Epilogue

5.7K 203 30
                                    

LIMANG buwan pagkatapos maisilang ni Savanna ang ikalawang anak nila ni Hance na lalaki ay nagpumilit na siyang magtrabaho. Naawa na kasi siya sa kanyang asawa na halos tulog na lang ang pahinga. Kahit maraming empleyado, hindi naman lahat kayang gawin ang ibang trabaho niya. Bilang prisedente ng De Silva Group of Companies, lahat ng mahahalagang papeles ay dumadaan kay Hance.

Sa pagpirma pa lang ng mga legal documents, kulang ang isang araw na pag-upo nito sa loob ng opisina. Once a moth pa itong bumibiyahe para bisitahin naman ang business nito sa Florida. Namatay na kasi ang grandparents nito sa Florida kaya wala nang umaalalay. Ang parents naman nito ay sa Pilipinas lang nakatutulong dahil ayaw na ring bumiyahe madalas.

Tinutulunga naman sila ni Forena sa ibang business. Minsan ay ito ang nag-aalaga sa mga anak nila. Pumayag naman si Hance na magtrabaho siya sa opisina nito pero apat na oras lang. Tinutulungan niya ito sa paperwork nito.

"Hon, mag-hire na rin tayo ng office assistant para sa ibang branches. Kinukulang na tayo ng manpower," suhesyon niya. Magkatabi sila ng lamesa ni Hance sa loob ng opisina nito.

"Ikaw ang bahala. Pero ang pinapa-hire ko sa 'yo na manager para sa hotel wala pa. Magre-retired na si Ate Melinda," anito.

Bumuntong-hininga siya. Ang daming applicant noong isang araw pero wala siyang napili. Hinahanap niya 'yong quality ng performance ni Melinda. Kaso, may edad na ito at gusto na ring magpahinga.

"Wala pa akong na-hire. Ayaw ko ng mga bata."

"Namimili ka na naman. Ang sabihin mo, inuuna mo ang pinapa-hire sa 'yo ni Dean," may hinampong sabi nito.

"Eh kasi siya hindi naman mapili. Basta pinoy okay sa kanya."

"Then dito mo pinapapunta ang gusto mong patrabahuhin sa kapatid mo."

"Hon naman, pagselosan ba naman si Kuya."

"Hindi gano'n 'yon, Savi. Higit na kailangan natin ng manpower."

"O sige, na. Bukas makakapili na talaga ako. Isasabay ko na sa hiring ng manager para kay kuya."

Tumahimik na si Hance.

Para hindi na ito magtampo, nag-send na naman siya ng hiring note sa public page ng manpower agency. Lahat naman ng empleyado nila hina-hire sa agencies. Makilatis kasi siya base sa experiences, pangalawa ang educational background.

Kinabukasan, maagang pumasok sa opisina si Savanna dahil may kakausapin siyang mga aplikante na nakapasa sa exam ng psychologist nila at interview. Isinama na niya roon ang aplikante para sa kumpanya ni Dean na magkakaroon ng sangay sa Pilipinas. Ginagawa na ang main office ng Car and Construction equipment auction nito. Bagong investment iyon ni Dean, aside sa Hotels and travel agency.

Maganda ang mood niya kaya nakapili siya ng bagong manager sa branch office ng De Silva group. Thirty-eight years old na si Mrs. Olga Santos. Pinakilala rin niya ito kay Hance pagdating nito.

Ang sunod niyang nakilatis ay ang napili niya para manager ni Dean. Si Samara San Andres, twenty-seven years old, single, sexy, maganda, pero hindi ang quality na iyon ang nagustuhan niya kundi ang records nito. Dati itong manager ng San Andres Lending Corporation and Farmers Bank and Finance. Pero balita niya, nabenta na ang nasabing kumpanya.

Nawindang siya nang malamang anak pala ng may-ari ng kumpanya si Samara. Namatay pala ang parents nito dahil sa plane crash. Natuklasan nito na palugi na ang kumpanya kaya naisip nitong ibenta.

"Paano ka ngayon na wala na ang business ninyo?" usisa niya sa dalaga.

"May farm lot investment naman po ako na siyang sinasaka ng Tito ko. Awa ng Diyos, nakararaos kami ng nakababatang kapatid ko. At saka, magtatrabaho na rin ako after ng isang taong pahinga mula noong namatay ang parents ko," kuwento nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsession 4: Chasing Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon