Chapter 7

3.4K 127 12
                                    

HINDI na naman nakapasok sa opisina si Savanna. Nagpasama siya sa Tita Mylene niya sa ospital para magpakunsulta. Iniisip niya baka anemic na siya. Ngunit nang lumabas ang resulta ng blood test, kasama ang pregnancy test na request ng doktor, nawindang siya nang maging positibo. Buntis siya!

"Hala! Huwag mo sabihing may nangyari na sa inyo ni Hance, Savi!" bulalas ni Mylene.

Hindi niya naitanggi rito ang katotohanan. "Opo, Tiya."

Papasok na sila sa gate ng bahay. "Naku, kailangan malaman niya ito para panagutan ka kaagad."

Nagpahinga muna siya. Ilang tawag ni Hance ang hindi niya nasagot. Nakauwi na pala ito mula Florida, hindi man lang siya dinalaw.

Kinabukasan pagpasok ni Savanna sa opisina ay umugong ang tsismis na may pinaalis umanong engineer si Hance na isa sa pinagkakatiwalaan nito. Hindi makapaniwala ang ibang staff. Hindi na sana siya nakiusyoso pero narinig niya ang kanyang pangalan. Nadawit pa siya sa tsismis. Si Adele lang naman ang nakaaalam na may relasyon sila ni Hance.

Nawindang siya nang marinig na si Bernard ang pinatanggal ni Hance. Bakit gano'n? Kaibigan nito si Bernard at may hawak sa malaking project nila sa Rizal. Matino naman magtrabaho 'yong tao. Dahil daw sa pagkawala ni Bernard ay nagulo ang operasyon ng project.

Kapapasok pa lamang niya sa opisina niya ay tinawag na siya ni Adele. Sinabi nito na kailangan niyang pumunta sa office of the CEO. Kinakabahan siya na nasasabik nang maisip na hinihintay na siya ni Hance.

Pagpasok niya sa opisina nito ay nasorpresa siya nang si Madam Forena ang nakaluklok sa tapat ng lamesa ng binata.

"Magandang umaga po, ma'am!" bati niya rito.

"Magandang umaga naman sa 'yo, hija. Maupo ka," anito.

Umupo naman siya sa katapat nitong silya. Naiilang siya sa seryosong ginang.

"Alam mo ba na naisugod sa ospital si Hance kahapon ng madaling araw?" anito.

Nagimbal siya. "Bakit po? Anon'ng nangyari?" Nataranta siya.

"Buong gabi siyang naglasing sa hotel suite niya. Hindi ko siya nakausap dahil nagwawala siya."

Halos mapatayo siya sa pagkawindang. "Bakit po?" nababahalang usisa niya.

"Noong nahimasmasan siya sa ospital, sinabi niya na nakita ka niya at si Bernard na naghalikan sa tapat ng bahay n'yo. Totoo ba 'yon?"

Natigagal siya. Saka niya naalala na hinatid pala siya ni Bernard noong isang gabi sa bahay nila. Hilong-hilo na siya noon at naalala niya na aksidenteng naglapat ang mga labi nila ng lalaki. Pero wala iyong malisya. Nagmalasakit lang si Bernard. Binuhat pa siya niyon papasok ng bahay hanggang sa kuwarto niya. Ibig sabihin ay naroon lang si Hance noong gabing iyon? Pero bakit hindi sila nilapitan?

"Hindi po totoo 'yon, ma'am. Nagmalasakit lang sa akin si Bernard dahil nahilo ako mula sa biyahe namin. Nagmula kasi kami sa Rizal project. Ang tungkol sa halik, aksidente lang 'yon dahil bigla akong nahilo," paliwanag niya.

"Hindi mo mapapaniwala si Hance sa ganyang paraan, hija."

"Pero 'yon po ang totoo."

Bumuntong-hininga ang ginang. "This is the reason why I don't want to tolerate him having a relationship with a woman since he's not healed yet, Savi," seryosong wika nito.

Kumabog ang dibdib niya. "Pero okay naman po sa akin si Hance," aniya.

"Yes, but not all the time, hija. Natatakot akong kontrahin siya sa mga desisyon niya dahil alam ko kung ano ang mangyayari kapag ginawa ko iyon. Walang problema kung hindi siya masasaktan. But he was hurt because of Bernard. He fired Bernard right after Hance caught you kissing with him."

Obsession 4: Chasing Her (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon