko.
Gusto kong matamaan ng palaso ang papel na nasa baba.
Tulungan mo 'ko.
Hindi ko alam kung pano iparamdam sayo ang huminto.
Nagtitiwala ako sayo.'

Inisip ko ang hitsura ng papel kasama ang nakabantay na Aegis at pinakiramdaman ang paghawak ko sa pana.

Pagkatapos nun ay nilakasan ko ang konsentrasyon ko sa papel na nasa baba at hinawakan na ang pana. Idinilat ko na ang mata ko at maya maya lang ay naramdaman kong tumigil nga sa paglipad ang Griffin at nasa ere pa rin kami.

Bigla syang lumipad pataas at kumaliwa ng kaunti.

'Bakit?'

Nilibot ko ang tingin ko. Pinapagaspas pa rin nya ang pakpak nya para hindi kami bumagsak. Ipinosisyon ko na ang kamay ko sa pana. Kumaliwa ulit sya. Ilang saglit lang ay pumaitaas ulit sya. Nagtaka nako sa ginagawa nya. Hindi ko iyon inutos pero bakit nya ginagawa?

Ibinaba ko muna ang kamay ko. Hindi pwedeng basta basta nalang ako titira dahil dalawa lang ang palaso ko. Kailangan ko munang maintindihan ang ginagawa nya.

Humangin ng malakas at ipinagaspas nya ulit ng mas malakas ang mga pakpak nya at pumaitaas ulit. Hindi kaya pumupwesto sya para sa pagpana? Kasi nung humangin, ipinagaspas nya ang pakpak nya para magiba ng direksyon ang hangin pagkatapos ay pumaitaas sya para maiwasan ang malakas na ihip nito. Kung ganun, naghahanda rin sya sa pagtira ko. Naiintindihan nya nga talaga ako... at ako nalang ang hinihintay nya.

Ngumiti ako. Muling kong ipinosisyon ang pana. Kailangan kong gawin to ng tama. Meron lang akong dalawang pagkakataon. Hindi ko to pwedeng sayangin.

Hinila ko na ang busog o ang arko ng pana at may nakakasa na ditong palaso. Itinaas ko na ang braso ko at ipinantay sa mukha ko ang kabilang kamay na kumokontrol sa higpit at magiging lakas ng palaso. Pinikit ko ang isang mata at tinitigan ang papel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revival of a Titan MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon