Introduction of the Myth

158 6 1
                                    

Nakarinig ka na ba ng isang alamat?

Isang dakilang alamat?

Kung hindi pa, hayaan mong ikwento ko sa'yo...

Ang mga pangyayari... ilang bilyong taon na ang nakararaan.

Ang mundo na..

Araw araw may malalakas na bagyo, pagkulog at pagkidlat.

Araw araw may walang tigil na lindol at pagyanig ng lupa.

Araw araw nababalutan ng maiitim na usok at makakapal na ulap ang langit.

Walang lugar para sa sikat ng araw.

Walang liwanag kundi ang mga apoy na nanggagaling sa ilalim ng lupa.

Walang ibang kulay ang makikita kundi itim, kulay abo, kulay ng apoy, kulay ng mga sunog na kahoy, madilim na kulay ng berde, madilim na asul, at kulay ng dumanak na dugo.

Walang lugar na malamig.

Kahit ang dagat ay mainit, kumukulong tubig.

Kahit ang mga ilog hindi matahimik, umaalon ng malalakas at kulay itim ang tubig.

Walang tigil ang pagdagundong ng daigdig. Walang kapayapaan saan mang panig.

Araw araw nababalutan ang mundo ng malalakas na ipo ipo. Walang tigil ang paghampas ng hangin sa mga puno.

Araw araw delubyo.

Araw araw magulo.

Araw araw impyerno ang mundo.

Yan ang mundong pinaghaharian ng mga titan.

Mundong ipinagkakait sa ibang nilalang.

Mga titan na isa lang sa tatlong lahing nailikha nang mabuo ang mundo--

Titan..
Animan..
Human..

Ang mga human ay ang kilala ngayong mga tao. May taglay silang talino at galing pagdating sa pagiisip ng mga ideya, taktika, at iba't ibang kaalaman na wala sa dalawa. Nasa kalikasan rin nila ang patuloy na paghahanap ng impormasyon. May kakayahan silang magparami at kung ikukumpara sa tatlo, sila ang may pinakamaraming bilang ngunit sila ang pinakamahina.

Ang mga animan ay ang mga halimaw na may katawang hayop o kung minsan ay pinagsama samang katawan ng iba ibang hayop. May kakayahan silang magisip pero hindi tulad ng pagiisip ng mga human. May taglay silang lakas na maihahalintulad sa lakas ng dalawampu't apat na leon. Ang taas nila ay umaabot sa tatlo hanggang dalawampung metro. Ilan sa mga uri nila ay tinatawag na: Cerberus, Cyclops, Pegasus, Dragons, Nemean lions, Hydra, Phoenix atbp.

At ang mga titan. Mga titan na tinaguriang pinakamalalakas, pinakamalalaki, pinakamakapangyarihan at mga nilalang na naghahasik ng dilim sa daigdig. May taas silang umaabot ng dalawandaang metro at may katawang mas matitibay pa sa dyamante o adamas.

Mga titan na may katawang sing init ng nagliliyab na bato at naglalabas ng usok na sing itim ng kawalan.

Mga titan na pinaniwalaang walang hanggan ang buhay.

Mga titan na walang ibang ginawa sa mga human at animan kundi kainin at paglaruan. Kainin ng kainin ng kainin. Paglalaruan pagkatapos ay kakainin. Ngunit kailanman ay hindi kinailangan ng katawan nito ang pagkain.

Labindalawang titan na bawat paghinga, bawat paggalaw ay kinatatakutan.

At sa labindalawang titan din matatagpuan ang pinakahari sa lahat ng mga naghahari, pinakamalakas sa lahat ng malalakas, pinakamakapangyarihan sa lahat ng makapangyarihan, pinakakinatatakutan sa lahat ng kinatatakutan at ang kaisa isang namuno sa mga titan at buong sandaigdigan. Walang iba kundi si KRONOS.

Revival of a Titan MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon