Revival of the Myth

91 5 0
                                    

Galateia

Klaangg!

Klaangg!

Klaangg!

Napatigil ako sa paglilinis ng pinagkainan nang marinig ko ang kalambang ng kampana. Kailangan ko na agad lumabas. Dali dali akong tumakbo papunta ng pintuan palabas nang bigla akong sitahin ni ina.

"Papanoorin mo na naman sila Galateia?" tanong nya.

Dahan dahan ko syang nilingon. Nakita ko ang kulay kupas na pula nyang buhok na nakatali at nakasandal lang sa isang balikat. Ang makinis nyang balat at ang katamtamang laki ng kanyang katawan. Tuwing nakikita ko sya nakikita ko rin ang sarili ko. Katulad nya ay kulay kupas na pula rin ang aking buhok pero hindi ko kailanman itinali. Gustong gusto ko kasing nakikita ang bawat kurba ng hibla nito.

Ngunit tuwing nakikita ko sya ay naalala ko din kung pano nya pigilan ang mga pangarap ko.

Huminga ako ng malalim. "Payagan mo na'ko. Kahit ngayon lang. Papanoorin ko lang naman sila eh. Sandali lang yun. Babalik ako agad. Hindi ko naman kayo iiwan tulad ng ginawa ni ama eh," sagot ko sa kanya.

Sinabi ko yun dahil alam kong yun lang ang magpapakalma sa kanya. Ako nalang ang natitira nyang pamilya matapos kaming iwan ni ama sa di malamang dahilan. Yun din ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw nya akong pinapalabas ng bahay.

Ngumiti sya. "Alam ko. Sige na, mag iingat ka." Nginitian ko din sya at tumakbo na agad palabas.

Paglabas ko ay sumalubong agad sa akin ang sikat ng araw at maaliwalas na kalangitan.

Klaangg!

Tumunog ulit ang kampana. Ang kampanang humuhudyat na ang pinakamagigiting na sundalo ay nagbalik na ulit galing sa labas ng tarangkahang tinawag na Wall of Adamas. Binilisan ko na ng takbo. Baka hindi ko na sila maabutan.

Nang makarating ako sa may kaisa isang pintuan ng napakalaking tarangkahan ay sakto namang pagbukas nito. At sa dahan dahang pagbukas nito ay kasabay ng hiyawan ng lahat ng human na nagpunta rin dito para salubungin ang pagbabalik nila galing sa labas.

"Rwwooaaar!!!!" pagbati ng isa sa pinakamalakas na animan sa kasaysayan, ang Hydra. Ang Hydra ay may taas na umaabot ng labinlimang metro at may hitsurang maihahalintulad sa isang Dragon, mas marami nga lang ang ulo nito dahil sa tuwing pinuputol ito ay tinutubuan ito ng doble. Sya at ang amo nyang human na nakasakay sa kanya ang nangunguna sa paglakad.

Humiyaw din ako. Sila ang mga iniidolo kong Aegis of War o mga sundalo sa labas ng tarangkahan. Sila ang tanging Aegis na nakikipaglaban sa mga hindi makontrol na animan o Maiandros sa labas kaya't sila rin ang tinuring na pinakamagigiting. Sila din kasi ang mga sundalo na nakapagpaamo ng mga malalakas na animan tulad ng Hydra, Nemean Lion, Hellhound at marami pang iba.

Ang Aegis of the Gate naman ang sundalo na nagbabantay ng tarangkahan at ang nagsasabi sa mga Aegis of War kung may susugod na Maiandros. Isang uri lang ng animan ang kanilang napapaamo at ito ay ang Cerberus. Isang gahiganteng aso na may tatlong ulo. Ayon pa sa mga alamat, sila ang minsang nagbantay sa Underworld.

Ang Aegis of the Sea, mga sundalo namang nagbabantay sa palibot at sa gitna mismo ng karagatan na pinagkukuhaan namin ng mga pangangailangan sa labas ng tarangkahan. Sila din ang magsasabi sa mga Aegis of War kung may aatake sa may dagat. Isang uri lang din ng animan ang kanilang napapaamo at ito ay ang mga Cyclops. Isang malaking animan na may katawang tao at may taas na sampung metro at may isang malaking mata sa mukha.

Samantalang ang mga Aegis of the Sky naman ang mga sundalong nagpapatrol sa himpapawid at ang Pegasus lang ang kanilang napapaamo. Sila ay animan na may katawang kabayo at nagtataglay ng mga pakpak.

Revival of a Titan MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon