Mahal na mahal kita anak."Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Nangingnig ang kamay ko habang hawak hawak ang papel. Pilit kong iniisip ang ibig sabihin ng mga nakasulat nang marinig ko si Apollo.
“Galateia?" nasa may sala sya kaya agad kong itinago sa bulsa ang sulat bago pa nya ako makita dito. Tumayo agad ako ng makita nya nako.
“Naisip kong dito ka pupunta, anong ginagawa mo dyan?" tanong nya.
“A... Ahm. Wal-- wala. Tiningnan ko lang yung mga gamit na natira. Ano, may nakita kayo?" tanong ko.
“Wala.. Wala ng mga human dito. Mga bangkay ng ilang animan na lang ang natira. Si Athen na ang nagsabi sa mga Aegis tungkol dun. Ikaw may nakita ka?"
Hinawakan ko yung sulat na nasa bulsa ko. Sasabihin ko ba sa kanya?
“Wala.." tinanggal ko na ang pagkakahawak ko sa bulsa. Mas makabubuti siguro kung hindi ko sasabihin. “Wala na rin akong nakita, tara na. Umalis na tayo dito," dugtong ko.
Lumabas na kami ng bahay. Bago pa kami tuluyang makalayo ay nilingon ko ito sa huling pagkakataon. Napapaisip pa rin sa sulat na nabasa ko at sa mga maaaring lihim na nakatago dito.
---
Nang matapos kami sa paghahanap ay tumulong na din kami sa paglilinis ng mga adamas. Dahil wala kaming animan ay yung mga kasing laki lang namin na tipak ang naililigpit namin. Lahat ng mga gadambuhalang laki ay ang mga Aegis na ang naglilinis.
Malapit kami sa may tarangkahan kaya rinig na rinig namin ang mga ungol ng mga animan at ang mga dagundong galing sa mga naglalabang mga Aegis at Maiandros.
“Naririnig nyo ba yun?" tanong ko sa kanilang dalawa habang pilit naming tinutulak yung malaking tipak.
“Kanina ko pa yun napapansin, gustong gusto ko na ngang makita eh. Hindi ko pa sila nakikitang lumalaban," sagot ni Apollo na may halong pagkasabik sa tono ng boses.
“Delikado dun. Mamaya madamay pa tayo dun. Atsaka hindi yun ang nakaatas na gawain satin. Gusto nyo bang mapagalitan?" sabi naman ni Athen.
“Oo nga naman Apollo. Bakit ba hindi ka kasi makapaghintay na maging isa na talaga sa kanila?" sinabi ko sa kanya.
“Sisilipin lang naman. Itong mga to. Masyado naman kayong masunurin," sagot nya sabay lingon sa may likuran kung nasaan ang tarangkahan. Pero hindi pa rin nya ito makikita dahil sa mga malalaking tipak ng adamas na nakaharang.
Lulubog na ang araw kaya minabuti naming bumalik na pero ang mga Aegis na nakikipaglaban ay nandun pa rin. Hindi ko man lang sila nakitang nagpahinga. O kahit tumigil man lang ng ilang sandali. Walang oras na hindi ko narinig ang mga sunod sunod na pagdagundong.
Habang naglalakad na kami pabalik ay nadaanan ko sa isang gilid ang bata na kasama din naming baguhan. Nakatingin lang sya sa bahay na nasa tapat nya. Napaisip ako kung anong ginagawa nya at magisa lang sya dun kaya nilapitan ko sya. Hindi napansin nila Athen na tumigil ako sandali kaya nagpatuloy pa rin sila sa paglakad.
“Nasan ang mga kasama mo? Halika na, bumalik na tayo," yaya ko sa kanya. Pero tiningnan lang nya ako.
“Palubog na ang araw, mapapagalitan tayo kung hindi tayo susunod," sinabi ko ulit. Pero binalik lang nya ang tingin sa bahay.
Umupo ako para pantayan ang taas nya. “Ayos ka lang ba? Yung mga kasama mo nasaan?" tanong ko ulit.
Ngayon ay tiningnan nya nako at nagsalita. “Nauna na sila," sagot nya. Isa syang batang lalaki at matinis pa ang boses nya.
BINABASA MO ANG
Revival of a Titan Myth
FantasíaIlang bilyong taon na ang nakalipas nang maganap ang isang makasaysayang alamat. Alamat na nagpapakita ng malabayaning pagganap ng mga animan at human laban sa pagkatalo ng malulupit at walang awang mga titan. Labindalawang titan na kinatakutan at k...