Chapter 2

55 2 0
                                    

Ang nakaraan...

Si kuya Kiyan ay isang magaling na henchman ng pamilya nang Yasaki noon. Eksperto siya sa martial arts, close encounter at grappling musmos pa lamang siya ay magaling na siya sa ganoong pamamaraan kaya naman siya ang nagturo ng ganoong estilo ng paglaban sa akin.

Noong una ang pag-kakaalam ko ang trabaho ni kuya ay bodyguard lamang sa isang sikat at mayaman na tao. Ngunit dahilan na rin sa mga nakakalulang sweldo nito, ay unti-unti akong nagduda. Sobra sobra ang kinikita ni kuya kumpara sa mga ibang mga higher ranks na empleyado.

Hanggang noong magsimula ako mag aral ng grade school sa isang ekslusibong paaralan ay doon ko nalaman ang lahat.

Nalaman ko ang lahat sa kabila ng aking musmos at murang pag iisip. Dahil noong nabunyag na ang kanyang lihim sa akin ay halos mabaliw ako.

Natuklasan ko ito habang sinusundo ako ni kuya sa likod ng aking paaralan. Sa paglapit niya sa akin ay kitang kita ko na may dalawang lalaking akmang pupuruhan siya. Ang isang lalaki ay sasaksakin siya at ang isa naman ay papaluin sya ng metal na baseball bat sa kanyang ulo habang siya ay nakatalikod. Ngunit sa awa ng diyos ay nakailag siya. At agad niyang hinatak ang ulo ng lalaking may hawak na patalim dahilan kung kaya't nabali ang leeg nito habang sinipa naman sa tiyan ang isa.

Rinig na rinig ko noon ang nabaling leeg ng lalaki na malinaw na rumehistro sa tenga ko. Hanggang ngayon ay di ko parin makalimutan ito. Animo'y marupok na kahoy ang tono.

Ni hindi pa nakuntento si kuya kaya naman ay kinuha niya ang patalim nito at pinag-sasaksak ang lalaki sa kung saan saan mang bahagi ng katawan.

At ang isang lalaki naman na may hawak na baseball bat naman na sinipa nya ay akma namang papaluin siyang muli. Ngunit agad na pinunit ni kuya ang tiyan nito gamit ang patalim. Kitang kita ko ang paglabas ng bituka at ng pulang likido sa tiyan ng lalaki. Hindi nilubayan ni kuya ang lalaki. Kaya naman pinulot nya ang baseball bat at pinag papalo sa ulo ito, hanggang sumirit ang dugo.

Mistulan itong fountain na animo'y wala nang bukas ang pagsirit.

Natigil lamang si kuya na makitang wala nang hininga ang dalawa.

Mga brutal na pangyayari na akala ko sa TV ko lamang madalas nasisilayan.

Takot na takot ako noon. Halo halong emosyon ang naramdaman ko. Hindi ko malaman ang mga ito. Basta ang ang tanging nangingibabaw lamang sa aking sistema ay takot. Takot na baka mapatay ang aking kuya. Takot sa mga nasilayang pangyayari. At pagkamuhi at awa naman sa malagim na sinapit ng mga lalaki.

Hindi ko matignan si kuya noon. Nandidiri ako sa kanya. Ang mukha niyang naliligo sa dugo ng mga lalaking pinatay niya. Para siyang tigreng nag ngingitngit sa galit habang unti-unting nilalapa ang mga usa.

Malayong malayo sa kuya ko na mapagmahal at masiyahin. Kitang kita ko ang mga mata nito. Nangangapoy sa galit. Animo'y demonyong nakawala sa matagal na pagkabilanggo. Hindi na siya ang kuya ko. Ibang iba siya sa kuya ko.

Lumapit siya sa akin noon. Hindi ako makagalaw sa takot. Mistulan akong estatwang nakatulala at nakapako ang mga paa.

Ni hindi ko namalayan na nakalapit na pala si kuya sa akin noon. Tandang tanda ko ang malagim na pangyayaring yumurak sa mura kong pag iisip.

Niyakap niya ako noon ng buong puso. Batid ko ang pag aalala niya sa akin. Kahit na napuno ang maliit at mahinang katawan ko ng nakakasulasok na dugo. Amoy na amoy ko ang nakakadiri at masangsang na amoy nito.

Naiiyak ako...

Naiiyak ako noon dahil hindi na siya ang kinilalang kuya ko. Para siyang ibang tao sa akin. Ibang tao na walang alinlangang pumatay.

Pinaliwanag agad sa akin ni kuya ang lahat ng detalye na dapat kong malaman. Wala siyang tinago ultimo maliit na piraso. Kaya naman inintidi ko iyon.

Pilit kong inintindi. Alam ko kahit ganoon ay hindi ako kayang saktan ni kuya. Hindi niya ako kayang saktan dahil mahal na mahal niya ako. Kaya tinanggap ko iyon. Tinanggap ko ng buong puso kahit labag sa kalooban ko.

My Last RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon