Prophecy of the Prophet

62 3 0
                                    

Ares

"Sigurado ka bang yun ang mas makakabuti sa kanila?" tanong ko kay Kratos habang naglalakad kami sa unang palapag ng gusaling gawa sa bato kung saan dadausin ang pagpupulong.

Pilit kong tinitingnan ang reaksyon nya pero mabilis sya maglakad at hindi sapat ang ilaw ng apoy galing sa mga sulo na nasa dingding para maaninag man lang ang anino ng ekspresyon nya.

"Para sa akin hindi, hindi kailanman mabuti ang magbigay ng maling pag-asa. Pero iyon ang iniutos ni Gorgon kaya hindi agad tayo makakatanggi," sagot nya. Bumilis pa ang lakad nya. Rinig na rinig ang tunog ng sandata nyang kumakalansing sa suot suot nyang pandigmang damit.

"Pero-"

Tumigil sya sa paglakad bago pa man ako makapagsalita at humarap sa akin.

"Mas maganda siguro kung hihintayin mo munang magumpisa ang pagpupulong bago mo isigaw ang opinyon mo Ares." Pagkatapos ay tiningnan nya ako ng may matalas na mata.

Tumigil nalang ako sa pagsalita at nagpatuloy na kami sa paglakad. Hanggang sa makarating kami sa silid kung saan gaganapin ang pagpupulong. Pagpasok namin ay nakaupo na ang lahat ng mga pinuno ng iba't ibang Aegis sa mga upuan na nakapalibot sa isang malaking pabilog na lamesang gawa din sa bato. Maliwanag ang paligid dahil sa mga sulo na nasa lamesa at sa mga nasa dingding.

"Kumpleto na ba tayo?" tanong ni Kratos habang paupo sa pwesto nya. Umupo na din ako sa upuan ko.

"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ng iba, mahuli lang sila ng dating ay sila na ang pinakamahalagang parte sa pagpupulong na to," biglang sabi ng kaisa isang babaeng pinuno sa mga Aegis. Sa paraan ng pananamit nya at sa tatak na nasa braso nya, sya ang pinuno ng Aegis of the Sky.

"May nais ka bang iparating sa amin Ourea?" tanong ni Kratos ng may nakakatakot na boses.

"Para sa pinunong pumayag sa iniutos ni Gorgon? Oo! Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan nyong pagmukhain sa lahat ng mga Aegis na ayos lang ang lahat! Eh kung sa totoo ay hindi naman! Tayo nga na pinuno ay nangangatog sa takot sa mga pwedeng mangyari tapos may panahon pa kayo para magdaos ng seremonya para sa mga baguhang Aegis?!" pabalang nyang sagot.

Nagbulungan at tumango ang ibang pinuno. Lumakas ang mga usap usapan nila.

"Tama sya Kratos, dapat ay naghahanda na tayo ng batalyon ngayon!" dagdag pa ni Erato na pinuno ng Aegis of the Gate.

"Hindi pa ba paghahanda ang ginagawa natin ngayon?" sagot naman ni Kratos.

Biglang sinuntok ni Ourea ang lamesa dahilan para humupa ang lumalakas na bulungan. Bigla syang tumayo sa kinauupuan nya at sumigaw.

"Bakit ba hindi mo maintindihan Kratos??!!--"

"Alin ang hindi maintindihan?"

Napatigil kami at napalingon sa may pinto kung saan nanggaling ang boses.. si Gorgo. Tumigil din si Ourea at padabog na umupo. Pati ang mga naguusap ay tumigil na din. Umayos kaming lahat ng upo.

Naglakad na si Gorgo papunta sa pinakamalaking upuan. Ang upuan ng pinakapinuno. Itinabi nya ang kanyang tungkod at itinuon ang atensyon sa amin. Tinitingnan kami isa isa sa mata.

"Naniniwala akong meron kayong nakahandang suhestyon sa mga maaring maging solusyon sa mga nangyayari ngayon.... kaya kayo nagpatawag ng pagpupulong hindi ba?" mahinahon nyang sabi.

Nagtaas ng kamay si Ourea. Nginitian sya ni Gorgo.

"Ourea, pinuno ng Aegis of the Sky, may nais ka bang sabihin?" tanong ni Gorgo.

Revival of a Titan MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon