Chapter 12

12 0 0
                                    

Lumipas ang oras na puro tawanan ang ginawa ng grupo namin. Halos 2 oras din kaming hinayaan ng professor namin sa pag dedesisyon sa aming gagawing aktibidad.

Magaan na rin ang loob ko sa kanila. Tawanan, biruan, asaran lang ang aming ginawa. Halos sumakit ang tiyan ko sa kakatawa dahil kay Chiaki.

Si Chiaki Mamiya. Siya ay may pagka-rockers kung titignan. Siya rin ang nagsisilbing joker sa grupo. Gusto ko ang hulma ng kanyang mukha na talaga naman di aakalaing may angking kalikutan pala. Mukha kasing napakaseryoso ang mukha nito. Malayong malayo sa ugali niya.

Si Azumi Ito. Siya naman ang bukod tanging echosera. Na kahit medyo may kaliitan ay sobrang bait at pagkatsimosa naman. Maganda ang mata nito, mukhang laging nakatawa. Mahahaba at maiitim din ang kanyang eyelashes. At may sobrang cute na boses.

Si Kikuichi Uchida. Siya naman ay mukhang napakatalino kung titignan dahil na rin sa nerd glasses na suot nito. Kami ni Kikuichi ay may pagkatahimik lang sa grupo tatawa lang kapag may nakakatawang bagay lamang na pinag uusapan. Pero kapag siya ang bumanat ay talaga naman na may angkin ding kalokohan sa katawan.

Si Hiro, Megumi at Yura ang mga happy go lucky sa aming grupo. Nakikisabay at nakikiasaran din sa mga biruang nangyayari.

Si Hiro Kohyama. Siya naman ay simple at may baby boy type na itsura. Dahil na rin sa malalim na dimples nito sa pisngi na kahit hindi nagsasalita ay nakatambad na mula iyon sa mga pisngi niya.

Si Megumi Asano. Siya naman ay may pagkabilugan ang hugis ng mukha. At may maliit na nunal malapit sa ilalim ng bibig nito. Kahawig niya si Barbie Zhu ng Flower Four. Ngunit may aking pagkachubby lang si Megumi kumpara kay "San Cai".

Si Yura Otani. Siya naman ay medyo matangkad sakin. Kakaiba siya talaga dahil na rin sa may pagkauto uto ito. Sa kabila ng laki niyang bulas ay ganoon pala ito. Maganda ang mga labi nito na sa bawat pagsasalita niya ay ang cute cute tignan.

Si Kevin Kolster. Siya naman ang tusong gentleman sa grupo. Tuso siya dahil puro pacute ang ginagawa niya. Pero aminado akong nakakaakit ang angkin niyang physical appearance. Bukod sa intense na banyagang features at balu-baluktot na dila nito ay mabait din siya. Parang walang alalahanin at tawa lang ng tawa sa bawat banat ni Chiaki. Isa siyang canadian exchange student dito sa Todai. I like his tantalizing blue eyes. At ang kombinasyong brunet/blond na kulay ng buhok nito. Mukha siyang super model.

"Jianna! Sabay sabay tayong kumain later dun sa sushi bar gusto mo? Tapos karaoke tayo? Ihh.. Excited na ko mag dismiss." Sabi ni Azumi sakin.

Mukhang maganda yun ah. Siguro tama rin na mag happy happy minsan. Masyadong komplikado kasi ng buhay ko lagi nalang akong seryoso at walang kakwela kwela sa katawan. Isip isip ko.

"Sige ba! Yeey. Ako din excited." Nanlalaki pa ang mga mata ko habang sinasabi ko iyon. Talagang excited ako sa gagawin ng grupo namin mamaya.

"Talaga? Sana dismissal na!" Singit naman ni Kevin.

"Jianna dapat ikaw yung unang una na kakanta ha? Para mabinyagan kana." Sabi naman ni Megumi.

"Dasalan mo Jianna yung mic habang si Yura naman ang sasayaw!" Hapyaw ni Chiaki kay Yura.

"Di nga? Di ako marunong kumanta-" Tugon ko.

"Di rin ako marunong sumayaw no! Budots dance nalang kaya?" Nalilitong sabi ni Yura. Talaga tong si Yura uto-uto talaga pwede naman na hindi siya sumayaw eh.

"Wow first time natin makakabonding si Jianna." Sabi naman ni Hiro.

Nang matapos ang klase namin ay nag ayaan agad ang grupo na kumain sa sushi bar. Nagtatawanan kaming palabas ng building namin. At inaasar parin nila ako na galingan ko raw mamayang kumanta.

"Jianna pag makakuha ka ng scores na 100 ay may libreng 5 yen ka mula sakin." Untag ni Chiaki.

"Loko. Di ako makakakuha non! Pinagpala kaya itong boses ko. Nakakamatay." Paniguradong tugon ko kahit na di talaga ako sigurado sa sinasabi. Di ko pa kasi nasubukan magkaraoke sa tanang buhay ko. At hindi naman gaanong panget ang boses ko kaya tingin ko kaya ko naman.

"Ako naman. Pag nakakuha ka ng 85 below may libreng kiss ka mula sakin." Biro naman ni Kevin. Mga loko talaga to.

"Hahahaha! Paano kung puro 85 below? Edi sandamakmak na kiss ang makukuha ko sayo? Yak." Pabirong sagot ko naman sa kaibigang banyaga. Hinampas ko pa ang braso nito. Agad naman ako nitong inakbayan. Friendly akbay ika nga.

Puro kantyaw at asar ang natatamo ko sa mga kagroup ko. Ang sarap pala ng may kaibigan. Parang sobrang gaan sa pakiramdam. At nakakawala ng anumang problema. Nang tuluyang makalabas na kami ng building ay hagikhikan parin sila.

Napabalikwas naman ako noong makita ko si Akiro sa bukana nang pathway ng Building namin. Ang masayang mukha nito ay biglang dumilim pagkakita samin. Matiim ang titig nito. Diretso sa mukha ng nakaakbay sa balikat ko. Nang tuluyan na kaming makalapit ay agad siyang lumapit sakin at inialis ang kamay ni Kevin mula sa balikat ko.

"Aah. Akiro? Why are you here?" Tanong ko.

"Duh! Edi sinusundo ka. I have your car right?" Pagsusungit na tugon ni Akiro sakin. "And who's this one?" Dugtong niya sabay harap kay Kevin.

"Tss. Ano ba Aki? Classmate ko pwede ba?" Giit ko sa nag aalburotong si Akiro.

"Uhm... Excuse me Fafa Akiro. I mean Akiro. We're going to hangout somewhere. So kung okay lang hiramin muna namin si Jianna?" Singit naman ni Azumi. Halatang walang pakialam sa nabubuong tensyon samin.

"NO! We have something to talk to." Tinignan ni Akiro isa isa ang mga group mates ko sabay ng pabulyaw na sagot niya sa tanong ni Azumi.

"Ano ba Aki? Who are you to decide? Better quit your drama it's not even funny." Mahinahong sambit ko. Pinukol ko siya ng please-stop-your-fucking-drama look. Habang siya naman ay matiim na nakatitig sakin. Hindi ko mawari kung ano ang emosyon ang dumadaloy sa katawan nito. Hindi ko mabasa ang mukha niya.

My Last RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon