Glimpse of the Truth

86 2 0
                                    

     “Ngayon, gusto ko munang maintindihan nyo ang nangyayari at kumalma tayong lahat. Kailangan nyong tanggapin ang katotohanang isusubo sa inyo dahil kung hindi, buong lahi natin ang mamamatay. Alam ko kagulat gulat pero wala nang ibang teorya ang makakapagpaliwanag nito kundi ang naisulat na alamat ng ating mga ninuno."

Umupo kaming lahat sa malamig na batong kinatatayuan namin, dito sa ilalim ng lupa. Aabot siguro sa libo ang mga human na nandito, medyo siksikan. Si Kratos lang ang nakatayo at ang ibang Aegis of War.

     “Una, totoo ang mga halimaw na tinatawag na Titan. Totoo ang mga nakasaad sa alamat! Dahil dito maraming tanong ang naglabasan. Kung totoo nga ang nasa alamat, hindi ba dapat nakakulong sila? Bakit magisa lang ang nagpunta dito? Hindi ba't labingdalawa sila?

     Pangalawa, dahil nasira ang tarangkahan maraming Maiandros ang nakapasok, dahilan ng pagkamatay ng marami lalo na ang mga Aegis of the Capital dahil sa mga nagwala nilang animan. At dahil aabutin pa ng taon ang pagpapatayo ulit ng tarangkahan isang taon ding kaming oras oras makikipaglaban sa mga pilit na sumusugod na Maiandros. Syempre sa tulong din ng mga Aegis of the Gate. Ibig sabihin, mahalaga ang bawat pwersa na maidadagdag namin.

     At panghuli.. Siguro nagtataka kayo kung bakit kahit nagkakagulo na sa taas ay nandito pa rin kami, lalo na ako kasama ang aking animan na higit na kailangan sa pakikipaglaban sa nagiisang titan. Ito ay dahil....  umatras ang titan. Umalis sya at dirediretsong naglakad palabas ng tarangkahan."

Nung sinabi nya yun ay biglang lumakas ang mga bulungan. Lahat nagkaroon ng pagtatakang mukha. Isang titan? Aatras sa amin? Kahit na wala kaming kalaban laban? Ni hindi na sya nagatubiling pumunta dito. Anong ibig sabihin nun?

Lumingon ako sa kaliwa ko, katabi ko si Athen. Gulat lang din ang mukha nya, ganun din si Apollo na nasa may likuran naman nya.

     “HAAAAHH??!! ANONG IBIG SABIHIN NUN?!! WALA NA AKONG MAINTINDIHAN!!! BAKIT NAMAN SYA AATRAS??! PAGKATAPOS NYANG MANGGULO DITO, GANUN GANUN NALANG?!! HINDI NYO MAN LANG SUSUGURIN HABANG NAGIISA PA SYA!!!!" sigaw nung isang babae pagkatapos tumayo. Kasing edad ko lang yata sya at kulay ginto ang buhok nya.

Sumigaw din ang ibang mga nakaupo at sumangayon sa sinabi nya.

     “Kung ganun, hindi tayo ang totoong pakay nya," bulong ni Athen.

     “Huh?--" tanong ko sana kay Athen nang biglang sinuntok ni Kratos ang pader, dahilan para may maglaglagang buhangin. Sa lakas ng pagsuntok nito ay natahimik ang lahat.

     “TUMAHIMIK ANG LAHAT!! Hindi sagot sa mga tanong ang pagwawala at ang pagpapadala sa bugso ng damdamin!" Pagkatapos ay lumingon sya sa babaeng sumigaw kanina at naglakad papalapit. Tingin palang nya ay nakakatakot na.

     “Ituring mong unang pangaral sa taktika ang sasabihin ko sayo babaeng human...

     Una! Kahit na anong mangyari ay wag na wag kang susugod sa kalaban kung kahit isang bagay tungkol sa kanya ay wala kang alam.

     Pangalawa! Dapat matuto kang magtimbang ng mga bagay na isasakripisyo mo sa isang digmaan. Kung susugod kami para labanan ang titan, walang makikipaglaban sa mga Maiandros na nakapasok. Hindi lang kalahati ng populasyon natin ang mawawala pati ang kalahati ng mga sundalo sa Aegis of War ay mamamatay dahil sa wala pa tayong kaalam alam sa titan at nakita mo naman siguro kung gano kalakas ang isang hakbang palang nya hindi ba? Sa halip na sugurin ang titan ay mas mataas pa ang porsyento ng makakaligtas kung ilalaan ang bawat lakas namin sa mga dapat na iligtas tulad mo.

     Yun din ang dahilan kung bakit buhay ka pa hanggang ngayon."

Hindi lang yung babae ang natulala kay Kratos, kundi lahat kami. Hindi namin naisip ang ganung bagay at ganung anggulo ng sitwasyon. Napayuko lang ang iba dahil nahiya sila sa kinilos nila kanina. Isa syang magaling na mandirigma at sigurado akong marami pa kaming matututunan sa kanya.

Revival of a Titan MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon