Chapter 1

7.1K 194 19
                                    

ISANG buwan na ang nakalipas magmula nang nailibing ang labí ng ina ni Savanna. Naiwan sa kanya ang bahay na naipundar ng kanyang ina sa Makati. Naroon pa ang half-brother niyang si Dean. Umuwi ito noong nalamang namatay ang kanilang ina. Anak ito ng kanyang ina sa naging amo nito sa Boston USA.

Pangit man ang impresyon ng ibang tao sa kanyang ina, ito pa rin ang maituturing niyang dakilang ina. Hindi siya nito pinabayaan. Ang tawag ng iba sa kanyang ina ay 'dakilang kabet'. Bagaman totoo, nasasaktan siya na may umaalipusta sa kanyang ina. Anak din siya nito sa lalaking may pamilya. Pero mas pinili ng kanyang ina na itaguyod siyang mag-isa na hindi umaasa sa mga nakarelasyon nito.

Ang daddy ni Dean ay mayroon ding asawa pero walang anak. Mas matanda ito ng apat na taon sa kanya. Nag-migrate sa US si Dean simula noong kunin ito ng ama nito. Mas masuwerte ito kaysa kanya dahil mayaman ang tatay nito.

"So, what is your plan, Sav?" tanong ni Dean nang magkasalo na sila sa almusal.

Bumuntong-hininga siya. "Hindi na ako makakabalik sa dati kong pinagtatrabahuhan dahil nag-resign na ako. Hindi na kasi maganda ang nangyayari sa kumpanya," turan niya.

"I told you, you can work for my company."

Gusto niya ang plano ni Dean pero nahihiya siya sa pamilya nito. "Thanks, Kuya, pero nakapag-apply na ako sa bagong kumpanya at tinawagan ako for interview."

"Are you sure you can live alone here? Baka mahihirapan ka."

"No, Kuya. Ayos lang talaga ako rito."

Bumuntong-hininga si Dean. "Okay. I will leave on Sunday. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. And I sent one hundred thousand to your bank account for your financial needs."

Nawiindang siya. "But-"

"No more buts, please. You're still my responsibility as my sister so I want to make sure that you're in a good situation. Dadalawin din kita madalas," nakangiting sabi nito.

Hindi na lamang siya kumibo. Napakabait ng kuya niya. Ang suwerte ng babaeng mapapangasawa nito. Workaholic si Dean at wala pa siyang nababalitaan na may girlfriend ito.

"Salamat, Kuya," sabi na lamang niya.

"No worries."

Matagal na siya nitong gustong kunin para doon sana pag-aralin sa US pero hindi pumayag ang mama niya. Dahil kapos ang budget, kumuha lang siya ng two years secretarial management course. Ang totoo ay gusto talaga niya maging engineer katulad ni Dean.

May sarili nang real estate developer sa Boston si Dean. Maliban doon, marami na ang branch nito ng construction equipment auction at construction company. Marami ring itong condominium. Katunayan, plano nito na mag-invest din ng business sa Pilipinas. Iyon na lang ang hihintayin niya para sa kumpanya nito siya magtatrabaho.

Ilang buwan ding pinagtiyagaan ni Savanna ang pag-aalaga sa kanyang ina na dinapuan ng sakit na liver cirrhosis. Naging alcoholic ang mama niya simula noong natuklasan nito na may pamilya pala ang tatay niya. Nagkakilala lang ang mga ito sa hotel na pinagtrabahuhan ng mama niya noon bilang housekeeping staff.

Na-in love ang mama niya sa tatay niya at ilang beses na may nangyaring sekswal ay siya ang naging bunga. Subalit natuklasan ng mama niya na may pamilya naa ng tatay niya at dalawa ang anak. Sadly, namatay rin sa aksidente ang tatay niya. Kilala niya ang mga anak niyon at asawa pero hindi na siya naglakas-loob na magpakilala sa mga ito baka isumpa lang siya.

Masaya si Savanna nang malamang tanggap na siya sa trabaho. Nawindang siya dahil inilagay siya sa posisyon ng executive secretary ng De Silva group of companies. Isa lang ang De Silva sa may pinakamalawak na business sa Metro Manila at Calabarzon.

Obsession 4: Chasing Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon