Sa bayan ng Roselie ay mayroong isang Duke na may apat na anak, sina Raya, Rina, Rica, at ang bunso na anak ng duke na si Rosa na isang illegitmate daughter. Sa paningin ng mga pinamumunuan ng duke ay isang perpektong pamilya ang mayroon ang bahay ng Roselie, ngunit sa katotohanan ay inaapi ng naunang tatlong anak na babae ang bunsong si Rosa.
Kadalasang inaapi si Rosa ng kaniyang mga nakakatandang kapatid dahil ito ang paborito ng kanilang ama kahit na anak niya ito sa labas. Mas mahal kasi ng duke ang ina ni Rosa kaysa sa kaniyang legal na asawa. At dahil sa inggit ng tatlo kay Rosa ay inaapi at pinapahirapan nila ito sakanilang tahanan. At dahil sa depressyon at trauma na nabuo sa pagpapahirap kay Rosa ay nagsimula ring mamuo sa kaniyang isipan ang sakit sa isipan at maaari na rin siyang matawag na isang sociopath na kung saan ay nawalan siya ng awa at mas magaling sa panlilinlang ng mga tao. Dahil rin rito ay madalas na siyang nakakaramdam ng kagustuhang pumatay sa edad na labing tatlong gulang.
Lumipas ang limang na taon sa buhay ni Rosa ay palihim nitong inuubos ang mga kababaihan at kabataan sa bayan ng Roselie. At dahil sa kaakit-akit at napaka inosente nitong muka at kagandahan, ay ni minsan ay hindi manlang naghinala ang kaniyang pamilya na siya ang pumapatay sa mga biktima.
Inakala rin ng mga taga imbestiga na isang mangkukulam o isang hindi pangkaraniwang nilalang ang pumapatay sakanila dahil sa tuwing may pinapatay ito ay tinutubuan ng isang pulang bulaklak na sing kulay ng kaniyang pulang buhok at berdeng mata. Isang bulaklak na hindi pamilyar sakanila ngunti talaga naming kaakit-akit ang ganda nito ngunit nakakasugat rin dahil sa tinik sa tangkay nito kaya walang nag tangkang bunutin ang mga nakatanim na bulaklak sa dibdib ng mga biktima na siyang humigop ng dugo ng bangkay.
At nang dumating na ang ika labing walong kaarawan ng dalaga ay doon na niya naisipang biktimahin ang isa sa kaniyang mga kapatid. Inuna nito ang pangatlo na si Rica.
Bandang hapon ng alas tres ay nag iwan siya ng sulat sa silid ng kaniyang kapatid kung saan nakasulat ang pagiimbita sakaniya sa pinagkikitahan nila ng kaniyang kasintahan. At dahil hindi kabilang sa isang mayamang pamilya ang kaniyang kasintahan ay lihim ang kanilang pagkikita, ngunit dahil may mata sa paligid si Rosa ay madali niya lamang itong nahanap kaya ginamit niya ang pagkakataong iyon para isunod ang kaniyang nakakatandang kapatid.
Nakalagay sa sulat na sa oras ng hatinggabi sila magkikita ngunit walang nakasulat kung kanino ito galing, at dahil ang akala ni Rica na siya lamang ang may alam ng lugar na iyon at kaniyang kasintahan ay agad naman itong pumayag at pumunta sa kanilang tagpuan.
Sa hindi niya alam ay naroon pala si Rosa na tahimik na nagtatago sa likod ng isang puno kung saan nakatalikod si Rica. At nang makakuha na ng tiyempo ang bunso ay lumabas na ito sa kaniyang pinagtataguan na may hawak na sickle (isang pakalawit na patalim na ginagamit ng mga mandirigma) na handa nang ipang patay sa kapatid ngunit agad namang may pumigil sa kaniyang braso. At nang lumingon siya rito ay bumungad sakaniya ang kasintahan ng kaniyang kapatid. Si Detective Milo na siyang naatasan imbestigahan ang pagpatay na nagaganap sa kanilang bayan ng anim na taon.
"Rosa El Roselie, ikaw ay inaaresto sa salang pag tangkang pagpatay at pagpatay sa mga kababaihan at mga kabataan sa bayan ng Roselie, at hinahatulan ng kamatayan sa gitna ng bayan upang pagbayaran ang iyong mga kasalanan!" Mungkahi ng imbestigador at tsaka nagsilabasan ang mga kasamahan nito at sinimulang igapos ang dalaga.
Nag pumiglas pa ito ngunit sadyang mas malakas lang talaga sakaniya ang dalawang kawal na nakahawak sa kaniyang magkabilang braso at nakagapos rin ang kaniyang mga pulsuhan upang hindi na ito makapanlaban pa. Kinuha rin sakaniya ang kaniyang armas kaya wala na itong nagawa kundi magpumiglas na lamang at batuhin ng mga hindi kaaya-ayang mga kataga ang kaniyang kapatid at ang kasintahan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/181857276-288-k719704.jpg)
YOU ARE READING
GU writes random [COMPLETED]
CasualeThis book is composed of different stories with random genres... Yung iba scrip ng role play na project/performance task sa school Yung iba na-tripan kong gawin lang Yung iba mga kanta na gawa-gawa ko lang Yung iba individual activity sa klase Yung...