Chapter 16

8 0 0
                                    

Kinaumagahan, may isang malakas na door bell mula sa labas ang gumising sakin. Napasinghap ako ng hangin at dali-daling tinungo ang pinto. Tinignan ko muna sa peephole kung sino man ang tao sa labas. Bago ito ipinagbuksan.

It turns out na sina Mama at Papa pala ang dumalaw. Kasama nila ang 3 ko pang kapatid na pawang mga ampon din ng mag asawang Kimura. Sina Hitachi, Yoko at Kaoru. Nagulantang ako sa mga nangyari kaya sinalubong ko sila ng nagtatakang mukha.

Usually, hindi naman ito masyadong dumadalaw sakin siguro sa loob ng isang buwan ay isang beses lang din kung dumalaw sina Mama at Papa. Dipende pa yon kung maluwag ang schedules nila dahil na rin sa pag aasikaso sa mga busy kong kapatid.

First time din akong dinalaw ng mga asungot na to. Ano kayang meron at feeling ko happy family kami ngayon kahit di naman talaga kaming ganoong magka-close magkakapatid.

"Hala! Bakit lahat kayo nandito? What bring you guys here? Hindi ninyo man lang ako inabisuhan na pupunta pala kayo rito." Iritadong pahayag ko.

"Edi ate kung sinabi nila Mama eh, di na surprise?" Bungisngis na sabi ng siyam na taong si Kaoru. Kasabay ng pagyakap sakin.

"Psh, dun ka nga Kaoru! Ang baho mo." Pikon na sabi ko. She make face at me. Hindi talaga ako malambing sa kanila. Ni wala man lang lambing na dumadaloy sa mga ugat ko. Gusto ko mang mag lambing minsan ngunit nahihiya ako. Kaya laging iritado at pagsusungit nalang ang inaasal ko sa kanila.

"Pasensya kana Jianna. Itong mga kapatid mo kasi namimiss ka na raw kaya naisipan nilang dalawin ka. Pero aalis rin kami maya-maya. May gustong puntahan itong dalawa mong kapatid." Sambit ni Mama habang iningunguso sina Yoko at Kaoru. Niyakap rin niya ako hinayaan ko nalang siya. Halos magtatatlong buwan na rin kasi na hindi nila ako nakita.

"Oo nga ate, may gaganapin kasing festival sa susunod ng mga araw sa Shibuya kaya naman free kami. Nagset lang kami ng mga booths sa school wala naman kaming balak dumalo sa festival." Singit ni Yoko na siya namang pangalawa sa bunso sa pamilya at labing limang taon na.

"O ikaw Hitachi? Himala at napasama ka?" I asked him with disbelief. He usually likes to be alone. A quiet type of guy. He's a year younger than I. And what I like with him the most is, he's too protective and sweet sometimes when it comes to me, di nga lang ganun ka-showy. I don't know click lang talaga kami ng kapatid kong ito. Parehas kasi kami ng personality kaya ganun.

"Wala naman. I wanna break. I just don't find Keio interesting anymore. I asked my professors to gave me some modules para makahabol ako sa mga lectures. Pinayagan naman nila ako." Di ko mapigilang mapataas ang kilay sa sinabi ng kapatid ko. This really witty good looking guy na puros pagbabasa lang ang inaatupag ay nagsasawa nang mag aral? How come.

"Ma? Pa? Sigurado ba kayong si Hitachi to?" Sabay turo ko sa kinaroroonan nito.

"Oo naman. Bakit?" Usal ni Papa waring nagtataka sa tanong ko.

"Di ko ata kilala to. Ang daldal na at tamad mag aral ang isang ito." Tinitigan ko mabuti si Hitachi. Pakunwa'y inieksamin siya.

"Paano ba naman kasi ay nakatanggap iyan ng internship letter mula sa Amerika. At halos lahat ng professors niya ay pinagtutulakan siya roon. Kaya iyan naguguluhan ngayon." Bulalas ni Mama. Aba susyalero na pala tong mokong na to. Ni hindi man lang nabanggit sakin. Kaya naman lumapit ako rito at binatukan ito ng pagkalakas lakas.

"Aray! Ano ba ate!" Iritadong sabi nito sabay hawi sa kamay kong nakapatong sa ulo niya.

"Bakit bahag na buntot mo ngayon ha?! Wala ka pala eh. Weaklings ka!" I'm not best into words but I know through this ay maliwanagan siya sa gusto kong iparating. We used to be best enemies when we're little. Aso't pusa kami ng isang ito. Lagi kaming nag aaway at nag sasapakan noon kaya hindi ko mahinuha kung bakit pinag iisipan pa niya ang mga ganitong bagay. This internship is for his own good. For him.

"Tama na! Ayaw ko muna pag isipan yan." Daing naman ni Hitachi sakin.

"Coward! So ano palang balak ninyo ngayon?" Binaling ko sina Mama at Papa.

"Aba'y bahala siya dyan. Desisyon yan ni Hitachi." Sagot ni Mama sa tanong ko.

"Kaya kung pwede lang anak ay patuluyin mo muna iyan dito para makapagisip isip. Isang linggo lang naman siya paririto." Dugtong naman ni Papa. Kaya pala may isang suitcase silang dala dahil dito muna titira itong balahura na to.

"Hala naman? Ano pa bang ipinunta nyo dito? Lubos lubusin nyo na. Grabe yung ipinunta ninyo full of surprises ha." I gave them petulant complain. They're just all shook their heads.

"Osya, sige na. Lika dito Hitachi lagay mo yang gamit mo sa kaliwang room upstairs wala pang gamit dun. We'll buy later." I quipped, before I headed to the kitchen to look for a meal. I suddenly felt my stomach aching begging for some food to eat. I can't believe na hindi ako nakapag dinner last night and it's almost past 10 na rin kaya sobrang kumakalam na ang sikmura ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Last RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon